RUFFLER FERNANDO'S POV
Muli kong binalikan ang araw na iyon. Muli kong inalala kung paano ako nagpa uto sa hayop na si Jerome Martinez.
FLASHBACK
"Simple lang naman ang gagawin mo. Tatawagan mo s'ya at sasabihin mong napa away ka at kaylangan mo ng tulong n'ya. Ganun lang. Walang kahirap- hirap." Kaswal na wika ni Jerome habang naka taas pa ang dalawang kamay at diretsong naka tingin sa akin.
"Ayoko.. Hindi ko gagawin ang gusto mo." Pag mamatigas ko.
Ibinaba n'ya ang dalawang kamay at ilagay sa bulsa. Naka ngiti s'yang lumapit sa akin. Iba ang ibig sabihin ng ngiti na iyon.
Yumuko s'ya sa harap ko upang mag pantay ang aming paningin.
"Madali naman akong kausap bata. Hindi ba't may nararamdaman ka para sa naka babata n'yang kapatid?" Muli s'yang dumiretso ng tayo.
Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda dahil sa pa nanalita n'ya.
"Anong gagawin mo sa kanya?" Sinubukan kong huwag tumugon ang kaba ko sa pag sasalita.
Nag taas naman sya ng balikat tapos itinaas ang kaliwang kamay at tingnan ang mga kuko nya.
"Ala naman. Mahilig kasi ako sa mga bata, naiisip ko lang na baka pwede akong makipag laro sa kanya." Nakaka lokong ngiting ang sumalubong sa akin ng lingunin n'ya ako.
"Masyado pa s'yang bata. Maawa ka sa kanya." Nag susumamo kong sabi. Masyado pang bata si Zeine para sa kung ano man ang binabalak n'ya.
Kilala ko kung gaano karuming mag laro si Jerome. Mas lalo akong na ngamba dahil batid kong ibang laro ang sinasabi nya.
Nakita ko ang pagbaba taas ng balikat nya. Kahit wala iyong tunog ay alam kong tumatawa sya.
"Sabi ko naman sayo. Madali akong ka usap, ikaw lang naman itong mahirap."
"Hayop ka talaga. Kahit kaibigan mo kaya mong patayin dahil lang sa kahibangan mo!" Sigaw ko sa muka nya.
Nag hahalong galit at takot ang umiikot sa buong sistema ko ngayon. Gusto ko s'yang sapakin hanggang sa malagutan s'ya ng hininga. Napakasama n'yang tao, wala s'yang sinasanto, wala s'yang pakielam kung mali na ang ginagawa n'ya basta makuha lang ang pagiging pangulong rango.
"Isusumbong kita kay Kuya Axelle!"
Mabilis s'yang naka lapit sa akin para sakalin ako.
"Subukan mong mag sumbong ng patayin ko ang batang yon."
END OF FLASHBACK
Humigpit ang pag kakahawak ko sa baso dahil sa mga ala-alang binalikan ko. Muling nanumbalik ang galit, poot at pagka suklam ko sa sarili ko.
Ilang taon kong pinarusahan ang sarili ko dahil sa pag kakamaling iyon. Buong buhay kong pinag sisihan na nag patalo ako sa takot at kaduwagan ng panahon na iyon.
Pinag sisihan kong bakit sobrang hina ko ng mga pabahon na iyon. Na wala akong kakayahan na katulad ng sa kanila. Para akong isang maamong pusa na napapalibutan ng mababangis na Leon.
FLASHBACK
"H... Hello kuya Axelle. Tu.. tulong. Kaylangan ko ng tulong mo." Halos hindi ako makapag salita ng tuwid dahil sa takot na nararamdaman. Nangangatog ang buong katawan ko dahil sa baril na naka tutok sa ulo ko.
"Tulungan mo'ko kuya Ax." Pag mamaka awa ko habang umiiyak. Mahigpit ang pag kakahawak ko sa telepono at ang isang kamay ko naman ay halos mapunit na ang pantalon ko dahil sa diin ng pag kakahawak ko doon.
BINABASA MO ANG
Stuck between love and death.
Mystery / ThrillerIsang babaeng maagang naulila dahil sa kasakiman ng iba. Nang dahil sa mga taong uhaw sa kapangyarihan at karangalan ay nawala sa kan'ya ang kan'yang mga mahal sa buhay. Ipinangako n'ya sa kan'yang pamilya na hinding-hindi ito titigil hanggat hindi...