Kabanata 13: Gabby VS Sundalong Español
"G-Ginoong Anton .."
Amanda anong ginagawa mo?! Lintek! Baka isipin ng lalaking 'yan may gusto ako sa kanya! Hays!
"Masaya ako dahil nariyan ka palagi sa aking tabi, Ginoo. Masaya ako dahil hindi mo ako iniiwan."
Yung mga mata ni Anton, nakikita ko sa mga mata nya ang pag-aalala sa babaeng kaharap nya ngayon.
"Binibini .."- sambit ni Anton at hinawakan ng marahan ang pisnge ko.
Pinilit kong pumikit ng madiin at lumayo mula kay Anton.
"Amanda anong nangyayari?"- pag aalala nyang tanong
Dumilat ako ng marahan. This time nararamdaman kong ako na ulit ang nagko-control sa katawan nya. Tumingin ako ng masama kay Anton.
"Ang kulit mo naman eh. Iwan mo na ako! Kaya kong umuwing mag-isa!"- pagkasabi ko nun tumakbo na ko palayo mula sa kanya.
Habang tumatakbo ako lumingon ako sa kanya, tumakbo rin siya at hinahabol ako. Bwiset naman talaga!
"Aahhh!"- napasigaw ako at napaupo nang may nakabangga ako bigla.
"Amanda!"- sigaw ni Anton.
Ang sakit ng balakang ko lintek naman! Pag-angat ng ulo ko medyo nabigla ako dahil tatlong sundalong mukhang español ang masamang nakatingin sa akin.
"Amanda."- inalalayan naman akong makatayo ni Anton. Hindi ko siya pinansin at tumingin sa mga sundalo.
"Hindi ba kayo tumitingin sa dinadaanan nyo?!"- pagalit kong tanong
Nagkatinginan sila at halos manlaki ang mga mata ko nang bigla akong turukan ng espada sa gilid ng leeg ko.
"No tienes respeto!"- sambit ng sundalong nakaturo ang espada sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko, walang hiyang 'to ha. Isang sapak ko lang sa'yo tumba kana!
Inatras naman ako ni Anton at siya ang humarap sa mga sundalo.
"La joven está enferma así que pido disculpas por su comportamiento."- sambit ni Anton na hindi ko naman maintindihan.
"¡Fuera de nuestra presencia ahora mismo!"- sigaw nung isang sundalo sa harap ng mukha mismo ni Anton. Nanggigil ako bigla at agad na hinila si Anton paatras at ako naman ang humarap sa sundalong nanigaw sa kanya, sabay ...
*BOOGGGSSSS*
Halos mapahiga siya sa lupa habang nanlalaki ang mata at nakahawak sa nguso nya. Bwahahaha!
"Amanda bakit mo 'yon ginawa?!"- bulong na gigil sa akin ni Anton.
"Umatras ka, laban ko 'to."- sambit ko at itinanggal ang saya mula sa dibdib ko at nag ready to fight position sa harap ng dalawang sundalong español.
"Ano? Lalabanan nyo ko? Come on, hindi ko kayo uurungan."- i smirked
"Esta chica es extraña."- dinig kong bulong ng sundalong kakatayo lang galing sa suntok ko.
"Ano daw?"- bulong na tanong ko kay Anton.
"Kakaiba ka raw."- sagot ni Anton
Napangise ako.
"Talagang kakaiba ako!"- sigaw ko at agad na sinipa ang isang sundalo at napahiga ito kaagad sa lupa. Habang ang isa naman ay balak bunutin ang baril na nasa baewang nya pero agad kong hinawakan ang braso nya sabay ikot ko at tsaka siya binaligtad pabagsak sa lupa.
BINABASA MO ANG
Huling Gabi
Ficção HistóricaLunar Trilogy: Ikatlong Serye "Huling Gabi" Gabby Almario, the bad girl who came from the present time will be transported to the ancient times due to the mysterious Lunar Eclipse. Gabby will temporarily replace the persona of a kind and elegant wom...