Chapter 14

28 1 0
                                    

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" Andaya, hindi nagsasabi ang endai na magkakape sya. Inggit ako" Nica said habang pababa kaming dalawa papunta sa canteen. Sya palagi ang kasama ko bumaba dahil madalas din syang magsalamin sa cr kaya naman bago kami pumunta sa canteen ay nagc-cr muna kami.

" Biglaan lang din 'to " I explained. Biglaan naman kasi talaga.

" Biglaan mong nadala yung twinpack? O biglaan kang bumili ng twinpack?" she asked in a sarcastic way.

" Biglaang may nagbigay" I answered her and chuckled a bit.

" Don't tell me, si sunog boi nagbigay nyan?!?" she asked nang medyo sumisigaw. This girl kahit kelan talaga.

" No! Of course not! 'Di ko na nga masyado pinapansin yun" I answered defending myself. There's no way na babalik ako sa lalaking yun nor tumanggap ng anything from him.

" Jinojoke ka lang! Napaka defensive indai ha!" sabi nya sabay tawa.

" Ewan ko sayo HAHAHAHAHA, tara na bili na tayo."

Pagkatapos naming bumili at magtimpla ng kape ni Nica, we made our way paakyat sa room. Sa taas ko nalang iinumin tong kape ko since nahiram ko din naman yung tumbler ni Nica. While on our way sa room kinulit naman ako ni Nica kasi curious daw sya kung sino nagbigay, di naman daw nya sasabihin.

" Pero dai sino nga?" she asked

" 'Di mo ganon kakilala e"

" Edi kikilalanin ko for u"

" Ngi why ba gusto mo malaman?"

" Wala lang super curious lang ako. Baka kasi lumalablayp ka na naman ng patago dyan tapos sa huli 'pag iniwan ka, you'll suffer na naman without telling us."

" aww natouch naman ako" I answered as I look at her and made an aww expression.

" I don't know Mace. 2 years na tayong magkaibigan pero ni-isang beses I didn't witness your whole journey sa pagmo-move on. I mean alam ko you wanted it to be private pero I just really wanted to help you. In the best way I could." After she told me this, I just smiled and laughed a bit. I am so lucky to have them.

" Wag ka na ngumiti dyan sino nga, malapit na tayo sa room" she asked again.

" Sa room na"

" Awts gegege"

" HAHAHAHAHA fine, fine baka magtampo ka na sakin e. Galing yung twinpack kay Kord. The senior high guy."

" Ay weeee, omggg kilig to the buto!"

" Ayan ha, okay ka na"

" Okay na ako promises, kung ayaw mo malaman ng buong pepperz shh lang aq doncha worry."

Nang makarating kami sa room tapos na kumain ang iba kaya naman we all went back to our seats and our classes continued.

After a long day ng pakikinig, finally uwian na. Gusto ko nang matulog kaso kailangan ko pang antayin yung isa kong kapatid. We also parted our ways ng pepperz since yung iba maaga daw uuwi kasi maraming pinagawa samin ngayon. Napaka-scam ng nagsabi na chill ang grade 10. Gustuhin ko mang umuwi dahil sobrang lapit lang talaga ng bahay namin , ay hindi ko magawa dahil kailangan ko talaga antayin ang kapatid ko. I made my way sa elem building upang doon nalang mag-antay. Nakita ko si Allieson at Mischele na kumakain pero I really don't have energy anymore na tumawid. I sat on my usual spot sa waiting area sa elem building and patiently waited there.

Habang inaantay ko si Acey, nilabas ko muna ang notebook ko na ang purpose ay maging checklist sa mga gagawin. I silently wrote down the requirements we needed to pass before our 3rd Quarterly exams. Madami-dami ang nalista ko kaya naman napatulala ako habang iniisip kung kakayanin ko ba lahat. After doing a list, binalik ko na ang notebook ko at inayos ko nalang saglit ang bag ko just to make myself busy and to ease my boredom na din. In my suprise somebody appeared in front of me.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon