14: Kidnapped Pt.2

0 0 0
                                    

Kimberly's Point of view

MAGUUMAGA na akong nagising dahil sa tubig na binuhos sa akin. Hala? Nakatulog pala ako ng tuluyan. Napasarap kasi talaga ang tulog ko. Maaabot ko na sana ang malaki na pizza kung di lang ako binuhusan ng malamig na tubig ng kung sino mang salarin. Panaginip lang pala,Gosh.

Tiningnan ko ang kung sino man na nagbuhos ng tubig sa akin. Di na ako nagulat na si Elliza iyon.

"What now?",tamad kong tanong sa kaniya. Nangagalaiti niya akk sinabunutan at sinampal ng kabilaan. Masakit iyon ah pero mas masakit ang gagawin ko sa kaniya mamaya pagnakawala na ako sa tali nila. Di man lang hinigpitan ang pagkakatali sa kamay ko. Bukod pa yung rope na nakapalibot sa katawan ko at sa silya. Gosh. Para akong ewan nito. At tulad ng sabi ko,sanay na ako sa mga ganito. Mas malala pa yata dito ang training na ginawa ko dati. Easy nalang ito dahil nakawala na ako sa buhol ng tali sa kamay. Kailangan ko nalang matanggal ang wrist watch ko dahil hindi lang iyon simpleng wrist watch dahil may maliit na knife doon. Mukha namang madali lang mahiwa ang tali dahil sa hindi naman makapal na rope ang ginamit.

Pumasok naman si Letisha at binigyan din ako ng magasawang sampal. Ede wow.

Nalasahan ko na ang dugo sa labi ko. Napayuko ako pero nagtaas ulit ako ng ulo.

"Ang lakas ng loob mo na kalabanin kaming Queens. Ano ka ngayon? Wala ka ng masabi? Anong gagawin mo ngayon? Sisigaw ng tulong?"unang litanya ni Elliza at ngumisi naman si Letisha."Kawawa ka naman. Walang makakaligtas sayo dahil nasa hide out ka namin.", Yeah yeah whatever. Alam kong nasa academy pa din kami dahil hindi naman sila pwedeng lumabas. Hindi kami pwedeng lumabas. Sarado ang kaisa isang gate ng Acad at matataas ang mga bakod pati ang gate ng Acad kaya malabong makaalis kami sa lugar na ito.

Nagtawanan sila dahil hindi ako makapagsalita. Gosh,magsasalita pa ba ako?nakakatamad kaya.

"Tsk."tangi kong sabi na ikinainis ng dalawang clown sa harap ko.

"Hindi ka ba hihingi ng tulong? O kaya ay mag mamakaawa na huwag ka ng pahirapan?"nakakunot noo na tanong ni Elliza sa akin. Di naman ako tanga para gawin iyon. I won't let them satisfied if I plead.

"Nah-uh. Katamad."napa irap ako ng bumuka ang bibig nila dahil sa gulat sa mga pinagsasabi ko. Bakit? Dapat na ba akong matakot sa ginagawa nila?

Para nga lang kaming naglalaro e.

Well,laro pa lang ito para s sakin.

"Alam mo? Napaka papansin mo. Anong kadayaan ang ginawa mo at nakapasok ka kagad sa Alpha? Bukod doon ay inaagaw mo sa akin si Vanne. Ito ang sasabihin ko sayo..hinding hindi ka magugustuhan ni Vanne dahil ako lang ang mahal niya! Isa ka lang langaw na umaali aligid sa kaniya dahil nga papansin ka. Kahit sila Harisson ay kinakausap ka. What an attention seeker. Kaya humanda ka na ngayon dahil mawawala ka na sa mga langaw na kontrabida sa buhay namin!"

"Wait,dapat na pala ba akong matakot?",pangiinis ko pa sa kanila. Not minding the issue about Vanne and the others. Obsessed talaga si Elliza kay Vanne. Oh ede sa kaniya na,as if naman na papayag yung hudas na iyon. Pero subukan lang na pumayag ni Vanne, humanda siya sa ak— ano naman pala ang paki ko don?!

Nagkatinginan sila at ngumisi. Sila ang nagiging mukhang kontrabida sa ginagawa nila. May pagngisi ngisi pang nalalaman. Manong patayin na ako para di na tumagal pa. Makakaalis na ako sa upuan ko di pa din ako pinapatay. Pero kung sakaling patayin na nila ako,di ako kagad mamamatay...masamang damo yata ako. Hindi lang ito ang unang beses na nakidnapped ako. Pero hanggang ngayon naman ay buhay pa din ako.

CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon