8:Friends

0 0 0
                                    

"Grabe,ang lakas mo pala, Kim!nabalian mo ng buto si Lavina sa simpleng hawak lang. Aah,I was so amazed. Ang tapang tapang pa nila wala namang binatbat hihi. Buti nga sa kanila"

Naglalakad na kaming tatlo nina Channel at Ally para sa panghapon naming subject. Tapos na ang lunch na one and a half hour lang.

At tungkol doon sa alasdose na oras kanina. Tuwing sasapit ang alasdose hanggang alastres ng umaga ay libre ng gawin ang pagpatay o kahit na anong gawain na ilegal o hindi ginagawa sa ibang paaralan,mas madalas na tinatawag ang oras na iyon na evil time dahil doon nagpapakita ang mga tinatagong kademonyohan ng mga estudyante sa katawan. Huwag lang mag papahuli sa mga SSG para hindi mapatawan ng magaan na parusa. Pero kapag naman hindi pa evil time ay kapag nahuli ng SSG ay siguradong kamatayan o kaya naman ay hard punishment ang kalalagyan. Iyon ay sa sinabi sa akin ni Ally kagabi bago kami mag sipag tulugan. Kaya kanina ay sinigurado ko munang alasdose na dahil nasa paligid lang daw ang nga SSG at nagmaamsid lalo na kapag recess,as if namang magpapahuli kagad ako.

Pumasok na kami sa loob ng classroom namin at wala pang masyadong tao,may twenty minutes pa kasing time bago pumasok ang professor.

Kaya dumukdok nalang ako at hinayaan na makatulog ang sarili. May sariling pinagkakaabalahan ang dalawa kong katabi. Si Ally ay sa libro ulit niya at si Cha naman ay nasa Cellphone ang atensyon kaya naman walang nangulo sa akin at nakatulog ako ng taimtim.

"Miss Briones! No one is allowed to sleep during my class.",umangat ang ulo ko at naghikab pa. Gosh. May teacher nga pala sa harap ko!

Tinignan niya ako ng masama at binigyan ng pentel pen na nabubura.

Pinasagutan niya ang pagkahaba habang equation dahil math sub ang pang unang subject namin sa hapon. Three subject sa umaga at four subject sa panghapon tuwing monday lang iyon dahil simula tuesday hanggang friday ay may subject kami na pangalawa kung saan ipapakita mo ang kakayanan mo bilang isang estudyante. Depende daw ang oras na gugustihin ng magtuturo sa amin which is ang Headmaster, weird and shocoking, isn't it?

"Done.",pasimple kong ani at muling bumalik sa upuan ko. Nakanganga ang mga kaklase ko pati ang professor maliban ang nasa likod kong si Vanne na nakangisi pa at ang katabi kong dalawa na ito.

"H-how?we-well,of cours. Back to the topic,and that's the formula on how solving the first to the tenth problems. You g-guys can research more about the topic through internet or books in library. Ju-just ask me anything about it tomorrow where our time
is long. Goodbye.",and then the bell rang. Sumunod na ang sunod naming professor at nagsimula ng magturo at hindi na ako nakinig pa.

May iilang mga kaklase akong tumitingin tingin sa akin. Ang iba ay iniismiran ako at sinasabihan na bida bida o kung ano pa man na hinayaan ko nalang. Nasanay na ako sa mga ganiyang salita dahil hanggang salita lang naman sila.

"Ang galing mo sa pagsagot kanina,miss beautiful. Di lang pala beauty meron ka.",mingisian ko nalang si Flint at inilingan.

"Di siya beautiful,cute siya!"sabat pa ni Blue out of nowhere. Natawa nalang ako.

"Shut up ka nalang", Harisson hissed. Nagpout nalang si Blue at inirapan si Harisson. Imbes na mag mukhang babae si Blue sa ginawa ay nagmuka pa siyang cute. Natawa nalang ako sa nasa isip ko.

"Proud na proud ang loverboy namin dito."

"Syempre,talino ng bebe niya e",at nasundan pa iyon ng tawa nila..sinimangutan sila ni Vanne at inungusan. Inilipat niya ang tingin niya at hindi sinasadyang nagkatitigan kami. Ningisian ko siya at dahil doon ay parang nagising siya mula sa pagtitig sa akin at umiwas kagad ng tingin.Napa kunot nalang ang noo ko sa inasta niya. As if naman gusto ko din siyang tignan. Argh.

CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon