Kabanata 26: Ang Pagbabalik

208 16 0
                                    

[Kabanata 26: Ang Pagbabalik]


***

"Henry, sigurado kana ba talaga na iiwan mo kami ng anak mo?"- umiiyak na tanong ni Mama kay Papa.

Sa limang taong edad ko, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na una kong nakitang umiyak si Mama at iniwan kami ni Papa.

"Kailangan kong gawin 'to, kailangan ko ng umalis."- sambit ni Papa.

Lumapit ako kay Papa at niyakap siya sa binti nya.

"Papa wag mo kami iwan ni Mama.."

Pinilit na iniilalayo ako ni Papa mula sa kanya pero hindi ako bumibitaw hanggang nailayo nya ako at nawalan ako ng balanse. Natumba ako at dahilan kung bakit tumayo si Mama, hindi siya nagdalawang isip na itulak si Papa pero nasaktan siya nito.

"A-Anak."- agad na lumapit sa akin si Mama at binuhat ako.

"Pabayaan ninyo na ako! Aalis ako dahil heto ang kailangan! Kailangan ko na kayong iwan."- pagkasabi nya nun kinuha nya ang malaking maleta nya at agad na umalis ng bahay.

________________________________

"Isang kasuotan na hindi ko mawari kung anong klaseng tela ang ginamit."- dinig kong sambit ng isang babae.

Hindi ako makadilat ng diretso, feeling ko ang daming taong nakapaligid sa akin ngayon dahil sa mga ingay na naririnig ko.

"Kawawang Binibini, mukhang siya ay itinapon mula sa malayong lugar at dito napadpad."

Ha?? Sino ba ang pinag-uusapan nila?? Ako ba?!

"Binibini?"- may isang boses na matandang babae at naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko.

Marahan kong idinidilat ang mga mata ko, hanggang sa nakita ko agad ang mga ulap at liwanag na nagmumula sa sikat ng araw.

"Binibini? Ayos ka lang ba?"- marahan akong tumingin sa matandang babae na katabi ko.

Yung kasuotan nya, ganun parin. Nasa makalumang panahon parin ako? I-Ibig sabihin naligtas ako mula sa pagkaka-baril ni Raul?

Tumingin ako sa buong paligid, wait? B-Bakit ang daming tao?? Bakit parang pinagpi-piyestahan nila ako dito??? Marahan akong umupo, tatayo na sana ako pero napatigil ako bigla nang mapansin ko ang suot ko. Napatingin rin ako sa bag ko na nasa gilid ko, napahawak ako sa damit at sapatos ko.

T-Teka???

A-Anong nangyayari????

Tumingin ulit ako sa paligid at marahan na tumayo.

H-Hindi maaari 'to ..

Marahan kong kinapa ang mukha ko, ang pisnge .. ilong at bibig ko, tapos yung buhok ko.

T-Teka .. a-ako naba talaga 'to??? As in ako na talaga 'to?!! Bumalik na ako sa sarili kong katawan! P-Pero bakit narito parin ako sa panahon ni Amanda?!

Agad kong kinuha ang bag ko at agad na tumakbo, kailangan kong makita si Amanda. Kailangan kong malaman kung nailigtas ba siya. Tanginang Raul 'yon! Ngayong bumalik na ako sa sarili kong katawan hindi na ako magtitimping saktan kang hinayupak ka! Hindi na ako magpapanggap na mainhin at hanggang salita nalang ang magagawa. Papatulan na talaga kita kapag may nangyaring masama kay Amanda!

Habang naglalakad ako papunta sa Hacienda ng mga Viscano napapansin ko na pinagtitinginan ako ng mga tao. Tsh, weirdo na weirdo na sila sa akin dahil sa kakaibang suot ko. Tsk!

Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon