Chapter 07

12 2 0
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising ako dahil sa liwanag ng ilaw. Naririnig ko na din ang mga boses ng mga kasama ko dito sa kwarto. Anong oras na kaya? Inaantok pa ako.

" Uy tangina mo Lyn, nagising si Mace." Rinig kong sabi ni Louie. My vision is still kinda blurry at nasisilaw pa ako.

" Tanga ikaw 'tong bukas ng bukas ng ilaw dyan tas ako sisihin mo" pagsagot ni Lyn

I asked them kung anong oras na, Ria said it was already 5 am. Kaya naman tumayo na ako at dumiretso sa cr to wash my face and brush my teeth.

Pagkatapos ko mag-toothbrush at hilamos, I went outside to see people. Pagkalabas ko andami na palang gising. Sobrang inaantok pa ako kasi medyo late na din ako nakatulog. I wonder what time that Kord slept.

" Mace!" pagtawag sa pangalan ko kaya naman agad akong lumingon kung saan nanggagaling iyon. There I saw Anne, wearing his coat with wet hair. Ang aga naman naligo nitong gagang to!

" Gaga ka, anong oras ka nagising?" pagtatanong ko.

" 4:30 tapos naligo na ako" pagsagot naman nya.

" Anong oras ka natulog?" I asked again. Pag ito nagpuyat ako papatay dito sa babaitang ito.

" 11 kami natulog, may kasama kasing teacher diba." Oo nga pala, pero mas mabuti na rin yon. Kampante ako na makakasama ko pa si Anne ng matagal.

" Sige na balik na ako dun, chineck ko lang kung gising ka na e" pagpapaalam nya.

Pumasok na ulit ako sa kwarto dahil naiingayan na ako sa mga tao sa labas. Allieson greeted me goodmorning and I greeted back at her. Bigla naman syang nagtanong.

" Mace dai, anong oras ka natulog?"

" Ah, maya-maya lang din dai after mo matulog." Pagsagot ko naman. Saglit lang din naman kasi kami nag-usap nung Kord na yun no!

" Mga bebe labas na daw, mag-eexercise na." Sigaw ni Nikki.

Lumabas na kami lahat. Hindi na kami nagpalit ng damit. Wala ding naligo muna samin. Anlamig kaya! Tyaka exercise lang din naman at mapapawisan ulit kami for sure kaya mamaya nalang talaga.

Nang nasa damuhan na kami, hindi ko mapigilang ilibot ang paningin ko lalo pa't lahat ng estudyante ay nakapila. Pinilit hanapin ng paningin ko si Riley kahit alam kong nasa kabilang dulo ang linya nila. Pero laking gulat ko naglalakad sila Riley kasama ang ibang upper level pa ata? They look like they just finished playing basketball, mga naka-jersey pa e. At narinig ko din na pinatawag sila mula sa court so feeling ko di pa pala sila tapos.

Biglang may nagpatugtog kaya naman agad kaming umayos ng pila. Good thing, nasa likod ako kaya naman sigurado akong 'di ako mahahalata na hindi masyado gumagalaw, inaantok pa talaga ako kaya tinatamad pa talaga ako gumalaw.

Ilang beses nagpalit ng tugtog dahil hindi kabisado nung mga faculty sa harap yung sayaw. After a few minutes we end up dancing our school exercise. Nagkakatuwaan ang iba habang sumasayaw, habang kami naman sa linya sa likod are all sleepy as freak.

" Mace gago sayaw" pagsabi sakin ni Louie. Akala mo naman sya sumasayaw hmp!

" Tanga, sabay tayo para it's a tie" pagsagot ko sakanya ng pabiro. Agad naman syang tumingin sa harap dahil nag-iikot pala si Barney.

" Everyone can now proceed to your respectful rooms, tatawagin nalang ulit kayo for some activities." The faculty informed us na agad naming sinunod. Baka makabawi pa ako ng tulog sayang din.

Pagkapasok namin sa kwarto, agad kaming nagsipagbalikan sa kama para humiga ulit. Sinubukan kong matulog kaso biglang hindi na ako inaantok ngayon, piste. Maya-maya pa ay pumasok ang isa naming kaklase na riyan dala ang kanyang cellphone! OMG!

" Yan pwede na kuhain cellphone?" pagtatanong ni Aubrey dahil ang babaita sobrang bagot na.

" Oo nagbibigay na si Ma'am Venus dun sa labas" pagsagot nya kay Aubrey at ngumiti.

" Tara guys! Kuhain na natin!" pag-aya ni Aubrey.

" Sama ako" pagsagot ko, para mabisita ko din si Anne.

" Ako deen" pagsambit naman ni Lyn.

Lumabas kaming tatlo at kinuha na ang mga cellphone namin. Hindi ko din nakita si Anne doon kaya naman bumalik na din agad kami. Pagkabalik namin ay isa-isa nang naliligo ang mga kasama ko, kaya naman hinanda ko na ang gamit ko na susuotin.

Pagkalabas ni Nica ng cr ay agad akong pumasok sa shower, dalawa lang kasi ang shower room e bwisit. I immediately took a bath dahil may activities pa ata. After taking a bath, dumiretso na ako sa kama ko to arrange my things na, I wore an asymmetric skirt that comes with a round buckle belt and a white statement t-shirt as my top. I just wore slippers since di naman ako gagala.

As I was fixing my things, narinig kong may mga nakatanggap ng letter galing sa adviser namin. Akala ko pumili lang ang adviser namin ng pagbibigyan nya pero it turns out I was wrong. Nang bigla kaming pinalabas at pinapunta sa parang waiting shed dun, binigay ni Barney yung mga letters. I was touched by what my adviser said to me. The letter was handwritten, I love and appreciate those kinds of letters so much.

" Ayos na ba lahat ng gamit nyo?" tanong samin ni Nikki nang bumalik kami lahat sa kwarto.

" Yes Nikki " , pagsagot sakanya ng iba.

" Kasi after ng basketball, aalis na tayo." Pagpapaliwanag nya, oo nga pala may laro ang mga boys. Manonood kaming pepperz.

" Mga dzaaii! Start na pala ng game, tara naaa nood na tayo! Support na natin ang bby bois." Pag-aya samin ni Allieson.

Sabay-sabay kaming pepperz pumunta sa court ang iba nagpa-iwan nalang muna sa kwarto, including Louie. Wala daw syang pake sa laro HAHAHAHAHA. Nang makarating na kami sa court the first game was starting already, naglalaro ang ibang kaklase naming lalaki so we cheered for them. Medyo nagkahiwa-hiwalay kami dahil naghahanap kami ng mauupuan, I was with Lyn the whole time.

Nang pasimula na ang game, we sat at the bench. Kami ni Lyn ang napunta sa medyo dulo-dulo kasi medyo late kami nakapunta sa bench. Kaso hindi agad kami naka-upo, there was a shirt na naka patong at hindi ko alam kung kanino yon. Suddenly a man approached us and asked kung uupo ba kami. Agad naman akong tumango at kinuha nya ang t-shirt, I think he was from the Upper level. I thanked him and sat with Lyn already. Si Lyn ang nasa pinaka last ang pwesto, she was sitting near the upper level guy.

When the game started, I was cheering for Harold and Riley ofc. Kahit magka-laban ang team nila.

" Ma, cheer mo naman si Marco! HAHAHAHHAH" Lyn jokingly said to me, Marco was my ex-suitor.

" Go Marco!!" I shouted kaya naman agad na inasar ako nila Aubrey.

We cheered for Lyn's boyfriend too. Nang patapos na ang game may mga bagong dumating. Kaya naman agad kaming pinaurong nila Aubrey kasi uupo daw yung iba, we had no choice.

" Kuya, pwede daw po pausog? Uupo daw po kasi yung iba" I asked my senior and smiled.

" Ay sige lang." Pagsagot nya at ngumiti din tyaka umusog sa pinaka dulo. Na-offend yata huhu sorry po. Pero his voice was a bit familiar.

" Thank you Po!" I replied. At umusog na din.

I stared at the senior beside us. He fucking look like someone.

Oh my Ghosh, seryoso ba?!?

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon