"Louie ano ba yan, parang gago naman kasi!" ani ko habang kasalukuyan akong iniinis ni Louie dahil feel ko tinatago niya ang cellphone ko. Eh sya lang naman kasi yung katabi ko!
Naiiyak na ako dahil sa inis at natatawa ng konti dahil hindi ko magawang magalit sa kaibigan ko. Pero andoon sa cellphone ko yung file ng Chapter 2 ko. Hindi ko pa ito napapaprint at balak sana ipa-print mamayang uwian, then shit happens. May nagtago ng cellphone ko. Pabilis nang pabilis ang kabog sa dibdib ko nang malapit na mag-uwian ngunit hindi parin naibabalik ang cellphone ko.
"Hoy sino ba kasi nagtago, kayo gumawa ng chapter 2 ko ha mga hayop kayo" pagsabay ko ng sigaw sa iba pang sumisigaw sa room.
"lagot kayo, naiyak na si Mace"
"bigay nyo na kasi, gago kayo lagot kayo kay king"
Tumawa ang ibang nakarinig kasama na ako. Pero hindi sila nagkakamali na naiiyak na ako. Dahil bukod sa wala akong chapter 2 na maipapasa ngayon, baka mapapost pa ako ng "LF: New Family" dahil paniguradong wawalisin ako paalis ng bahay nila mama kapag naiwala ko na naman itong cellphone.
"Ma HAHAHAHAHAHA oh ito na wag ka na umiyak HAHAAHAHAHAHA" pagtawa ni Lyn habang inaabot sa akin ang cellphone ko.
Nagtawanan nalang ang lahat pagkatapos. Mukha daw akong sisiw na iniwan ng ina. Tinago na cellphone ko nalait pa ako. Pero mahal ko naman sila, buti nalang. Ipinaliwanag ni Lyn na nakalimutan ko daw kuhain ang cellphone ko sa desk nya kaya naman itinabi na nya muna, at ang magaling na si Louie, huwag daw muna ibigay sa akin at antayin muna ako umiyak.
Nagtagumpay sila roon pero nakakahiya kasi mukha akong sinampal ng blush on sa pula ko kanina dahil sa mixed emotions, lalo na sa inis. In the end, nauwi sa tawanan at asaran between pepperz ang nangyari.
"Putangina pag nakita nyo mukha ni Mace kanina parang papatay na HAHAHAHAHAHAHA" ani ni Louie sabay hagalpak ng tawa dahil sa nakita niyang itsura ko kanina.
"Saan kayo lunch" tanong ni Allie sa amin habang kumukuha ng pera.
"Baka dito nalang sa room, ayoko makipagsiksikan sa canteen. Lakas pa makaubos oras." pagsagot ni Aubrey na kumakain na ngayon ng chichirya.
" Ikaw Nica? Saan ka lunch?" pagtanong naman ni Chele kay Nica.
"Dito rin sa taas, samahan ko lang si Mace kuhain lunch niya sa baba hehe"
Bumaba na agad kami ni Nica kasabay sila Allie na may bibilhin lang daw saglit sa canteen. Sinabi naman ni Nica na sasama din muna sya. Tumango ako at sinabing susunod nalang ako doon upang bumili na din ng bottled water since hindi ako pinapabaunan ni mama ng tubig.
"Ma, saan ka?" pasulpot na tanong sa akin ni Lyn nang makita nya ako sa canteen.
" Ah, hinahanap ko sila Nica ma" pagsagot ko naman sakanya habang kumapit sa braso nya.
"Andon na sila Nica sa labas ma, may bibilhin ka pa ba" tanong nya habang umiikot ang paningin na parang may hinahanap.
"Bibili sana ako ng tub--"
"sa akin ka nalang maki-share ng bottled water ma" pagputol nya sa akin at hinatak agad ako palabas sa canteen.
"Ayan na pala si Mace oh" pagsabi ni Allieson nang makita nya kami ni Lyn na naglalakad patungo sa kanilang direksyon.
"Teka Mace, si kuya Kord ba yon?" Misch asked at sabay nguso na tila may itinuturo nang hindi nahahalata.
I looked at where Misch was pointing at. I then saw a familiar figure waving at us, or... at me? Pero may mga kasama ako, so I assumed he's waving at us.
BINABASA MO ANG
Hiraya
FanfictionMaia Celeste just wanted to love herself even more. She was tired of chasing people. Until one random night she talked with a complete stranger. That's when things started to change.