[Kabanata 25: Rebelasyon]
"Binibining Amanda??"- gulat na sambit ni Donya Dolores.
Oo, dito ako isinama ni Anton sa Hacienda nila.
"M-Magandang gabi ho."- bati ko
Agad syang lumapit sa akin.
"Ano ang nangyari sa'yo, ija?"- pag aalalang tanong ni Donya Dolores.
Halata ba sa itsura ko na muntik na akong mawala sa mundo? Charot!
"Sinaktan siya ni Raul."- galit na sambit ni Anton, napatingin ako sa kanya.
"Sinaktan ka ni Raul? Ng iyong Tío??"
Tumango lang ako sa tanong ni Donya Dolores.
"N-Ngunit nasaan ang mga magulang mo? Nasaan sila Amigo at Amiga?"
Napahinga ako ng malalim.
"Hindi ko po alam eh, hindi po dapat ako aalis sa Hacienda pero kasi si Anton."
"Inilayo lamang kita sa lalaking 'yon, Amanda. Hindi ako papayag na saktan ka nya."
Napatigil naman ako at hindi na nagsalita pa.
Maya-maya, pagkatapos nun binigyan ako ng damit pampatulog ni Pamela. Isa sa mga kasambahay dito nila Anton.
"Salamat."- sambit ko pagkaabot nya sa akin ng pampatulog.
"Walang anuman po, Binibini. Magandang gabi po."- sambit nya at umalis kaagad.
Bago ko isara ang pinto nilibot ko muna ang paningin ko, parang wala si Abel? Nasaan kaya siya?
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
Muntik naman akong atakihin sa puso. Pagtingin ko sa gilid ko si Anton.
"Bakit ka ba nanggugulat?"- irita kong tanong
"Nagtatanong lamang ako."
Tsh.
"Oh sige na babush, matutulog na ako."- sambit ko at agad na pumasok sa loob sabay sara ko ng pinto.
Agad naman akong napatigil dahil narealize ko na sinusungitan ko na naman si Anton. Hays! Imbis na magpasalamat pala ako sa kanya dahil iniligtas nya ako mula sa siraulong Raul na 'yon, nagagawa ko pa syang masungitan. Tsk!
Binuksan ko yung pinto, pagtingin ko nandito parin sya sa labas, nakayuko sya pero agad na napatingin sa akin.
"A-Ahm .. salamat kanina."
Nakatingin lang sya sa akin.
"Uy sabi ko salamat."
Marahan naman syang lumalapit sa akin, napapaatras ako.
"H-Huy ano ba?!"
Isasara ko sana ang pinto pero pinigilan nya ako at agad na niyakap.
Hindi na ako naka-galaw.
Y-Yung yakap nya, katamtaman lang. Ang sarap sa pakiramdam. B-Bakit ka ba ganyan, Anton???
"Hindi ko lubos na kakayanin kapag may nangyaring masama sa iyo, mahal ko. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung ikaw ay mawawala sa akin."
Ramdam ko ang panginginig ng katawan at ng boses ni Anton habang yakap ako. Hindi ako makapag-salita, hindi ko alam ang sasabihin ko.
Lumayo sya sa akin pero nananatiling hawak nya ang dalawang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Huling Gabi
Historical FictionLunar Trilogy: Ikatlong Serye "Huling Gabi" Gabby Almario, the bad girl who came from the present time will be transported to the ancient times due to the mysterious Lunar Eclipse. Gabby will temporarily replace the persona of a kind and elegant wom...