MIKE ZOOM MONTEZ' POV"Tatapatin na kita" mas lalo akong kinabahan dahil sa pag seryoso ng muka n'ya."Hindi ko pa masasabi kung ano talaga ang sakit mo pero merong mga sintomas ka na nabanggit na common sa mga sintomas ng isang sakit na alam ko." mas lalo na namang nadagdagan ang takot at kaba ko dahil sa mga sinabi n'ya.
"Malala po ba doc?"
"Malala."
Ayoko mang itanong 'to pero kaylangan "Nakakamatay po ba doc?"
"Nakakamatay." napakapit ako ng mahigpit sa kinauupuan ko dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng malakas at masiglang pangangatawan ay hanggang dito na lang pala ang buhay ko.
"E pano na po ang gagawin ko doc?? Dapat na po ba 'kong magpaalam sa mga maiiwan ko? Sa mga magulang, mga kamag anak at mga kaibigan ko? Kung ganon kaylangan ko na palang ayusin ang last will ko. Gaano na lang po ba ang itatagal ko?" Pinipigilan ko na lang na maging emosyonal sa panahon na ito.
"Hindi pa naman tayo sigurado, kaylangan pa nating malaman kung may mga bagong sintomas pa ba na lalabas. Bumalik ka next week at sabihin mo sakin kung may madadagdag pa sa mga sintomas na nararamdaman mo."
Kanina pa ko nakakahalata na kanina pa ko mamatay matay sa kaba pero sya naman kanina pa tawa ng tawa.
Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa mga narinig ko sa doctor na yun.
Mamatay na ang pasyente nya tuwang tuwa pa sya.
Sa sobrang pagka lutang hindi ko na namalayan na dito na ko dumiretso club. Bumungad naman agad sakin ang may ari nitong club na kaybigan namin ni Zeine.
"Na miss moko agad baby zoom?" lumapit sya sakin at hinihimas himas pa nya ang braso ko.
"Lubayan moko Simoune ahhh ala ako sa mood" walang emosyon kong sabi.
"Ang sungit mo naman baby" malanding pagkakasabi nya.
Konting landi pa tatamaan ka.
Napansin naman nya agad kung gaano ko sa kaseryoso sa sinabi ko.
" VIP ROOM!!! DALIAN NYO!" Sigaw nya sa mga tauhan nya. At umalis na sa pagkakahawak sakin. Mabait si simoune pero ayoko lang sa kanya yung pa nananching nya sakin. Alam ko naman kung gaano ko ka pogi, alam ko din kung gaano ako ka hot at ideal guy ng mga babae. Pero sana naman wag na nyang ipamuka sakin. Respeto lang ang kaylangan ko sa kanya, respeto lang.
Hindi na ko bumalik pa sa B.C.N.E dahil dumiretso na ko dito sa club. Kung bumalik man ako ay sigurado kong sasabunin lang ako ng tanong ni Zeine kung bakit ako umalis lalo na at nasigawan ko pa sya kanina.
Hindi ko Naman sinasadya ihhh...
Napasabunot ako sa buhok ko dahil patay ako sa kanya!
Napa isip ako habang sabu- sabunot ang buhok na kung sakaliman na mamatay na ko kawawa naman yung mga girlfriends na maiiwan ko. Nalulungkot ako para sa kanila.
Balak ko pa namang magpaka lasing ngayon pero mukang hindi na matutuloy dahil nag text si kuya..
BINABASA MO ANG
Stuck between love and death.
Misterio / SuspensoIsang babaeng maagang naulila dahil sa kasakiman ng iba. Nang dahil sa mga taong uhaw sa kapangyarihan at karangalan ay nawala sa kan'ya ang kan'yang mga mahal sa buhay. Ipinangako n'ya sa kan'yang pamilya na hinding-hindi ito titigil hanggat hindi...