Chapter 13

20 3 2
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The conversation between Kord and me surprisingly went long. Does he know na ako yung nakausap nya nung gabi?? Tanda pa kaya nya yung 12 am joke ko?? Well, actually I'm fine with that ang hirap kaya umisip ng joke tuwing alas dose! Pasalamat sya nag-joke pa ako sa gitna ng pananakot nya sakin habang nag-iisip ako! Kaso I gave him my second name... wherein di naman ako masyadong kilala. Nevermind baka mabanggit nya din naman yun. After talking to him, agad ko namang kinwento sa pepperz yung naging convo namin. They were so shocked about Kord messaging me. They had different kinds of reactions. Yung iba antapang daw ni Kord, yung iba naman ang sabi speed daw. At si Louie naman wapakels since she's really not into that thing. Pero she said something na na-amaze ako. Louie said I should make a boundary between us dahil kung hindi ko naman daw talaga gusto si Kord 'di nya iisipin na in-entertain ko sya. So I did. I made things all clear to Kord.

Leal Cuesta: hey

Mace: uy hi kuya

Leal Cuesta: Lol, don't kuya me anymore, feel ko talaga kasalanan magkagusto sayo.

Mace: Uhm , as you can see halata naman na crush ko si Riley right?

Leal Cuesta: Halatang-halata bata.

Mace: Good! So ayun nga as I was saying.. Since crush ko si Riley, all I can offer po is friendship. Hehe nothing else na.

Leal Cuesta: HAHAHAHAAHAHAHA nakakatawa ka. Don't worry di ako manggugulo sainyo ni Riley. If ever man na maging close na kayo. Pero for now, hayaan mo lang muna ako kausapin ka.

Leal Cuesta: I promise, pag nagging close na kayo. Kusa na akong lalayo. Okay ba yon?

Mace: aaa okay I get it. Wala lang I just wanted to make things clear lang po. Baka kasi maka-sakit na naman ako unconsciously. Grr ayoko na talaga makasakit kasi ako umiiyak.

Leal Cuesta: ay,iyakin ka pala. Alam mo ayoko sa iyakin pero kung ikaw sige palag palag na.

Ang bilis ng araw at may pasok na naman. It's Monday again and hindi ko alam kung yamot o kaba mararamdaman ko. First of all, yamot talaga tuwing lunes at pangalawa kaya ako kinakabahan dahil Filipino ang subject namin. Medyo nagpapa-recit agad yung adviser namin kaya naman umagang-umaga may nakatayo na. And who knows baka isa ako sa mapatayo ngayon? Pero wag naman sana. I went straightly to the cr para maligo and after that, I did my morning routine as well. As usual, nag-cellphone nalang muna ako habang nag-aantay kay Je. I checked my messages agad to see if may announcement sa group chat, pero both group chat ng section at ng pepperz ay walang message. Pero there's an unread one, which was from Kord. Wow aga nagising aa. Edi sya na, char. He just greeted me good morning and said na ingat daw sa pagpasok. I really couldn't be fluttered  sa sinend nya pero I'm grateful atleast dahil nag-effort sya and inisip nya safety ko so okay, not bad. I replied saying " You too! Goodmorning" and continued to browse again.

Nang matapos na ang kapatid ko, hinatid na agad kami ni papa papasok. We arrived at our school in a short time since malapit lang kami sa school at maaga kami pumasok which means walang traffic. Hinatid ko naman muna si Je sa classroom nya dahil hindi nya kaya mag-isa buhatin yung bag nya. After accompanying him to his room nagpaalam muna ako kay Kuya guard if pwedeng lumabas. I told him I forgot to buy my breakfast. Since maaga pa naman daw, he let me go out of the campus again. I bought some bread sa bakery sa tapat ng school. Their products are really good! Ang binili ko ay yung donut nila and I was so happy dahil bagong bake lang. I bought five para if ever na may manghingi ayos lang.

On my way back to campus, medyo nagmamadali na ako kaya binibilisan ko ang lakad. I suddenly realized na may flag cem nga pala ang senior high ngayon which means I could see Riley too! And no, ayokong Makita nya ako dala-dala 'tong bag ko na puro libro ang laman. At isa pa, baka magsimula na yung Filo subject namin kaya naman lalo kong binilisan maglakad. I was searching for my ID too dahil baka yun pa ang maging cause of delay ko.

" Pagkadami kasi ng zipper bwiset" I uttered to myself while still searching for it. At dahil hindi ako nakatangin sa dinadaanan ko hindi ko napansin na kailangan palang humakbang. Muntik na akong mahulog pero buti nalang. Nahawakan ni Kord yung braso ko. When I looked at him, he was wearing his earphones while carrying his bag. Halata mo din na bagong ligo lang sya since his hair was kinda wet.

" Ingat kasi bata, san ka ba nakatingin??" he asked na halatang nagpipigil ng tawa.

" I was looking for my—oh nevermind" I said and showed him my ID lace. There's no way na makita nya yung mismong ID ko.

" Buti nalang andito ako, kundi baka nasubsob ka na dyan sa lupa. Sana all talaga pag ganon" he then jokingly said.

" Oh ito kape, inaantok ka pa ata" he added while giving me the half of twinpack. Wow so mukhang di rin sya nag breakfast.

" HAHA funny, anyway bye! Mag-start na class ko eh. Thank you sa pagsalo! Pati sa twinpack! Sana wala tong bayad hehe char bayaran ko pag nakita ulit kita. Bawi ako pag pwede! Bye!" sunod-sunod kong sagot and ran dahil malelate na talaga ako punyeta. I also saw him chuckle before walking away.


" Oh, nanakawan ka?" tanong ni Louie sakin pagpasok ko sa room. And hindi ko alam kung matutuwa ako o mababadtrip dahil wala pa yung adviser namin.

" Huh? Hindi,bakit? " I answered her also with a question.

" Tanga mukha kang ninakawan. Ayusin mo nga itsura mo!" she replied.

Kaya naman nanghiram ako ng salamin kay Aubrey. At oo nga ang gulo ng itsura ko. Lol ikaw kaya tumakbo. Binati din ako ng pepperz ng Good morning and to sum it up, nagbatian kami. Kinain ko nalang yung donut na binili ko and shared it with pepperz at sa ibang nanghingi. Maybe they also didn't ate breakfast like me kaya I shared them my food. Kumain lang kami habang nag-aantay sa adviser namin. After several minutes, pumasok na sya sa room and we all greeted a good morning to her.

" Magandang umaga Jacob!" she enthusiactically greeted. Halatang may mapapatayo na naman aaa, char sana wala.

"MAGANDANG UMAGA BINIBINI! " we all greeted her with full energy dahil kung hindi papaulitin lang kami sa pagbati. 

 After greeting her we all sat and she started to discuss. While she was discussing, naramdaman kong medyo mabigat yung bulsa ko. Bigla kong na-alala na binulsa ko nga pala ang kalahating great taste white ni Kord na binigay nya sa akin kanina. Good thing I was also in the mood for coffee kaya naman tinago ko muna ito sa bag ko at napagdesisyunang itimpla nalang mamayang recess.

" Oh bat may twinpack ka dyan" tanong na naman ni Louie habang hindi nagpapahalata na nagsasalita dahil nagdidiscuss si ma'am.

" Wala inaantok ako e. Tyaka antagal ko nang di nagkape no!" pagsagot ko.

" Bakit naman? Kelan ba huling kape mo?" she asked.

" First quarter pa. Gagu nagpalpitate ako bigla e . Tinigil ko muna baka mamatay ako bigla" I answered and chuckled a bit.

" Tanga ako papatay sayo." She answered while I just made a face towards Louie. We just sat quietly continued to listen to our teacher.

I don't know anong trip ng mundo at lagi kaming pinagkikita ni Kord. Buti nalang palabiro sya kanina kaya na-ease yung awkwardness. Kaya din ako nagmadali ay dahil na-iilang ako. Lord , ano po ba plano nyo huhu. At may pa-twinpack pa si Kord. I then slightly smiled dahil super random ng twinpack na 'to. I could call him Kordffee! Okay nababaliw na naman ako. Nakinig nalang ulit ako sa discussion and focused on what ma'am was saying. Mondays aren't that bad I guess. Maaga na ako, may twinpack pa ako!


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi! I wanted to apologize for not updating lately. These days Online Classes was starting to get harder that's why I needed to focus on it more. Pero I'll always try to make time to update this story of mine. Yun lang heehe, I hope y'all are doing well sa Online Class and might as well I hope this story could atleast ease the stress we are all experiencing right now. Godbless sa mga may klase mamaya! Alsooo,Thank you so much for the 100 reads! <33 This might be late pero I really wanted to thank you all. Laham ko kayooo!

- K.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon