4:Start

2 0 0
                                    

Yung sasakyan ni Kimberly on the media
_
PINAKITA ko ang ID ko sa guard na nasa gilid ko at ng maicheck niya ay ningitian niya ako at imunuwestra niya ang kamay papasok s aloob ng gate. Anim ang guard na nandito sa labas ng acad.

"Pwede na po kayong pumasok, Ma'am" Binalik niya ang ID ko at ipinasok Tinanguan ko lang siya at pumasok na.

Hindi ko pinapansin ang mga tingin ng mga tao sa sasakyan ko at mas binilisan pa dahil inaantok na din ako.

Magseseven a.m palang at napaka aga akong ginising.

Ni hindi nga nila tinanong kung anong oras na akong nakatulog. Hello? Mag aalas dos na kaya. Kaya eto ako at puyat.

"Ang cool nung sasakyan!"

"I also want it!"

"Sino kaya yung nasa loob niyan?"

Ilan pang bulungan ang narinig ko,may good at my bad comment sa akin. Di yata uso sa kanila yung 'Mind your own business' gosh.

"Pasikat naman ang may ari niyan"

"Sinabi mo pa!"

"Attention seeker,god!"

"Naiinget lang?"

Hanggang sa unti unti ng nawala ang mga komento ng nakapasok na ako ng parking ng school.

Akala ko titigil na sila ng mas lumakas ang bulungan. Buti naman hindj na dahil sakin.

"Hala si queen!"

"Oh,my,god! Oo nga"

"Ang ganda niya pa rin"

"Agree ako,gurl!"

Nang may napansin akong babae na naglalakad na akala mo ay Beauty queen. Kinunutan ko ito ng noo. Parang tanga lang?

Kumakaway kaway pa siya.

What the?! Ang ikli ng suot niya. Para na siyang pokpok. Grabe,di ako makapaniwalang may mga ganoong babae pala na halos lumabas na ang kaluluwa sa suot.

Natawa ako ng onti ng madapa siya. Kagagahan kasi.

Mind your own business nga pala,self.

Pinagsawalang bahala ko nalang iyon at sinuot ang earphone at naglakad.

At dahil nasa parking lot ako ay lumabas pa ako kaya naman nagsipag tinginan ang mga estudyante sa akin.

Nagtaka naman ako pero pinagsawalang bahala ko nalang ulit.

Halata na ang pagsisimula literal ng school year dahil sa dami ng mga estudyante ang nakikita ko,sa labas man o sa loob ng academy.

Saktong mamayang ten a.m daw isasara ang napakalaking gate. Pag nagsara na ay wala ng pwede pang makapasok o makalabas. Talaga bang may ganon dapat?

Kumpleto naman na ang dala ko at kung may kailangan pa ako ay makakabili naman ako sa mall ng academy.

Dinaanan ko lang kay Dean mismo ang uniforms,susi ng dorm at schedule ko sa pagpasok kinabukasan.

Sunday ngayon.

May makakasama akong tatlong babae. Ang akala ko pa naman ay magisa lang ako sa dorm. One year ko silang makakasama sa dorm. Gosh. Pero hayaan na,kaya ko naman sigurong walang maging kaibigan sa loob ulit ng isang taon,right?

Kailangan ba kasi talagang mag dorm? Argh.

Naglakad na ako ulit.

"Hey!" Gosh,may manggugulo na naman ba sa buhay kong tahimik? Oh,my bad,never nga palang natahimik ang magulo kong buhay..never since birth. Lapitin talaga ako ng gulo.

CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon