Chapter 02

20 3 0
                                    

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" Tangina, bakit kasama ko kayo sa kwarto, paano ako makakatulog nito?", pagrereklamo ni Louie dahil ang ingay daw namin, akala mo sya hindi duh.

" Ayaw mo yon? Atleast mahahatian ka namin sa pagkain mo, para di magalit si Tita pag-uwi mo" Aubrey said while she was browsing her cellphone.

Kasalukuyan kaming nandito sa van na service lang din naman ng school, kala mo talaga yayamanin. Siksikan kami ngayon sa kadahilanang para daw mas marami ang mai-hatid agad agad. Jusko kala mo naman sa Baguio yung pupuntahan e isang sakay nga lang ng Jeep yun mula sa school. Dapat talaga nag-jeep nalang kami e sayang pera.

" Guiz ilan panty na dala nyo?, pagtatanong ni Nica na parang casual lang ang tinatanong. At dahil hampaslupa kami, syempre sumagot kami.

" Ako 4, kasi magsiswimming daw e", sabi ko sabay tawa

" Ako 2 lang huhu kabado ako ah " sabi naman ni Mischele.

SI Lyn at Allieson 3 ang dala, Si Louie 2 lang din, si Nica naman at si Aubrey isa lang chArot, 5 ang dala ng mga gaga, for emergency purposes daw e, taray red alert. Biglang lumiko yung sasakyan meaning papasok na kami sa retreat camp. Alam ko tong lugar na to e, nakapunta na ako non dito kaso di ko nalibot.

Pagkatapos mag-park nung van, pinababa kami agad amp. Para daw masundo yung mga naiwan sa school, wow ha parang kasalanan naming naiwan yung mga yon. E kung pinag-jeep na nga lang kasi kami. Pagkababa kumapit agad ako kay Lyn dahil sya ang katabi ko. Hindi daw muna kami pupunta sa mga rooms dahil may praise and worship pa daw, which is the main reason kung bakit nga kami nag-retreat, to repent and restore our souls—taray diba, buti nalang maka-Diyos ako di nga lang halata.

Habang naglalakad kami, pinagdadasal ko na after namin mag worship sana naman mabawasan na kasalanan ng pepperz . Ayokong magkita kita kami sa apoy please lang.

" Ma, nauna na pala sila Allie don" , sabi ni Lyn

Oo nga no di ko namalayan kasi paikot-ikot mata ko e sorry na,baka kasi ma-nuno kami dito. Andami pa namang puno. Pagkapasok namin sa parang mini-chapel malamig naman so keri lang. Nilapag na namin yung mga dala naming bags and then dumiretso na para hanapin sila Allie.

" Mace! Dito oh" sigaw ni Louie habang si Allie naman kumakaway. Pumunta na kami agad doon kaso lang kulang ng isang upuan. Nagtanong kami sa isang Teacher kung may extra pang upuan at dahil magaling sila, pina-upo kami ni Lyn sa harapan. No choice na kami dahil magsisimula na daw. Sakto namang ka row naming yung crush ni Lyn sa Upper level so ayon masaya sya, pero happy crush nya lang daw yun, tyaka kilala naman daw ng bebez nya. Wow sana all.

" Ma, dito tayo." Turo ni Lyn sa upuan sa harap malapit sa Aircon, shet nakalimutan kong magdala ng jacket.

The whole 3 hours we spent inside the chapel was fun. Marami kaming natutunan, tas may mga pa-games pa. They also assigned our rooms. Kay Nikki binigay yung susi ng room namin. Lahat ng girls na sumama sa section namin magkakasama sa isang room. Ayos na din naman para walang ilangan. Napaka scam talaga ng school na to, ang sabi first come, first serve. Ano to fieldtrip?!?

Pinapunta na kami sa kanya-kanyang room per section para makapag-pahinga daw at malagay yung mga gamit namin. Dahil mamaya, after ng lunch start na daw ng activities. Excited na ako kasi nga ka-team ko si Riley.

Nang makarating na kami sa room kung saan kami naka-assign, we immediately picked our beds. Puro double-deck ang kama dito at may aircon din, so it doesn't matter kung bottom ako, sa double deck. After fixing our things, humiga muna ang iba sa amin, kasama na ako don at ang iba naman lumabas para daw sa fresh air. Kanina inaantok pa ako pero biglang nawala. Siguro kasi excited ako for later.

" Bangon na mga bebe, Lunch na daw" sabi ni Nikki ng malumanay.

Lahat kaming nasa loob stood up at lumabas para pumunta sa cafeteria don. In our luck, konti palang ang tao, kaya naman we got a perfect table for our section. Kumuha na kami ng plates and such and get ourselves food, pagkatapos nito ay bumalik na kami sa table namin to eat. We silently talked while eating, kasi observe silence daw. Some of us didn't like the food kaya naman di nila ito naubos.

Nang patapos na kami kumain, unti-unting dumadami na ang tao sa cafeteria. And then I saw Riley. They even walked in front of us dahil kukuha sila ng pagkain. I should act normal kaya naman nakipag-usap nalang ako. Bago kami umalis, we put our empty plates sa lagayan ng mga empty plates. Ngayon naman, kami ang lumakad sa harap ng table nila Riley. I glanced at him.

" Goiz!!! Nagkatitigan kami ni Riley!!! " impit kong sigaw nang makalabas na kami sa cafeteria

" Anlandee" sabi ni Louie sakin

" ay go dzaai! Dapat sinunggaban na yan!" sabi naman ni Allie sakin kaya naman napatawa ako.

I am really excited for later. Riley, here I come!

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon