CHAPTER 29

0 1 0
                                    

VAIN ANGELO MARTINEZ' POV.

"Angel is very beautiful, right?" Basag ni Ruffa sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Simula kasi ng umalis kami sa BCNE ay wala ng nagsalita sa amin. Hindi sa ayaw kong kausap s'ya o anuman, talaga lang na hindi kami ganun ka close hindi tulad ni Angel.

"Sobra." Sang ayon ko sa kanya habang nakatingin parin sa daan.

"Hindi ko rin inaasahan na may itinatago pala s'yang ganong ganda." Andon ang paghanga sa boses nya. Wala na uli kumibo sa amin pag tapos ng pag uusap namin na iyon.

Totoong hindi ko inaasahan na ganun s'ya kaganda. Yes, maganda s'ya kahit noon pa pero iba ngayon. Ibang-iba, hindi ko ma explain.

Naalala ko tuloy kung paano ako natulala nung mag pakilala sya kanina. Ilang beses kong inisa- isa ang bawat candidates pero hindi ko talaga s'ya makita. Kaya nagulat talaga ako ng mag pakilala na s'ya.

Hindi lang ako ang nabigla kundi lahat ng tao sa buong gymnasium dahil kilala s'ya bilang campus nerd. Kaya ganoon na lang ang pag kabigla namin. Isang nerd pero kaya n'ya kaming pahangain ng taglay n'yang kagandahan.

"Angelo lumagpas na tayo!." Agad ko kinabig ang manibela para mahinto sa gilid ng daan ang kotse.
"My gosh Vain! Pede tayong maaksidente." palahaw ni Ruffa.

"Sorry." Paumanhin ko sa kanya. Masyado kasi akong nalunod sa pag-iisip kaya hindi ko na napansin na huminto na pala sila Zoom na sinusundan namin.

Tumingin ako sa side mirror kung may parating na sasakyan. Ng wala akong makita ay nag U-turn ako at pumarada sa tabi ng kotse ni Zoom.

Pag baba ko ay nilapitan agad ako ni Zoom at tinapik-tapik pa ako sa balikat bago pumasok sa restaurant.

Napa iling nalang ako dahil sa nangyari kanina. Sumunod na din akong pumasok sa kanila. Nakita ko na silang naka upo sa pang apatan na table. Naupo ako sa tabi ni Angel dahil iyon na lang ang bakanteng upuan.

Si Zoom na ang omorder ng dinner namin at s'ya na din ang nag bayad.

"Ang tahimik mo ata?." Napa tingin ako kay Angel na naka ngiti sa akin.

"Ah. Hindi may iniisip lang" pagpapa lusot ko.

"At ikaw 'yon Angel." sabat ni Zoom. Nag tawanan naman silang tatlo at ako? Heto at nag sisimula ng mamula. "Ow. Namumula kaba?." nang iinis na ani Zoom at muli na naman silang nagtawanan.

"Shut up Zoom." singhal ko sa kanya. Napahawak naman s'ya sa bibig n'ya na animoy nagulat sa sinabi ko. "Tsk." Hindi ko na tuloy magawang lingunin si Angel dahil baka makita n'ya kung gaano ako naiilang ngayong katabi ko sya.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?." Muling tanong ni Angel sa akin. Hindi ko alam kung haharap na ako sa kanya o haharap nga ako pero sa iba ang tingin.

"Hm. Yes. how about you?." Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kanya.

"Ayos naman na din. Teka nga galit kaba?"

Agad akong napa tingin sa kanya."Hindi ah.. bakit ako magagalit sayo." Giit ko.

"E bakit ayaw mo'kong tingnan?" Ngumuso sya!. Mas lalo akong nagandahan sa kanya.

Shet! Lakas maka bakla!

"Ano..kasi.." nawalan ako bigla ng maidadahilan sa kanya.

"Anong ano kasi?" Takang tanong nya. Napa pikit ako dahil bigla akong na blangko. Buti na lang ay dumating na ang pagkain namin kaya na agaw ang atensiyon nilang tatlo.

"Here's your order." naka ngiting ani ng waiter habang inilalapag ang mga pagkaing inorder ni Zoom. "Enjoy your food." Yumuko pa sya ng bagya bago umalis.

Stuck between love and death.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon