Nakatanaw ako ngayon sa hawak-hawak kong baso na may lamang alak.
Nakakatuwang isipin dahil nakakawalong bote na ko ay hindi parin ako tinatamaan ng kalasingan.
Alak ang naging sandigan ko sa panahon ng kalungkutan. Tanging alak nalang ang malalapitan ko dahil ang kaisa-isang taong malalapitan at masasandalan ko sa mga panahong mahina ako ay kinuha pa ng mga taong walang ibang mahalaga kundi ang karangyaan at karangalan ng kanilang pangalan, mga taong uhaw sa kapangyarihan.
Nauna nilang pinatay ang Kuya ko sinunod nila si Mommy at Daddy at hindi pa sila nakuntento, ngayon pati ang huling taong natitira sa buhay ko ay hindi nila pinatawad.
Inilibot ko ang aking paningin sa aking kwarto. Madilim ang buong paligid, tanging buwan lang ang nakapag bibigay liwanag.
Nakakatuwang isipin dahil mag tatatlong buwan na akong nakakulong sa kwarto na ito nagmumukmok, naglalasing at nag-iisip na... Ano bang kasalanan ko at pinarurusahan ako ng ganito.
Ibinaba ko ang baso ng alak at dinampot ang mga litrato na nakalagay sa ibabaw lamesang kaharap ko. Litrato ng mga taong pumatay sa pamilya ko.
Hindi ko namalayan na nalukot ko na pala ang mga litratong nasa palad ko dahil sa higpit ng pagkakahawak dito.
Nanginginig ang aking mga laman at nagtatangis ang aking bagang dahil sa poot at galit na nararamdaman ko. Sabik na akong maghiganti para sa pamilya ko.
Isang ngiti ang kumawala sa aking labi.
Dinampot ko ang bote ng alak at tinungga ang natitirang laman noon. Gumuhit ang pait at tamis na lasa sa aking dila pababa sa aking lalamunan."Any last words?.....'Wag kayong mag-alala malapit na tayong magkita. Konting-konting panahon na lang,sulitin n'yo na ang masayang buhay na meron kayo ngayon dahil sa oras ng pagbabalik ko sisiguraduhin kong pagngiti man ay hindi n'yo na mararanasan. Ipagpapatuloy natin ang larong sinimulan n'yo, at sa pagkakataong ito nasisiguro kong ako ang panalo."
-Arrow
BINABASA MO ANG
Stuck between love and death.
Mystery / ThrillerIsang babaeng maagang naulila dahil sa kasakiman ng iba. Nang dahil sa mga taong uhaw sa kapangyarihan at karangalan ay nawala sa kan'ya ang kan'yang mga mahal sa buhay. Ipinangako n'ya sa kan'yang pamilya na hinding-hindi ito titigil hanggat hindi...