ARROW ZEINE VILLA CORTEZ POVNgayon lang ako humiling na sana hindi na matapos ang oras ng klase namin dahil alam kong sermon ni Zoom ang aabutin ko. Napatikhim ako ng maalala ko kung paano nya ako salubungin ng tingin kanina.
Hindi na nya kasi ako nasermonan kanina dahil biglang dumating ang Prof. namin.
"Maupo ka" ma otoridad na utos ni Zoom dahil akma akong hahakbang pa alis. Napa pikit ako at napilitang maupo uli habang naka yuko. " San ka galing?" Hindi ko man tingnan ang ekpresyon ng muka nya alam kong walang reaksyon na mababasa doon dahil.
"Sa mall" halos pa bulong ko ng sagot.
"Umayos ka ng upo. Ganyan kaba makipag usap?" Muli na naman akong napapikit habang naka tungo dahil sa lamig ng pagkakasabi nya. "Isa" bilang nya ng hindi ako sumunod.
"Dalawa" hindi parin ako sumunod dahil ayokong makita ang matatalim nyang tingin."Tat-"Hindi ko na sya pinatapos dahil ako na ang unang sumuko " Et!!!!" Pasigaw kong sabi habang mabilis na inangat Ang ulo. " To na" otomatikong humina ang boses ko ng makita kung gaano sya ka seryoso. Diretso ang tingin nya sa akin at walang mababakas na kahit anong reaksyon doon habang naka cross arm.
"Saan ka galing?"
"Sa mall Po" maikli kong sagot.
" lNg walang paalam?" Muli na naman akong napapikit. Dahil alam kong mali ako na hindi man lang nag paalam." May na received kang tawag?" Muli nyang tanong habang ganun pa din ang itsura.
Marunong akong tumanggap ng pag kakamali ko. Alam ko kung kelan at saan ako nag kamali at kung alam kong nagkamali ako hindi na ko na ngangatwira pa para lang maipag tanggol ang sarili ko sa kanya.Alam ko rin kung kelan nagbibiro at seryoso si Zoom at ngayon.. masasabi kong hindi sya nag bibiro.
" Mero-"
" Pero ni Isa walang sagot?" Putol nya sa akin.
" Sorry hindi ko na namalayan eh" nagbaba na ako ng tingin dahil sa pagka guilty. Alam kong mali ako na hindi ako tumawag o nag text man lang sa kanya o ni isa sa kanila.
" Hindi ako galit. Naiinis lang ako dahil anong saysay ng phone mo kung hindi mo gagamitin. Paano kung naaksidente kana pala hindi ko pa alam? Paano kung-"
Hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil nagtatakbo na ako palabas. Alam ko na nag aalala lang sya sakin Kaya ganun sya. Pero hindi ko kayang marinig pa ang iba nyang sasabihin dahil nilalamon na ako ng konsensya ko dahil sa pag kakamali ko.
Kahit maliit lang yon kung titingnan napaka big deal non sakin dahil simula ng mag isa ako wala ng naging concern sakin bukod kay Zoom.
Simula ng mamatay ang Kuya ko sya na ang gumawa lahat ng ginagawa ni kuya Ax. Siya ang laging kasama ko sa lahat. Saksi sya sa kasiyahan maging sa pinaka masalimuot na parte ng buhay ko. Kaya hanggat maaari ayokong pinag aalala sya dahil ganun na lang ng epekto nun sakin kasi sya na lang yung kaisa isang taong nagpaparamdam sakin na mahalaga ako.
" Nag aalala lang sya kaya ganun sya maka react" napa angat naman ang ulo ko mula sa pag kakadukdok sa mga braso kong naka patong sa tuhod ko dahil sa lalaking nag salita. Hindi ko na namalayan nakarating na pala ako sa gymnasium. " Mula ng mawala ka kanina hindi na sya mapakali. Muntik na nga nya akong sapakin dahil sa pag aalala sayo." Dagdag pa ni Angelo at naupo sa tabi ko.
" Maging si Ruffa nag alala at nagtampo sayo"Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya." Nagtatampo?" Takang tanong ko.
" Oo. Dahil nag shopping ka daw pero hindi mo sya sinama." Inosente nyang sagot. Maya maya ay tumawa sya. Natameme naman ako ng biglang mawala ang mata nya ng tumawa sya napaka sarap pag masdan.
BINABASA MO ANG
Stuck between love and death.
Mystery / ThrillerIsang babaeng maagang naulila dahil sa kasakiman ng iba. Nang dahil sa mga taong uhaw sa kapangyarihan at karangalan ay nawala sa kan'ya ang kan'yang mga mahal sa buhay. Ipinangako n'ya sa kan'yang pamilya na hinding-hindi ito titigil hanggat hindi...