CHAPTER 24

0 1 0
                                    

MIKE ZOOM MONTEZ POV

"Ahhhhh sarap." Ani ni Zeine habang hinihimas pa ang tiyan.

"Sarap?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"The best!" Aniya at nag thumbs up pa.

Binaling ko ang paningin ko sa mga pagkaing niluto ko kanina daig pa sinalanta ng bagyong Yolanda sa pagka simot.

"Anong muka yan?" Tanong nya habang nagtitinga.

"Ilang linggo kabang hindi kumain?" Tanong ko sa kanya. Habang naka tingin parin sa mga platong wala ng laman. "Isang manok na naman na walang muwang ang minasacre mo" isang buong pritong manok, pasta at Pizza na inorder namin kanina bago umuwi. Limas lahat! bumaling ako sa kanya pero... Asan na sya?

Hindi ko man lang namalayan ang pag alis nya.

"Zeine!" Tawag ko sa kanya.

"Andine ko." Aniya

"Kinakausap pa kita ah!" Singhal ko sa kanya ng makalapit ako. Umupo ako sa tapat ng sofang inuupuan nya.

"Drama mo eh." Aniya habang hinihimas ang alagang aso.
"Sabagay animals can understand each other. Am I right Pooh?" Tanong nya sa alaga.

"Awoooooohhhh" alulong ng aso nya.

"See?" Baling na tanong sa akin ni Zeine.

Natapok ko na lang ang sariling noo sa kawalang masabi. Ibang klase!

Pinakalma ko muna ang sarili ko baka kasi mapatulan ko'to ng wala sa oras. Ilang saglit lang ay nagtanong muli ako.

"Zeine" tawag ko sa kanya.

"Why?"

"Bakit andoon si Ruffa?" Tanong ko ng maalalang nakita ko pala si Ruffa sa central kanina at ang malala pa isa pala syang ranggo.

Nagtaas sya ng tingin sa akin
"5ft rank FERNANDO." Aniya.

"Alam mo ba ang tungkol doon?" Takang tanong ko sa kanya dahil ako hindi ko alam na ranggo pala sya.

"Oo hindi mo ba alam?" Inosenteng tanong nya.

"No. Hindi naman nya sinabi na ranggo pala sya. "

"Nagtanong kaba?"

"Hindi." Tipid na sagot ko.

"Pano nya sasabihin kung hindi mo naman pala tinanong. Jusko ka!" May point rin naman sya hindi nga naman kasi ako nagtanong diba kaya paano nya sasabihin.

"Kelan mo pala babawiin ang posisyon kay Jerome?" Iyon naman ang kanina pang tanong na gusto kong itanong sa kanya.

"Di kaba nakikinig sa akin kanina?" Kunot noong baling nya."Sabi ko kapag handa na ako." At muling nilaro ang alaga.

Ako naman ang kumunot ang noo.

"E kelan yon?"

Tumingin pa sya sa kisame na animoy nag iisip. "Bago siguro ang coronation." Seryosong aniya.

"Gago" Wala sa sariling usal ko.

KINABUKASAN ay nagtungo ako sa opisina ni Kuya dahil ituturo na nya sa akin ang mga pananagutan kong gagampanan pagtapos ng coronation. Sa katapusan na pala ang coronation kaya ilang linggo na lang ang natitira upang matutunan ko lahat ng dapat kong gawin.

Halos lumuwa ang mata ko dahil sa dami pala ng Gampanin na gagampanan ko.

Paano ko to maipapasok lahat sa utak ko sobrang dami nito!

Stuck between love and death.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon