--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kasalukuyan kaming nagpapalit ng damit dahil pwede daw mag-swimming ngayon, bago magsimula yung activities. Our phones got confiscated kanina sa chapel, actually pina-surrender kasi ibabalik naman daw mamayang gabi. Wala naman akong pake sa phone ko mismo, ang concern ko yung load hehe sayang din kasi. Ang iba sa amin pinag-isipan pa kung magsi-swimming na dahil may bukas pa naman daw at may water activities din later. Pero kami ng pepperz excited kami mag-swimming. I just wore my pink rashguard and matched it with my floral high-waist maong shorts. I just let my hair down, mamaya ko nalang itatali kapag andun na kami sa pool. I also wore my slippers nalang.
" Ang sasarap naman ng mga babaitang ito" sabi ko habang tinitignan ang mga suot na rashguard ng iba kong kasama. Yung iba nag oversized t-shirt nalang.
" Ma, okay lang ba suot ko?" tanong sakin ni Lyn habang pinapakita nya ang suot nyang shorts at itim na oversized shirt.
" Wala ka bang rashguard Lyn? Baka mainit don?" tanong ko
" Wala nakalimutan ko magdala e " sagot naman nya.
" Ay ganun ba? Okay na yang suot mo" sagot ko.
Nang matapos na kaming lahat magbihis, nagulat ako nang nagpipicture sila gamit yung cellphone ni Ria. Napaka-galing talaga ng mga classmates ko, kaya mahal ko tong mga to e.
" Taaraaaa picture tayong lahat! Send nyo kay ma'am." Sigaw ni Aubrey
We took a few shots of us doing different poses bago kami lumabas. Pagkalabas naming lahat, we searched for the pool. Jusko ang pool dito ha medyo pa-mysterious. We stopped for a while to check on ourselves nang may madaanan kaming full body mirror.
" Goiz ayun dun ata yung pool!" sabi ni Nica sabay turo kung saan maraming tao ang pumapasok.
Pumunta na kami dun. We entered a gate, and the entrance was filled with hanging plants na medyo naghihingalo na. Natanaw ko ang pool pati na rin ang mga naliligo. The place had 2 pools. Isang kiddie pool at isang standard pool, sakto lang para sa mga matatanda.
We showered first before getting into the pool. Napagdesisyunan ng pepperz na dun daw muna kami sa malalim. I was a bit worried kasi feeling ko talaga di ko abot.
" Tara na mga tanga!" sigaw ni Louie habang nagtatampisaw na dun sa pool
In my surprise, medyo abot ko naman. Kaso ang magaling na si Louie, hinatak ako sa dulo habang hawak ako. Sa pagkakataong ito hindi ko na abot yung pool. At bigla akong binitawan saglit ni Louie. Muntik na akong mamatay, sayang di nagtagumpay si Louie.
" Hampaslupa ka talaga Louie!" sigaw ko habang dinadala na nya ako sa mababaw na part ng pool, nauubo din ako dahil naka-inom ata ako ng maraming tubig, bwisit.
"Tangina mo HAHAHAHAHAHAHA!" pagtawa ni Louie
" san kayo galing?" tanong nila samin ni Louie
" Pinatay ako ni Louie ampota" sumbong ko
" Gago akala ko mamatay na si Mace HAHAHHAHAHHA!" Pagtawa ulit ni Louie habang kinekwento sa iba kung paano ako nalunod.
" Tara dun tayo sa kiddie pool! Wala masyadong tao e!", aya ni Allieson na agad naman naming sinang-ayunan lahat.
Nang makarating kami sa Kiddie pool, agad kaming nagbasaan at nagtulakan. Bigla kong natanaw sa kabilang pool sila Anne kasama ang iba nyang ka-section na close ko din naman. Andun din si Kael. Kael is somewhat my boy bestie, medyo na-issue kami ngayon dahil mukha daw kaming mag-m.u. actually mukha nga di ko idedeny, lagi ko syang kasama sa mga myday ko at tabi kami lagi. E katabi ko sya e? Tyaka I'm just simply comfy around him. Niloloko nga naming madalas si Anne na wala yung jowa nya, pano LDR. Si Anne naman ayon, shini-ship kaming dalawa ni Kael. Napaka-galing diba.
" Babee!" pagtawag ko kay Anne nang makarating ako sa side nila. Agad naman syang lumapit sakin.
I stayed there for a few minutes habang nakikipagkwentuhan kila Kael at Anne. After a while, nagpaalam na din ako sakanila na magbabanlaw na ako dahil nagka-ayaan na din ang pepperz magbanlaw.
" Lyn, maliligo ka pa?" tanong ko kay Lyn
" Di na siguro Ma HAHAHAHA mag-aactivity din naman kasi mamaya daw dun sa pool kaya di na siguro"
" Guiz magpapalit pa ba kayo ng damit? Pati underwear nyo?" tanong ko sakanila
" Yung damit, oo kasi diba may assigned colors per team. Pero yung undies baka di na siguro, matutuyo din naman tas mababasa ulit HAHAHAHAHA" sagot naman ni Allie
At dahil don, nagpalit na kami ng mga damit at shorts, we wore t-shirts according to our assigned teams. I was at the white team pero dahil magaling ako, hindi ako nagdala ng white shirt. Manghihiram nalang ako ng extra white shirt sa kaklase ni Anne na kakilala ko. Ayoko kasi madumihan yung mga white shirts ko, jusko baka palayasin na talaga ako ni mama. Pumunta ako sa kabilang bungalow, the retreat houses were bungalow houses na hinati into 2. Hinanap ko na agad yung hihiraman ko at nakita ko naman sya agad. I borrowed the shirt and went back at our room para makapagpalit na ako.
" May orange team po ba dyan?" sigaw ng isang studyante mula sa labas. Kaya naman agad na lumabas sila Louie at Nica para sumama na.
Ako naman, I voluntarily went outside para dun nalang mag-antay sa leader ng group namin. Maya-maya pa sumama na ako sa team naming para sunduin pa yung iba. After gathering everyone, pumunta kami sa basketball court don dahil dun ang assembly. Nakatayo lang kaming lahat habang pinapaliwanag sa leaders ang mga activities na gagawin.
" Oy Mace, dito ka sa tabi ko!" sigaw ni Harold, yung hiniraman ko ng shirt.
" Gago Rold, kinikilig ako si Riley andito" bulong ko sakanya
" Ang landi mo naman Mace, tabihan mo na kaya HAHAHAHHAHA" sagot nya sakin ng pabiro kaya naman naka-tanggap sya ng isang palo sa braso mula sakin.
Agad na nagtipon kami nang bumalik na yung leader samin, ipinaliwanag nya yung mga activities at kung sino yung kalaban namin. Medyo sumusulyap ako kay Riley pero mabilis lang! Baka mahalata ee. And after that, we started. Not until may isang activity na may buhat buhat.
" Si Mace! Maliit, kaya yan buhatin!" sigaw ng isa, di pa ako nakakasagot binuhat na agad ako.
" Tangina, nakakahiya" bulong ko sa sarili ko nang buhatin ako ni Riley.
" Uy pre, teka lang dahan dahan lang!" sigaw ni Riley matapos nya akong maibaba ng maayos.
Jusko Lord, amen po talaga huhu, thank you for this!

BINABASA MO ANG
Hiraya
FanfictionMaia Celeste just wanted to love herself even more. She was tired of chasing people. Until one random night she talked with a complete stranger. That's when things started to change.