ARROW ZEINE VILLA CORTEZ POVMadilim, sobrang dilim, wala akong makita na kahit anong liwanag.
Tanging hikbi lang ng batang lalaki ang naririnig ko.
" Natatakot ako" wika ng batang lalaki.
" Wag kang matakot kasama mo ako" pag aalo ko rito.
"Pano kung saktan ka na naman nila uli?" Humihikbing tanong nito.
"Kapag dumating sila magtago kalang sa mga karton at wag Kang lalabas hanggat hindi pa sila nakaka alis malinaw ba?" Malambing ang pag sasalita ko upang hindi na sya matakot.
Unti unting humina ang pag hikbi nya hanggang sa nawala iyon.
"Masakit pa ba ang kamay mo?" Tanong nito sa akin.
"Hindi na." Sabi ko sa kanya kahit na ang totoo ay sobrang sakit pa.
Natigilan kaming dalawa dahil muli na namang bumukas ang pinto. senyales na dumating na naman ang mga demonyo.
"Magtago kana ngayon na" utos ko sa kanya.
"Paano ka?"
"Basta magtago kana dali" bulong ko sa kanya.
Kahit nakakaramdam din ng takot ay mas pinili kong wag ng ipakita iyon. Dahil sa ganitong uri ng tao hanggat ipinapakita mo natatakot ka ay mas Lalo silang na siya-siyahan.
"Ang bobo naman ng kuya mo biruin mo hanggang ngayon hindi parin kayo nahahanap inip na inip na kong patayin ang kuya mo para mapasaakin na ang trono nya." Galit at gigil ang nababasa ko sa mata ng lalaking nasa harap ko.
"Mas Bobo ka naiinip kana pala bat hindi mo pa ibigay ang address nito para mapatay kana ng kuya ko." Matigas kong sabi sa kanya.
Gumuhit ang pagkabigla sa kanyang muka hanggang sa napalitan iyon ng galit.
Mabilis nya kong dinamba at binigyan ng sampal. Hindi pa na kuntento at pinagsisipa nya pa ako ng walang tigil at walang kasin lakas."Zeine wake up"
habol habol ang hininga ko ng magising ako. Tagaktak na namang muli ang pawis ko. Nagising na naman ako dahil sa boses. Ngunit ngayon ay nag mula iyon kay Zoom.
"Zeine are you alright?" Inabutan nya ko ng isang basong tubig, inabot ko naman iyon at ininom.
"Zeine ano bang nangyari sayo? Nagulat na lang-" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng makita nya ang palad ko na naka angat senyales na kaylangan nyang manahimik at ganun na nga ang ginawa nya.
Inaalalayan nya muli ako na maka higa at inayos nya ang kumot na naka takip sa akin.
"Bukas na lang natin pag usapan mag pahinga ka na muna." Isang tango lang ang ibinigay ko sa kanya bago sya lumabas sa kwarto ko.
Ramdam ko parin ang pang hihina ng katawan ko. Muli kong inisip kung ano nga ba ang nangyayari sa akin pero kahit anong isip ko ay wala parin akong matandaan hanggang sa nakatulugan ko na ang pag iisip.
Kinabukasan ay nagising ako ng may marinig akong katok. Pag bangon ko pa lang ay nalang hap ko na ang bango ng fried rice at piniritong itlog, bacon at tucino.
BINABASA MO ANG
Stuck between love and death.
Mystery / ThrillerIsang babaeng maagang naulila dahil sa kasakiman ng iba. Nang dahil sa mga taong uhaw sa kapangyarihan at karangalan ay nawala sa kan'ya ang kan'yang mga mahal sa buhay. Ipinangako n'ya sa kan'yang pamilya na hinding-hindi ito titigil hanggat hindi...