Chapter 08

13 3 0
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" Lyn, tara na parang tapos na yung game e, tyaka naglalaro nalang sila o " pag-aya ko kay Lyn. The senior guy beside him was making me feel nervous, baka makilala nya ako. It can't be! Dapat anonymous lang yun huhu.

" Guys, tara na?" pagtatanong naman ni Lyn habang pumunta na kami sa pwesto nila Aubrey.

" Tara na, tapos na rin naman yan. " Aubrey said while getting up from her seat, sumunod na din ang pepperz.

Pagkadating namin sa kwarto, Nikki informed us na pumunta na sa Chapel along with our things. At sakto naman na pagkakuha namin sa mga gamit ay sumilip na si Barney sa kwarto namin para sabihing umalis na daw kami sa kwarto. Parang kasalanan na nandito pa kami sa kwarto.

Pagkapunta sa chapel, nasa labas lang kami, kaya naman pumunta muna kami sa tindahan sa loob ng retreat site. We bought ourselves some cup noodles since we really crave for it kagabi pa. We tried to find some place to eat kaso wala na talagang space kaya naman no choice kaming napa-upo sa sahig sa labas ng chapel, good thing it was made of tiles.

" Okay all students go inside the chapel." pagsabi ng isang faculty member kaya naman binilisan na namin ang pagkain.

When we finished eating we immediately went inside, and luckily magkakatabi na kaming pepperz. Wala na din pala yung pastor so I guess baka awarding chuchuness na 'to.

" Now before you all go home, Let us award the teams who won." Tama nga ako, awarding nalang 'to. Okay confi ako na wala ang team ko hehe based lang naman sa feeling ko.

" 3rd Place, Black team!" Pag-announce ng faculty sa harap. We applauded for the said team.

" 2nd Place, Orange team!" the faculty announced again. Louie and Nica was included at that team kaya naman pumunta sila sa harap. We also applauded for their team.

" And the Champion, sino kaya sa tingin nyo?" pangbibitin ng faculty sa harap. There were different kinds of answers and many are shouting the color of their own team.

" WHITE!! WHITE YAN! ORAYT LEZGO!" pagsigaw ko din just to join the hype. Malay mo diba manalo kami hehe, white is pure so as our hearts charot.

" Alright, settle down guys. The champion for this year's retreat is....." pangbibitin ulit ng hampaslupang nagsasalita sa harap, gusto ko na malaman bwiset.

" PINK TEAM!!!!" pagsigaw nya at sumabay na din ang mga miyembro ng pink team. Alam ko si Allieson pink team e. Bakit parang wapakels ang gaga?

" Allie! Diba pink ka?" Tanong ko kay Allieson.

" Yes dai bakit?" she said as she's fiddling with her phone.

" Gaga ka nanalo kayo! Pumunta na kayo sa harap!" Aubrey said to her.

" Ay weh? Shuta HAHAHHAHA" pagsagot ni Allieson na agad namang pumunta sa harap.

When she came back the faculty thanked us for participating in this event. I couldn't deny na this went well, plus I've got so many many new memories na naman. I suddenly remembered, uhm Kard? Kier? Kord? Basta yung naka-usap ko. I tried finding him pero wala akong mamukhaan.

Nang pauwi na super blessed kaming girls sa section namin, dahil nauna kami sa van since ang driver is yung father ni Yan. Yan is really a blessing huhu, she's pretty na brainy pa and she's like also our bigger sister pa!

While on the way sa school, super tahimik na namin sa loob, siguro dahil pagod ang iba sa amin at ang iba naman ay inaantok, kasama na ako don. When we arrived at school, good thing it was lunch time. We were able to visit our classmates na hindi nakasama sa retreat at may pasok ngayon. In my surprise sinundo na pala ni papa si Je kaya naman sumabay na ako pauwi. Ayoko na din magtagal dito, umuwi na din yung iba e.

" Maia, tara na." My father said in a monotone while signaling me to follow him.

" Pa wait paalam lang ako, sunod ako." I said while making my way towards my adviser.

" Bye Ma'am!! Thank you po sa letter!"

I then immediately followed where my father went. Gusto ko na din talaga umuwi kanina pa. I was thinking of getting some sleep again pagka-uwi.

" Bye bb!" rinig kong sigaw ni Nica na kasalukuyang bumibili ng shake. I immediately waved my hand as a sign of goodbye.

" Bye bb! See you tom!" sigaw ko pabalik nang pasakay na ako sa kotse.

Nang makarating na kami sa bahay, akala ko bubuhatin ni papa yung iba kong gamit pero ako padin ang pinag-dala nya. Kaya ko naman daw at mas mabigat daw ang trolley bag ni Je. Wow thank you sa advice pa. Pagkapasok ko, naabutan ko agad si mama. She then smiled at me while I kissed her cheek.

" Kamusta?" pagatatanong ni mama habang hinahanda ang lunch ng isa ko pang kapatid.

" Ma sabi nyo po itetext nyo ko, di naman kayo nag-text e" pagrereklamo ko dahil at some point umasa din talaga ako na mangangamusta si mama, she's like that all the time.

" Nag-text ako ah! Di mo nabasa?" she answered me, still preparing my sister's lunch.

" Wala po ako na-receive. Pumasok na panget?" pagtatanong ko ulit, dahil hindi ko naririnig ang boses ng panganay kong kapatid, so I assume na pumasok na sya.

" Hindi pa nasa computer shop pa, may pina-print" she then answered me again. Sakto namang bumukas ang pinto at nakita ko ang napaka-panget kong kapatid.

" Oh dito ka na pala, tabi dyan maliligo na ako late na ako." Bungad nya sakin. Ito kanina lang kausap ko sa chat tas ngayon parang kasalanan ko pang na-late sya.

" Wag ka na maligo, di ka naman naliligo." Sagot ko sakanya.

" Tanga naliligo ako" sagot nya sa akin at tsaka pumasok ng cr para maligo.

Agad ko na ding inayos ang gamit ko, gusto ko na talaga matulog. I really feel sleepy. I got my things out from my bag and put my dirty clothes sa laundry. Nilapagko din ang ibang pagkain ko na hindi ko nakain dahil si Louie ang nagpakain samin sa retreat.

" Ma akyat muna po ako" pagsabi ko kay mama.

" Kumain ka na ba?" tanong naman nya sakin.

" Opo ma, inaantok pa ako hehe" sagot ko kahit di naman talaga kami kumain ng lunch. We only ate cup noodles kanina before pumunta sa court. Nakaka-inis nga e, yung water dispenser parang tanga una mainit yung lalabas tapos sunod hindi na. Kaya crunchy noodles umagahan ko kanina e. Umay.

" Osige na magpahinga ka muna." Pagkasabi nya ay agad na akong umakyat dala ang mga bag ko na may laman pang mga malilinis na damit na hindi ko nagamit, kasama na dun yung excess panty.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong nilagay sa cabinet ang mga damit at tinabi ang mga bag. Para mamaya paggising wala nang aayusin tyaka para maayos din. Heck, I am kinda clean freak. Dapat maayos at malinis lahat. Kasi believe me or not nakaka-irita minsan kapag di maayos yung gamit.

After kong maglagay ng mga gamit, kinuha ko muna ang cellphone ko para mag-check ng updates. Sure na ako babaha na naman ang news feed ko ng mga nagpalit ng profile, duh ganoon naman lagi. I also checked our gc. Wala naman masyado pang ganap nag-update lang ang iba na nakauwi na sila. They also sent our pictures together when we are at the retreat site so I quickly saved some of it and posted in on myday. I also composed a message saying I am also at home already. After sending it, tinignan ko naman ang friend requests ko. There was a new friend request e.

Leal Cuesta sent you a friend request

216 mutual friends.

I automatically accepted his request since taga St. Joseph din sya, and he we do have a lot of mutuals. Wala naman sigurong masama. He's also from the upper level,kasi yung profile picture nya, he was wearing a t-shirt exclusive for senior high students only. After accepting his friend request, I then lay down on our sofa bed and quickly drifted to sleep.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon