ARROW ZEINE VILLA CORTEZ' POV
Sapo-sapo ko ang sariling noo habang tinatawagan ko si Zoom. Naka ilang tawag muna ako bago n'ya ito sagutin.
"I need you." inis na bungad ko sa kanya.
"Why?"
"Tang*na talagang Jerome na 'yan." halos hingalin ako dahil sa pang gagalaiti. Agad binaba ni Zoom ang tawag at ganun kabilis siyang naka punta dito sa backstage.
"What's the problem?" Tanong n'ya ng makalapit sa akin.
"That's my problem." Turo ko sa two piece na naka hanger.
"Seriously?" Naka ngiting tanong nya.
"That's freaking serious men." malapit ng pumutok ang mga ugat ko sa ulo dahil sa galit. Sino ba namang hindi magagalit kung wala kang kaalam-alam na mag sosoot ka pala ng ganyang damit. At sa harap pa talaga ng maraming tao?
"That's..... freaking awesome dude." na laglag ang panga ko dahil sa itsura nya.
Naka taas pa ang dalawang kamay habang nanlalaki ang dalawang mata dahil sa pagka mangha."Nag iisip kaba? Makikita nila lahat ng tattoo ko Zoom." Inis na bulong ko sa kanya.
"Edi takpan."
"How?" Inis na tanong ko.
"Concealer?foundation? parang dark spot lang 'yan na tatabingan mo." Suwestiyon n'ya.
Napa isip naman ako dahil may punto s'ya. Hindi naman ganun kalakihan ang tattoo ko sa braso at natatabingan naman ng buhok ko ang tattoo ko sa ibaba ng batok ko. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon?
Sinimulan ko ng patungan ng foundation ang tattoo ko sa braso
"See?" Wika n'ya habang nakatingin sa braso ko. "Magbihis kana. Laki ng problema mo." inirapan pa ako ni Zoom bago n'ya i-ayos ang mga gamit ko.
Nag madali na akong mag bihis sa c.r dahil ako na lang ang hindi pa naka gayak. Samantalang lahat sila ay handang-handa na.
Napa titig ko sa sariling repleksyon sa salamin. Mula sa mahaba at maalon na buhok na bumagay sa akin at sa lintek na two piece na soot ko.
"Sobrang lupet!" Sigaw ni Zoom habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan ko. "Ang macho mo men." biglang bawi nya.
"G*go." irinirapan ko pa s'ya bago kami sabay na natawa.
"Siguro sinadya 'to ni Jerome." seryoso kong ani sa kanya.
Naalala ko tuloy kung paano s'ya napa atras ng tutukan ko s'ya ng pana kanina. Ramdam ko ang sumibol na takot sa kanya.
"Captain next kana." Wika ni Simoune na papalapit sa amin.
"Bakit andito ka?" Takang tanong ni Zoom sa kanya.
"Siya ang organizer nito. Kaya kung lait-laitin nya na lang ako ay ganun na lang." Seryoso kong sabi bago ko sila talikuran. Nakita ko pa ang pag awang ng bibig ni baklang shuta.
"Ang pinaka hihintay ng lahat. Walang iba kundi si candidate no 1. Angel Quin Villa Cortez!"
Pag labas ko pa lang ay halos gumuho na ang gymnasium dahil sa lakas ng sigawan ng kapwa ko istudyante.
Naka ngiti akong rumampa palabas at ng nasa kalagitnaan na ay itinaas ko ang aking dalawang kamay kasabay ng mabilis na pag ikot ko at muling taas noong rumampa sa entablado.
Nag dulot iyon ng mas lalong malakas na palakpakan at sigawan sa buong paligid. Halos mag wala na ang iba sa kanilang mga kina uupuan. Kaliwat kanan pa akong nag pabalik-balik sa stage bago bumalik sa backstage.
BINABASA MO ANG
Stuck between love and death.
Mystery / ThrillerIsang babaeng maagang naulila dahil sa kasakiman ng iba. Nang dahil sa mga taong uhaw sa kapangyarihan at karangalan ay nawala sa kan'ya ang kan'yang mga mahal sa buhay. Ipinangako n'ya sa kan'yang pamilya na hinding-hindi ito titigil hanggat hindi...