MIKE ZOOM MONTEZ POV
Buhat buhat ko si Zeine na ngayon ay walang malay papasok sa kanyang bahay. Hindi ko pa alam sa ngayon kung ano nga ba ang totoong nangyari sa kanya maging ang naging pag uusap nila ni miss Velasco ay wala akong kaalam alam kung patungkol saan.
Nasaksihan ko kung paano manghina ang katawan nya maging ang mag lakad ay hindi na nya kaya. Malayong malayo sa Zeine na kilala ko. Dalawang beses ko syang nakitang ganyan at wala akong ideya sa mga nangyayari sa kanya.
FLASHBACK
"Dito ka muna Ruffa babalikan ko lang si Zeine" tumango naman ito. Marahan kong isinara ang pinto ng kotse at binalikan ko si Zeine sa warehouse medyo may kadiliman dito sa loob pero sakto lang upang magkakitaan kung sino man ang nasa loob nito. Luminga linga ako pa ako para mahanap si Zeine. Nakita ko naman sya agad na nakatayo sa tapat ng isang pintuan. Nakatanaw ito sa paanan nya na parang may sinusuring kung ano mang bagay.
Tinawag ko sya pero hindi nya ako pinansin. Nagtaka naman ako sa matagal na pagtayo nya. Pinili ko muna syang pagmasdan sa kung ano mang ginagawa nya.
Ilang segundo rin ang itinagal nun kaya humakbang na ako papalapit para ayain na syang umuwi. Napatigil na lang ako ng bigla na lang nyang takpan ang tenga nya at nakita ko din na manginig ang buo nyang katawan at bigla na lang napa upo sa pang hihina.
"Zeine!!!" Mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nya ng makita kong mawalan sya ng malay.
"Zeine gumigising ka anong nagyari?" Tinapik tapik ko pa ang kanyang pisngi.
"Tumakbo kana...tumakas kana" bulong nya.
Binuhat ko na sya palabas sa warehouse. Nakita naman agad kami ni Ruffa kaya dali dali nyang binuksan ang pinto ng kotse.
"What happened? " Tarantang tanong ni Ruffa habang tinutulungan akong ikabit ang seatbelt kay Zeine.
"I don't know, Basta nakita ko na lang sya kanina na nakatayo tas bigla nalang syang.. ahhhhh" napasabunot na lang ako sa buhok dahil hindi ko alam kung ano ang unang gagawin.
"Kumalma ka Zoom..iuwi na muna natin sya sa bahay nya para makapag pahinga sya." Suwesyon nya.
"Pano ka?" Mas lalo pang napahigpit ang pagkakasabunot ko.
"Ok lang ako salamat sa concern pero mas kaylangang makapag pahinga ni Zeine halika na umuwi na tayo" Aya nya sakin papasok sa kotse.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pag tapos ay pinaandar ko na paalis ang kotse.
END OF FLASHBACK
"Zeine ba ang nangyayari sayo?" emosyonal kong tanong.
Hinawi ko ang mga hibla ng buhok na nakatatakip sa kanyang muka. Naramdaman kong mainit ang kanyang balat. inilapat ko pa ang palad ko sa kanyang noo upang masuri sya ng maayos. Mataas ang lagnat nya kaya lumabas ako para magpainit ng tubig at maghanap ng towel na maaring gamitin na pamunas sa kanya. Ng makuha ko ang kaylangan ko ay bumalik na ako sa kwarto nya at sinimulan na ang pag asikaso sa kanya.
"Ngayon moko labanan.bumangon ka dyan matapang ka diba? Bumangon ka diyan wala ka pala eh" pang hahamon ko sa kanya pagkatapos ko syang mapunasan.
BINABASA MO ANG
Stuck between love and death.
Mystery / ThrillerIsang babaeng maagang naulila dahil sa kasakiman ng iba. Nang dahil sa mga taong uhaw sa kapangyarihan at karangalan ay nawala sa kan'ya ang kan'yang mga mahal sa buhay. Ipinangako n'ya sa kan'yang pamilya na hinding-hindi ito titigil hanggat hindi...