CHAPTER 25

0 1 0
                                    

ARROW ZEINE VILLA CORTEZ POV

Pilit kong hinihila pababa ang maikling short na ipinasoot sa amin ng baklang organizer na to.

Kanina pa ako iritang irita dahil bukod sa maikli itong soot ko eh napaka tinis pa ng boses ng baklang shuta na ito. Nasa back stage pa lang ay rinig na rinig ko na boses nya.

"We have 13 candidates. Andito na ba lahat?" Naglalakad sya palapit sa amin habang nakatingin sa chart na hawak nya.

Bukod sa matinis nyang boses mas lalo pang nakakairita dahil may landi sa bawat pagsasalita nya. Maging sa pag lalakad ay hindi nawawala ang pilantik sa kanyang balakang.

Nagtaas sya ng paningin sa amin kasabay ng pagtaas ng hintuturo nya na parang nagbibilang.

"Ok let's start." Maarting pagkasabi nya. Nito pa lang ako nagtaas ng ulo dahil mula ng nasa backstage pa lamang ako ay nasa letsheng sexy short nato ang paningin ko.

Ganun na lang pagkagulat ko ng makita ko kung sino ang baklang shuta na ito. Kaya pala iritang irita na ako sa boses palang nya shuta talaga.

"Good morning candidates. Before we start let me introduce myself first.." Isa Isa nya kaming tiningnan. "I'm Simoune. So... let's start?" Naka ngiti nya kaming tiningnan. " Aware kayong lahat na this pageant are the main event. Ito ang isa sa paka aabangan ng lahat. Tama?" Sabay sabay naman kaming napatango sa sinabi nya dahil tama sya. Ito ang inaabangan ng mga estudyante sa buong BCNE educ. student man o hindi. "Kaya kaylangan maging magada ang kalalabasan nito. Maganda, maayos. Yung tatatak sa mga manunuod. Yun ang gusto kong mangyari." Unti unti ng nawawala ang pagiging mabait nya at nag sisimula ng maging istrikto.

Inutusan nya kaming luminya dahil titingnan daw nya kung paano kami rumampa.

Nakaramdam naman ako ng konting kaba ng makita kung paano ka pulido ang lakad ng ibang kandedata.

Nag sisimula na akong mag isip nang kung ano ano. Baka pag nakita nila ang lakad ko ay katakot takot na lait na naman ang matanggap ko mula sa kanila. Napayuko na lang ako dahil sa mga negatibong naiisip ko.

"You!" Sigaw ng baklang Simoune. " Hey!! The girl wearing a huge eyes glasses." Muli nyang sigaw.

Dahang dahang napataas ang ulo ko at unti unting nag tama ang paningin naming dalawa.
"M..me?" Napapahiyang sabi ko habang naka turo pa ang hintuturo ko sa sarili ko.

"Yes you." At binigyan nya ako ng pekeng ngiti. " Anong oras mo balak maglakad? Hintayin kita." Nakangiti nga ngunit sarkastiko ang pananalita nya. "Ako na ang mag aadjust kung nahihiya kang rumampa." Nairap naman sya dahil sa irita siguro? At naipang paypay pa ang hawak na chart.

"Tss. Feeling mo ba maganda ka? Napag tripan ka lang naman kaya ka nandito. Tapang naman ng face mo para organizer pa mag adjust sayo." Maarteng tumalikod ang isang kandedata pagkatapos ng sinabi nya sa akin. Pinili ko na lang na wag ng patulan dahil baka mas lalo lang akong sungitan ng baklang shuta na ito.

Pumikit muna ako at nag buga ng hangin para makalma ang utak ko. Itinapon ko ang lahat ng negative na naiisip ko pagtapos ay ipinakita ko na sa kanila ang halos 1week na lakad na sinanay ko.

Wala akong narinig na kahit anong ingay sa paligid ko ng matapos akong rumampa. Naiyuko ko maman ang ulo ko dahil sa kahihiyang baka hindi nila nagustuhan ang paglakad ko.

Nakayuko akong bumalik sa dati kong pwesto. Sa likod ng lahat ng kandeta. 

"Ok!" Bagya pa akong napagitla ng sumigaw ang baklang organizer. "2,4,6,8,10,12 sa left side. 3,5,7,9,11,13 sa right side ...bilis kilos!!" Habang pumapalakpak pa ang dalawang palad.

Stuck between love and death.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon