------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
" Mga endaaaaiii!" sigaw ko sa kwarto, tapos na yung activities at pinabalik na kami sa rooms para daw makapagpalit or mag-freshen up.
" Yes dzaai?!? Ano na ang balita sainyong mga bebe boiz?" tanong ni Allie habang nakangiti at inaantay na magkwentuhan ang pepperz.
Agad akong umupo sa kama ko at naka-ngiting ikinwento sakanila ang nangyari kanina.
" So ganto kasi yun, diba sa isang activity yung parang ilulusot chuchuness, yung need buhatin?" pagsisimula ko
" Yes daai!" pagsagot ni Mischele
" E kasi yung mga ka-group ko yung mga maliliit daw ang bubuhatin, tas biglang may sumigaw na ako daw maliit . Tapos nun mga dzai bigla na akong binuhat, sa kabilang side andun si Riley!!! Sinasalo nya ako tas sabi dahan-dahan lang daw omg!!!" pagkwento ko habang impit akong tumili.
" Iba talaga pag si Mace ang lumandi" pagsingit naman ni Louie
" Hoy! Hindi yun landi no! That's what you call fate!" pagsagot ko kay Louie.
Habang inaantay namin na tawagin kami para sa dinner, nagkwentuhan lang ang iba, ang iba naman lumabas muna saglit including me. Umupo ako saglit sa labas dahil may upuan naman doon. I looked at the sky, palubog na yung araw. Mostly, ganitong oras ako mahilig mag-isip. Buti nalang di pa ganon kadaming tao ngayon dito sa labas. Busy pa ata mag-freshen up, kaya okay lang mag-isip saglit dito.
" Ano kayang ulam nila sa bahay?" pagtatanong ko sa kawalan.
Biglang may sumulpot na babae sa tabi ko, talaga naman. Kung kailan nag-iisip yung tao e.
" Mace! Lalim iniisip ah!" pagsabi ni Aubrey sabay tabi sakin, kaya naman marahan akong umusog para maka-upo sya.
" Oh baket, ano na namang chika mo?" tanong ko sakanya. Itong babaeng to main source namin sa mga balita e.
" wala naman, pero alam ko bukas pa daw ibabalik yung mga cellphones e. Bwisit ampota, scam sila!"
Pagrereklamo nya sakin.
" oks na din yon tanga, quality time daw natin 'to HAHAHAHAHA"
" Ewan nanggigigil ako sakanila. Puntahan ko lang jowawerz ko dai" sabi nya sabay alis.
Wala naman akong pake sa cellphone andito ako para medyo mag-unwind. Ang toxic ng slight ng buhay ko ngayon e. May mga umalis, yung iba naman pabalik-balik. I'll not deny the fact na takbuhan ako ng iba. Lalo na ng mga hampaslupang naka-sakit sa akin, intentional or not. Pero I don't know, I just like helping people, that's the least I could do for them. At kahit naman minsan nasaktan tayo ng iba, they still have their own good side. Dun lang dapat tayo lagi naka-focus.
Pumasok na ako ulit sa kwarto at humiga saglit.
" Mga bebe dinner na daw!" pagsabi ni Nikki.
Kaya naman tumayo na ako. " Hoy Mace tangina mo, kakain na daw" Louie said.
" Tanga ang ingay mo, ikaw kainin ko dyan e!" pagsagot ko sakanya ng pabiro.
Ang iba sa amin hindi na kumain dahil na-trauma ata sa lasa ng pagkain kanina. Ang kasama ko lang papunta sa cafeteria ay si Lyn, ang ibang pepperz at classmates ko nagpa-iwan muna sa kwarto. Inform nalang daw namin sila kapag masarap yung ulam.
Pumunta na kami ni Lyn sa canteen, kaso pagpasok namin madami na ang kumakain since medyo nahuli na din kami. While on our way to get some food I saw Anne and Kael, pumunta kami saglit sa table nila so I could hug them. Afterwards, kumuha na kami ng pagkain. Lyn and I got some pancit and roasted chicken. I wanted to have the leg part since fave ko yun kaso bawal magreklamo hehe paalisin ako bigla dito e, kaso di nila pwede gawin yun. Nagbayad kaya ako!

BINABASA MO ANG
Hiraya
FanfictionMaia Celeste just wanted to love herself even more. She was tired of chasing people. Until one random night she talked with a complete stranger. That's when things started to change.