CHAPTER 7

4 5 1
                                    

VAIN ANGELO MARTINEZ POV.

Tanghali na ako nagising dahil hindi ako pinatulog ng mga pinag usapan namin kagabi ni kuya...

FLASHBACK

" Naka uwi ka na pala." Hindi na ko magugulat kung nakapasok man siya sa bahay ko kahit wala syang susi. Hindi na nya kaylangan non dahil kaya nyang gawin lahat kung gugustuhin nya.

" Ahm.. yeah obvious ba?" itinaas ko pa ng bahagya ang dalawa kong kamay ani moy pinapakita ang sarili para maiparamdam ko sa kanya kung gaano ako kasarkastisko.

" Kamusta?" Tatawa tawa nitong bati nito sakin.

" Same old" maikling tugon ko habang binababa ang bag sa sofa para hindi nya makita kung gaano ako kairita sa presensya nya. pero mukang hindi nakikisama ang katawan ko.

" Great.... that's great" tatango tango pa ito.

Tumayo ako para kumuha ng tubig para sa aking sarili. Oo para lang sa akin..

" How about your friend. What's her name again? Angel?" Natigilan ako ng pagsasalin ng tubig, humigpit ang naging paghawak ko sa baso. Please ko sya ng masamang tingin.

" Oops.. wala akong ibang ibig sabihin.. kinakamusta ko lang yung kaybigan mo" kahit seryoso ang kanyang muka dama ang pagkasarkastiko sa boses nya.

" Wag na tayong maglokohan dito" naibaba ko ang basong hawak ko dahil parang umurong na ang pagka uhaw ko.

Itinago ko ang pagtatangis ng mga bagang ko sa isang matamis na ngiti at naupo sa sofang katapat nya." What do you need?" Diretso kong tanong sa kanya.

" Yan ang gusto ko sayo matalino ka" umayos sya ng upo at ganun din ako. Alam kong hindi nya ko pupuntahan sa bahay ko kung wala syang kaylangan. " May gusto akong ialok sa iyo. Nais kong ikaw ang pumalit sa akin sa ikalawang pwesto".Hindi ako nagkamali ng inisip na dahilan kung bakit andito sya sa pamamahay ko.

"At ikaw ang papalit bilang head of the rank ganun ba?" Hindi ko na maitago ang pagiging sarkastiko sa bawat salitang ibinabato ko sa kanya. Natatawa ako dahil kitang Kita ko sa muka nya ang pagiging Desperado.

"Exactly" nakangiting wika nito.

"Alam mong hindi mangyayari yan" tinapatan ko din ang ngiti nya" alam mo kung ano ang mga  batas."

"Minsan ko nang nilabag ang batas Angelo"

" Ang patayin ang sarili mong kaibigan upang makuha mo ang posisyon nya?" Pumalakpak ako animoy humahanga sa kanya.  Ikina ikom naman iyon kamo nya.
" Napakatalino mo ngunit ....mas matalino sya sayo. Akalain mong gumawa sya ng batas na hindi mo nalalaman?... dahil alam nya kung gaano ka kagahaman" naputol ang pag sasalita ko ng dakmain nya ang leeg ko. Kahit nahihirapan ay itinuloy ko parin ang pagsasalita.
"n...ngunit itinuring k..ka parin nyang TUNAY na kaibigan" binitawan nya ko at tumalikod sakin.

Habol habol ko ang aking hininga at nagsalitang muli
" pero ang isinukli mo ay kataksilan. Gaano kasakit na buong akala mo ay makukuha mo na ang posisyon na matagal mo ng pinapangarap ngunit nabigo kaparin dahil lingid sa iyong kaalaman na ang kalakip ng batas na sinuway mo ay kamatayan."

Stuck between love and death.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon