VAIN ANGELO MARTINEZ' POV
Nang makarating kami sa loob ng gymnasium ay inihahanda pa lang ng mga staff ang stage para sa singing contest.
Inihahanda na nila ang mga instrumentong gagamitin naming mga kalahok. Mula sa drums, guitars, keyboard and microphone ay iniaayos na nila.
Lumapit ako sa mga kasamahan kong contestant ng makita kong kinakausap na sila ng organizer. Nag paalam naman si Zoom na pupuntahan muna ang pinsan nyang si Angel.
Ibinigay ng organizer sa amin ang numerong ididikit sa mga damit namin bilang pagkaka sunod sunod.
Number 1 ang numero ko dahil kami ang unang section sa education students. Rambol kasi ang nangyari kanina sa dance kaya pang 12 na sumayaw si Zoom.
Nagpapa kondisyon muna ako ng katawan at nag bo-vocalize dito sa isang tabi. Ngayon palang ay nakakaramdam na ako ng konting kaba na baka hindi nila magustuhan o baka mapiyok ako sa pagkanta ko mamaya. Hindi ko naman hawak ang tadhana kaya hindi ko alam kung magiging successful ba ang performance namin.
Speaking of "namin" hindi ko pa nakikita si Mirah na syang kapareha ko. Tinawagan ko sya pero hindi nya sinasagot ang mga tawag ko.
Maya maya ay nag announce na ang emcee na limang minuto na lang at magsisimula na ang contest.
Ang konting kaba na nararamdaman ko kanina ay unti- unti ng nadaragdagan sa pag lipas ng mga oras dahil wala paring Mirah na dumadating.
Humahangos na lumapit sa akin ang isa naming kaklaseng lalaki.
"Hindi daw makakarating si Mirah, nagka emergency daw." nag aalalang sabi nya habang naghahabol pa ng hininga.
"What?." hindi ko makapaniwalang sabi. Mas Lalo pang nadagdagan ang kaba ko. Bakit ngayon pa?
"Kaya mo ba ng mag isa na lang?" tanong nya.
Hindi ko alam kung kaya ko. Mas lalo lang akong kinakabahan dahil sinasabi ng utak ko na baka hindi ko kayanin.
"Kaya ni Angelo 'yan." agad akong napating sa lalaking tumapik sa balikat ko. "Kaya mo yan tiwala lang. May tiwala ako sayo." Kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko.
"Kaya ko." nakangiting sagot ko. Naka hinga naman ng maluwag nang kaklase kong lalaki dahil sa narinig. Nang maka alis ang lalaki ay agad akong bumaling kay Zoom. "Sh*t hindi ko kaya." naihilamos ko pa ang palad sa muka ko.
"I know you practiced a lot for this. Kaya I know you can do it." nakakapanibagong Zoom ang kaharap ko ngayon. Malayong malayo sa Zoom na palaging nagbibiro at nang aasar sa akin. Ngayon kasi para syang nakakatandang kapatid na nagpapalakas ng loob ng nakababatang kapatid.
"Yes. Pero pang lalaki at babae ang kanta na 'to."
"Pang lalaki at babae ba kamo?." Tanong nya.
"Yes." nag aalala paring sagot ko.
"Basta kumalma ka ako na bahala sa ka-partner mo." tinapik uli nya ang balikat ko bago nag tatakbo pa alis.
Ako naman itong naiwang problemadong-problemado sa isang sulok. Sinubukan ko ng pakalmahin ang sarili ko dahil sandali na lang ay mag sisimula na.
Inhale.....exhale
Inhale..... exhale
Inhale...... exhale"Whoooo! Kaya ko 'to!" Sigaw ko sa sarili ko.
Nagsimula ng mag salita ang emcee at isa-isang ipina kilala ang mga hurado sa patimpalak na ito.
Sinubukan ko na wag ng isipin pa kung meron ba akong makakapareha o wala dahil alam kong mas lalo lang akong kakabahan. Kung meron man edi salamat, kung wala naman ay ako na lang din ang kakanta ng part na pang babae.
BINABASA MO ANG
Stuck between love and death.
Misteri / ThrillerIsang babaeng maagang naulila dahil sa kasakiman ng iba. Nang dahil sa mga taong uhaw sa kapangyarihan at karangalan ay nawala sa kan'ya ang kan'yang mga mahal sa buhay. Ipinangako n'ya sa kan'yang pamilya na hinding-hindi ito titigil hanggat hindi...