13: Special chapter Pt.2

0 0 0
                                    

Channel's Point of view

TUMAKBO ako palabas ng cafeteria. Ang tanga tanga ko. Noong una ay hindi ko pa pinapansin ang mga pangyayari pero ngayon. Nakumprima ko na talaga.

Hindi ako ang gusto ng taong gusto ko. Medyo masakit pero hindi ko magawang magalit,maingit o magselos kay Ally dahil alam kong wala naman siyang ginagawang mali at wala siya nararamdaman kay Flint. Hindi ko lang talaga maiwasang masaktan kasi pinagmukha kong tanga ang sarili ko,nakakaawa ang sarili ko.

Pero unti unti ay alam ko namang mawawala din ang naramdaman ko. Mas mahalaga pa din ang pagkakaibigan namin ni Ally na walang katumbas kesa sa kahit na anong bagay o tao pa man.

Pumunta ako ng garden ng school at dito umiyak. Nasabi ko na din kanina kay Dean ang pagkawala kuno ni Kim kaya wala na akong pinoproblema pa maliban sa sakit na nararamdaman ko. Pero bakit ganon? Parang ang gaan naman nitong sakit na ito kesa sa inaasahan kong sakit kasi gusto ko si Flint? Hindi kaya di ko na siya gusto? Pero malabo. Hindi. Alam ko,gusto ko pa siya. Kaya nga diba naiiyak ako? Tama. Gusto ko pa siya.

Nakaupo ako ng may biglang naglahad sa akin ng panyo. Tumingin ako sa taong nagbigay. Si Harisson. Kahit nakakaasar siya ay lagi siyang nasa tabi ko lalo na tuwing kailangan ko na masasandalan. Noong mga panahon na nawala ang parents ko. Siya ang nagcocomfort sa akin. Kahit na babaero to na ikinaiinis ko ay mabait pa naman din siya sa akin kahit papaano. Complete package na nga siya dahil gwapo,maganda ang katawan,charming at matalino din kaso babaero parang si Flint. Hindi ko sasabihin sa kaniya ang nasa isip ko dahil alam kong lalaki ang ulo ng kupal na to.

"Wag ka ng umiyak. Ang pangit mo kaya umiyak. Mukha kang witch." natatawa niyang pagtatahan sa akin. Imbis na mainis ako ay natawa ako.

Mangiinis na naman siya.

"Yan! dapat tumatawa ka palagi o kaya nakangiti. Cute ka kapag nakangiti kaya.",parang bata niyang sabi sa akin sabay punas ng luha ko. Napatitig ako sa kaniya. Bakit ba ako sa kaniya naiinis? Kung tutuusin wala naman siyang ginagawang masama sa akin pero naiinis pa din ako sa presensya niya maliban na lang sa pagkakataon na ito.

Yung presensya niya ngayon ang gusto kong maramdaman. Nakakaraman kasi ako ng peace and safety tuwing kasama ko siya kapag nagmumukmok ako tulad nalang ngayon.

Hindi ko alam sa sarili ko,nababaliw na yata ako.

Tinitigan niya ako sa mata ko,pababa sa ilong hanggang sa labi ko na unti unti ng nawawala ang ngiti dahil sa di ko malamang dahilan na nararamdaman ko. Para akong kinokoryente sa simpleng hawak niya sa akin.

Ano to?

"Alam mo maganda ka naman talaga. Iniisip ko. Bakit ka ba sa akin laging galit? Hindi naman kita inaano.",nagtatampo niyang sabi sa akin. Malapit ang mukha niya sa mukha ko kaya medyo nakakaramdam ako ng ilang pero mas lamang ang saya na nararamdaman ko. Ibang klase ka Harisson. Anong ginagawa mo sa akin?

"Ewan ko din.",I chuckled. My eyes went on his sexy lips. I want to kiss him. Ano tong iniisip ko?

"Ewan mo? Okay. Ang mahalaga maging masaya ka na ulit kahit na manginis pa ako ng manginis basta nakikita ko yung maganda mong ngiti sa labi. Kotang kota na ako. Huwag ka ng masaktan. Nandit—may iba naman diyang lalaki na nagmamahal sayo. Hayaan mo na iparamdam ko—niya yon kung di naman iyon ipaparamda sayo ni Flint. Andito ako bilang k-ka-kaibigan mo." Nakangiti niyang ano kaya di ko maiwasang mamangha sa kagwapuhan nya. Natamaan na yata ako ng lintik na pana ni kupido. Tapos sa kupal na to pa!

CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon