[Kabanata 21: Invitación]
"B-Binibining Milagros? Ang nag-iisang anak ng Kapitan Heneral na si Don Crisostomo Espedido?"- gulat na sambit ni Donya Hilda
Anak ng isang Kapitan Heneral?
Sabi ko na nga ba eh, halata naman 'yon sa kanya. At halata ring walang-wala ako sa kanya. Hays, sobrang ganda at sobrang inhin ng itsura nya, samantalang ako para akong guardia sibil. Hay nako!
"Ikinagagalak ko po kayong makilala."- sambit nya.
"Oh siya kayo ay maupo na at sabayan nyo kaming kumain."- sambit ni Don Agapito
Inalalayan ni Abel na makaupo si Milagros at umupo na rin siya. Nagtama ang mga mata namin nung Milagros, iiwas na sana ako pero ningitian nya ako kaya naman ningitian ko nalang rin sya ng bahagya.
"Kumusta ang iyong ama?"- tanong ni Don Ernesto
"Bilang isang Kapitan Heneral ang aking ama ng ating bayan, siya ay abala palagi sa kanyang trabaho upanga mapanatili maayos ang ating mamamayan."- matured na sagot ni Milagros.
Whoa? May pagka-mainhin at may pagka-angas rin pala siya ng kaunti.
"Maaari bang mag-tanong, Binibini? Paano kayo nagka-kilalang dalawa ni Ginoong Abel?"- parang kinikilig na tanong ni Donya Hilda. Tsh!
Nagkatinginan sila Abel at Milagros. Ngumiti naman si Milagros na may parang smirk ganun.
"Hindi ba't itinatanong ang tanong na iyan ay sa lalaki?"- sambit ni Milagros kay Donya Hilda.
Parang napahiya ng kaunti si Donya Hilda. Kahit hindi ko kilala ang Milagros na 'to pero naaamoy ko na ang ugali nya. Siya yung tipong sa umpisa papakitaan ka ng mabuti, pero sa huli papakitaan ka rin nya kung paano siya maging masama.
"Ahm nagka-kilala po kami Milagros sa isang pagtitipon sa simbahan kahapon lamang."
WHAT? KAHAPON LANG???! AKALA KO BA HARD TO GET ANG MGA KABABAIHAN NG UNANG PANAHON?!
"Nagkakilala o ipinagka-sundo?"- napatingin ako bigla kay Don Ernesto sa tanong nya.
Tumingin naman ako sa mga magulang ni Abel. Bakas na hindi nagkakamali si Don Ernesto.
"Amigo, hindi na ako magpapa-ligoy ligoy pa. Ang totoo nyan ay ipinagka-sundo namin ni Kapitan Heneral ang aming mga anak."- sambit ni Don Agapito
Napalunok ako at napahinga ng malalim. Hays! Kaya naman pala ang bilis, ipinagkasundo naman pala sila.
"Kilala ko ho kayo, Don Ernesto at Donya Hilda."- nakangiting banggit ni Milagros sabay tingin sa akin. "At kung hindi ako nagkaka-mali, ikaw si Binibining Amanda. Ang tagapag-mana ng malaking ari-arian ng inyong angkan."
Napalunok na naman ako at napatango lang ng bahagya.
"Ikinagagalak kitang makita at makilala, Binibini."- nakangiti nyang sambit
_________________________________
Nandito ako ngayon sa labas ng Hacienda. Nakapikit ako at nilalanghap ang masarap ng hangin. Hays! Actually ayoko na doon sa loob, kung pwede lang umuwi ng mag-isa, uuwi na ako. Hindi ko na makaya pinag-uusapan nila doon.
Pinag-uusapan na kasi nila ang tungkol sa maaaring pagpapa-kasal ng dalawa. Tsk! Nakakainis! Bakit ba kasi ako nagka-gusto sa lalaking 'yon?! Tsk! Sobrang bigat sa dibdib! Ayoko ng ganitong nararamdaman! A-Ayoko!
"Amanda?"
Napatigil naman ako sandali nang marinig ko ang boses ni Anton mula sa likuran ko.
"Oh bakit?"- tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Huling Gabi
Historical FictionLunar Trilogy: Ikatlong Serye "Huling Gabi" Gabby Almario, the bad girl who came from the present time will be transported to the ancient times due to the mysterious Lunar Eclipse. Gabby will temporarily replace the persona of a kind and elegant wom...