17: Announcement

0 0 0
                                    

Kimberly's Point of view

LUMIPAS na ang tatlong araw simula ng nangyari ang kidnapped kuno sa akin ng Queens at medyo tahimik ang buhay ko sa tatlong araw.

Lagi kong kasama si Raquil ng mga nagdaang araw. Pero di ko maiwasan na isipin si Vanne pati ang mga sinabi niya sa akin tatlong araw na ang nakakalipas.

"Tara na? Sa cafeteria nalang tayo mag breakfast. Maaga pa naman."nasa pintong saad ni Channel. Nandito nga pala ang mga bruhilda kong kapatid. May sasabihin daw dapat sila pero di ko na natanong iyon,siguro mamaya ko nalang ulit ibibring up yung issue doon.

"Wait!"palabas na dapat kaming anim ng magsalita si Keey. Ayan na siya.

"Bakit napapagalitan ng teacher Si Choco?"

Argh,ayan na naman yung korni joke niya. Nailing kami nila Ally at Kathelyn. Yung dalawa namang isip bata ay nagtanong at excited pa.

"Ano?!",sigaw nila. As in. Sigaw talaga. Lumabas na si Kathelyn pangalawa si Allyson at ako ang sumunod.

Narinig ko pa ang sagot ni Keey kina Katherine.

"Kasi lagi siyang Choco Late!Hahaha!",at natawa silang tatlo sa loob. Mga abnormal.

"Señorita,kami na po ang bahala sa bahay.",napalundag ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa gilid namin. Ano ba yan,gosh,ako lang ang nagulat kasi ang dalawang yelo na katabi ko ay wala man lang kaemo- emosyon.

Nagbabasa sa gilid ko si Allyson,tungkol yata sa medicine ang binabasa niya,dalawa ang librong dala niya,yung sa akin na bigay ko sa kaniya at yung sa ngayong binabasa niyang libro.Si Kathelyn naman ay may hinahack na naman na system tiyak, gawain niya iyon tuwing wala siyang magawa kaya lagi niyang dala ang Cellphone niya na siya mismo ang gumawa pati ang devices na ginagamit niya din sa panghahack ay nasa itim na pouch niya.

"Sige. Nangugulat ka naman Butler Shun!", nakahawak sa dib dib kong ani. Humingi lang siya ng tawad at yumuko. Lumabas na ang tatlo na nasa loob pa ng dorm at sumabay na sa amin.

Lumabas na kami ng elevator ng sumalubong sa amin ang Alpha boys.

Wala pa ba ang tatlo lalaki na kulang pa sa kanila? It's been a week.

"Bat kayo nandito?"masu- ngit na tanong ni Katherine kina Flint,si Katherine ang may pagkachildish na may pagka masungit sa amin, para siyang spoild brat which is true kay Keey minsan sa akin pero si Kathelyn ang pinaka matured sa amin kung magisip. May pagka masungit din ako na bitchy pero nilulugar ko ang ugali kong iyon. Madalas ay masungit lang ako,lalo na sa mga taong hindi ko gusto ang ugali. May pagka- straight forward ako.

Pakamot kamot si Harisson na lumapit kay Channel na may kinakaing chocolate bar. Umagang umaga iyon kagad ang laman ng tyan niya. One hour pa bago ang klase na eight o'clock,seven a.m pa lang. Maaga kaming gumising at nagayos para sabay sabay kami sa cafeteria kumain. Tinatamad kasi ang kaisa isang taga luto naming si Allyson na magluto kaya lahat kami ay umayon na sa cafeteria na kumain, kung bakit ba kasi siya lang ang sanay magluto sa amin. Balak pa namin sanang magbake,sayang.

"Ang aga niyo naman yata?"takang tanong ni Flint sa amin. Ngumisi lang ako at di nag salita. Bahala sila magexplain. Nakakatamad magsalita.

Naglakad na ako kaya sumunod naman sila,si Katherine ay nakapulupot ang braso sa braso ko habang yakap yakap si Blossom. Sanay na ako sa kaniya. Papunta na kami ng cafeteria at ang nga early birds palang ang nandito,konti pa lang. Nagsisipag tinginan sila sa grupo namin pero hindi na namin sila pinansin at deretsyong umupo sa assigned seats namin"E pano,dapat kasi talaga magbebake kami,kaso tinamad kami tas dapat magluluto nalang si Allyson ng typical breakfast kaya nga lang ay tinamad ang tamad na to. ",Tumango lang si Flint sa sinabi ni Keey na katabi ni Katherine na may kinakalikot sa Cellphone niya hanggang ngayon na katabi si Allyson na nagbabasa naman ng libro na binigay ko sa kaniya. Nasa kaliwa ko naman si Katherine at nasa kanan ko si Keey.

CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon