CHAPTER 18

0 1 0
                                    

ARROW ZEINE VILLA CORTEZ POV

" Yes. I'm interested" tumayo na ako at walang lingong lingong lumabas ng room. Dumiretso na ako sa kotse ni Zoom.

Pinipigilan kong wag kumawala ang inis na kanina ko pa kinikimkim. Pero nandya nga ata talaga ang tadhana dahil nakalimutan kong naka lock pala ang kotse ng unggoy na iyon.

Kinuha ko ang hair pin sa wallet ko at isinuot yun lock may pintuan ng kotse ni Zoom.

" Gotcha!" Walang kahirap hirap na nabuksan ko ang pinto ng kotse ni zoom. Nakangiti akong pumasok sa loob at naupo ng maalala ko ang naging senaryo kanina sa room.

"Tang*na!!" Sa loob na ako ng kotse sumabog.
" Ahhhhhhhhhh!!!!!" Abot kayang sigaw ko. Hindi ko mapigilan na maasar dahil sa mga sinasabi nila. Hindi ako sanay na pinagpapasensyahan lang ang mga ganung klaseng tao.  Pero sa sitwasyon ko ngayon wala akong magawa kundi palampasin na lang lahat ng ginagawa nila sakin.

Hanggang sa tumawag si zoom dahil hinahanap nya ako sinabi ko na lang na nasa kotse na ako. Saglit lang at dumating na din si Zoom. Syempre nang asar muna sya bago kami umuwi.

Kinabukasan pagpasok namin ni Zoom napansin na naming may iba sa paligid.. nagkatinginan kami ni Zoom at sabay lang kaming nagtaas ng balikad dahil sa kawalang ideya sa nangyayari. Nang maka dating kami sa room ay si Ruffa agad ang hinanap namin.

" What's going on?" Tanong ko Kay Ruffa.

"Yieee may bagong teacher daw tayo" ipit ang kilig nito ng magsalita.

" E ano naman kung meron?" Inis namang tanong ni Zoom kay Ruffa.

" E kasi nga gwapo.....macho." habang ginagaya pa ni Ruffa Yung porma ng mga macho sa palabas. Maya maya ay nagtakbuhan na papasok ang mga classmate namin. " Yieee andyan na sya!. " Para itong batang naiihi ng maupo. Para pa itong hindi mapakali habang hinihintay ang sinasabi nilang bagong teacher.

Hindi na namin nagawang maupo ni Zoom ng pumasok ang bagong teacher na sinasabi ni Ruffa. Parehas kaming naestatwa sa kinatatayuan namin ngayon.

" Good morning class" bati nito sa lahat.

" Good morning Sher" ipit na tilian ng mga kaklase naming babae ang bumalot sa buong classroom namin. Nasa ganung posisyon parin kami ni Zoom ng magsalita uli ang bago namin Prof.

" I'll introduce my self first. I'm Thomler Stanford, 28 years old. I will be your teacher on Physical Education from now on" mabait ang pakikitungo nya sa mga kaklase ko actually naka ngiti pa nga sya habang sinasagot ang mga tanong nila. " Yes miss and mister? There's something wrong?." Tanong nya sa aming dalawa ni mister Stanford.

"N..nothing sir" nauutal pang sumagot si Zoom pagtapos ay tumingin sakin.

" Will you please take your seats?" Itinuro pa nya ang upuan naming dalawa ni Zoom dahan dahan naman kaming naupo ni Zoom habang naka tingin parin sa kanya.

" Diba ang gwapo at ang macho. Sabi ko naman sayo ehhh. Mukang na starstruck ka pa ng slight" bulong sakin ni Ruffa. Hindi naman maitatanggi ang kagwapuhan ni sir Standford mula sa makisig nitong katawan at ang sumisigaw na muscle sa braso maging ang maputi nitong balat at height nitong mala poste ng kuryente, mga makakapal na kilay at pilik mata at hindi mo maiiwasang titigan ang kanyang matangos na ilong at mamula mulang labi at kulay brown nitong mata. Maging mga may apo na ay malalaglagan parin ng panty pag nakasalubong sya. Pero hindi ang katangian nya ang nakapag pa estatwa sa akin kundi presensya nya.

" Anong ginagawa nya dito?" Bulong ko kay Zoom na hanggang ngayon ay hindi parin nakaka move on sa presenya ni sir Stanford.

" That's also my question."  Bumalik na ako sa pagkakaupo dahil wala rin nqman akong makukuhang sagot sa kanya dahil pareho kaming windang at alang alam.

Stuck between love and death.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon