Kabanata 11: 'Crush Kita!'

302 15 0
                                    

[Kabanata 11: 'Crush Kita!']



Kinagabihan

Guess what? Paalis ulit kami ngayon ni Carmen para pumunta sa tambayan nila. Woohooo! Gala rin kapag may time. Hahaha!

Pagkatalon ko mula sa bintana tumayo agad ako at nagpagpag ng dumi sa dalawang kamay. Nang tumalon ulit si Carmen napaupo siya at napa-aray na naman. Hahaha! Hay nako.

"Ano? Ayos ka lang ba?"- natatawang tanong ko habang inaalalayan syang makatayo.

"Ayos lang po ako, Binibini."

"So ano? Tara na, baka mahuli pa tayo dito."- sambit ko

Marahan kaming lumabas mula sa gate, pagkatapos nun nagmadali na kaming umalis. Pagkarating namin sa tambayan ganun ulit, sinalubong ni Nando si Carmen. Tsh, edi sila na may mga love life.

"Magandang gabi, Binibining Amanda."- bati naman nung apat sa akin.

Ngumiti naman ako at tumango. Tinignan ko ang lamesa, wala atang nakahandang mga alak?

"Hindi kayo umiinom ngayon?"- tanong ko at naupo sa upuan sa tapat nila.

"Ah naghahanap pa ng paraan si Abel upang makapag-puslit ng mga alak."

Nabigla naman ako sa sinabi ni Bregillo.

"Si Abel??"

Tumango silang lahat.

"Hindi ko pa po pala naibanggit sa'yo, Binibini na makikilahok rin sa ating kasiyahan si Ginoong Abel."- sambit ni Carmen


DUGDUGDUG DUGDUGDUG DUGDUGDUG DUGDUGDUG DUGDUGDUG DUGDUGDUG

Napahawak ako bigla sa dibdib ko at napalunok. Taena? A-Anong nangyayari sa akin?!

"Oh, nariyan na pala si Abel."- sambit ni Nando

Napalingon ako.

"Paumanhin kung ako ay nataga-- Amanda?!"- katulad ng kagabi, nagulat siya nang makita nya ako ulit dito. Nagmadali naman siyang lumapit sa akin at ibinaba ang mga dala nya.

"Anong ginagawa mo dito?!"- reklamo kong tanong sa kanya

"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo, Amanda. Bakit kana naman naririto?"

Huminga nalang ako ng malalim. Bakit nagliliwanag si Abel sa paningin ko??? Punyemas!

"Amanda!"- tawag nya

Natauhan ako at umiwas ng tingin.

"Umalis ka sa harap ko."- utos ko

"At bakit pinapaalis mo ako?"- tanong nya at pumunta sa harap ko. Tumingin ako sa kanya at tumayo.

"Eh ayoko makita 'yang pagmumukha mo eh!"

Napatigil siya agad sa sinabi ko. Napablink-blink ang dalawang mata ko, taena naman! H-Hindi ko sinasadya!

"G-Ganun ba? Paumanhin."- sambit nya at agad na umalis mula sa harapan ko. Bakit ang bilis mabago ng mood nya?! Tsh! Napapikit ako ng madiin at agad ko naman siyang sinundan. Ang bilis rin nyang maglakad.

"Abel teka lang! Tumigil ka nga! Huwag ka ng mag-tampo, ano ba?!"- sigaw ko habang sinusundan siya.

Huminto naman siya at humarap sa akin, napahinto ako sa paglakad.

"Sorry na! Pasensya na at humihingi ako ng tawad!"- sambit ko

"Humihingi ka sa akin ng pasensya ngunit ikaw ay nakasigaw?"

Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon