16:Safe

0 0 0
                                    

Allyson's Point of view

HABANG nasa daan kami papunta sa hide out ng Queens na narinig namin sa recorder na nakakonekta sa laptop ay magulo ang mga kasamahan ko.

Wala naman sinabi si Kim na hindi namin pwedeng pakinggan ang recorder kaya pinake-elaman na namin.

Ang iingay ng nasa likod namin . Mamayang may nagkikilitian,naghahampasan o kaya naman ay nagsisigawan.

"Lumipat ka na kasi!"

"I won't. Di ako sanay na hindi nasa dulo ang upo. Bahala ka diyan sa buhay mo,Cha."

"What the?! Babae ako. Maging gentleman ka naman at once!"

"Wala akong naririnig."

"Epal ka talagang kupal ka!"

"Nye nye"

"Kuya Flint,paabot ng clover."

"May kamay ka naman,Blue. Bakit hindi ikaw ang kumuha? Wag kang magulo,may kachat ako."

"Ede wag. Sungit."

"Kuya Haquil,ikaw na nga ang kumuha. Ang sungit ngayon ni kuya Flint."

"Uh,here."

"Oy enge!"

"Tumigil ka nga Harisson. Hayaan mo na kay Blue yung pagkain. Ang konti konti na nga non makikibawas ka pa."

"Bla,bla. Ede wag. Sayo yun diba?"

"Wala akong sinabi na sa akin yun!"

"Oh ede wala. Inis ka na niyan?"

"Aaaw,kanino yung libro na yun?"

"May libro? Hala?"

"Shh,nagbabasa si Raquil. Isaoli niyo yung libro na binalibag niya. Kaniya yun e."

"Ede siya nagbalibag sa akin, Flint?"

"Oo,Harisson. Daldal mo kasi gago ka"

At muli na naman silang lahat nagkagulo.

Buti nga at di pa din awkward ang atmosphere dahil sa mga aminan na nangyari kanina lang. Parang cool lang si Flint sa nangyari and I was thankful for it. I hope he understands us and the situation.

Si Blue na nagdodrawing sa ipod niya,si Raquil na nagbabasa sa libro niya at si Vanne na nagsasoundtrip lang ang tahimik,at ang lahat ay magulo na. Kami naman ni Kathelyn ay abala sa pagtingin sa red dot at sa nga kung ano pang bagay. Wala pang ginagawa ang Dean noong nagsumbong si Channel sa kaniya kanina. Ipinagtaka ko iyon ngunit hinayaan na lang.

Isa pa kasama nga pala namin ang anak ng may ari ng academy. Si Vanne na tahimik at masungit.

"Ang tagal naman natin. Wala na bang ibibilis itong sasakyan na to?"

Bihira na ngang magsalita si Vanne pero ganiyang mga salita naman ang maririnig mo sa kaniya,kung hindi inip ay galit o sungit naman. Napailing nalang ako. Once in a blue moon lang kung ngumiti o tumawa ang kumag na iyan. Hindi ko alam kung pinaglihi ba iyan sa ampalaya at ganiyan ang paguugali. Pero ganoon naman ang lahat ng tao,may mga flaws. Isa na ako doon. Kailangan lang natin na hintayin ang taong tatanggap sa kung ano talaga tayo.

CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon