10:Laro

0 0 0
                                    

NAGISING ako sa kaluskos na naririnig ko.

Napalingon naman ako sa paligid. Mga ibon lang pala akala ko kung ano na. Napatingin ako sa wrist watch ko at napamura nalang ako ng makita kong mag aalasais na ng gabi.

Patay,hinahanap na ako tiyak ng mga kadorm mates ko. Nagmamadaling bumaba ako sa malaking puno at naglakad na ng mabilis papunta ng dorm building.

Buti nalang at hindi pa ako naaabutan ng curfew pero natetempt din akong suwayin ang rule,maybe next time I'll sneak out from our dorm.

"Grabe,muntik ka ng mahuli kagabi n'ong nag curfew. Ano nakita mo?"

Napalingon ako sa dalawang babae na nagkokwentuhan sa may malapit sa akin. Nakuha nito ang atensyon ko ng may kinalaman iyon sa curfew .

"Ang mga supreme students na naglalakad,siguro dahil naghahanap ng mga estudyante na nasa labas pa din. Pero nakakatakot yung pabalik na ako,mga lalaking may mga deadly weapons na dala. Kinilabutan pa nga ako kasi may dugo."

"Hala,buti nalang nakabalik ka kagad sa dorm naku..."

Hindi ko na narinig pa ang ibang pinagkawentuhan nila. Anong meron sa curfew? Nakaka-excite naman.

Napansin ko din na bago sila tuluyang mawala sa pananaw ko ay lumingon sila sa akin. Nagtatakang nagtaas ako ng isang kilay. Mukha tuloy akong maldita sa ginawa ko. Dali dali naman silang nagiwas ng tingin.

"Bakit nasa labas ka pa?"

"Ay,tae!",lumingon ako sa nagsalita at gosh..si Vanne na naman?! Ano ba ang problema ng hudas na to? Parang kabote na bigla nalang susulpot.

"Anong problema mo?", Bored kong tanong sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin kaya naiilang ako. Kumunot ang noo ko ng tumaas ang kamay niya at lumapat sa buhok ko na parang may kinukuha.

"H-hoy,anong ginagawa mo?"nakikiramdam kong tanong sa kaniya. Ngumisi lang siya at ipinakita ang kinuha sa buhok ko. Gosh,may dahon?

"Galing ka sa garden,'no?" Natawa siya sa itsura ko na nakabusangot. The fuck? Ang sexy niya tuma— erase,erase. Anong kalokohan ang iniisip mo,Kim?

"O-oo. Bakit ba?!",kunyari na naaasar ako pero gosh. Matutunaw na ako sa titig niya sa akin. Enebe,fudge ang landi ko. I pout. Kinurot niya ang pisngi ko kaya lalo pa akong napasimangot.

"Ang cute mo.", nagulantang ako sa sinabi niya na nagpangisi sa kaniya. Gusto kong burahin ang ngisi niya,nangigigil ako. Grr.

"Crush mo na ako niyan?", Natatawa kong balik sa kaniya.

Tinampal ko ang kamay niyang kukururin dapat ang pisngi ko. Ang kulit niya ngayon. Nagiwas siya ng tingin,namumula mula ang tenga niya at nilagay nalang niya sa dalawang bulsa ng jeans na suot niya ang mga kamay niya at malakas na natawa ulit. Ang saya niya yata ngayon?

"Taas ng confidence mo sa sarili. Di kaya kita gusto. Ang pangit mo, diyan ka n-na nga.",at bigla siyang tumakbo paalis. Malakas akong natawa sa ginawa niya. Kakasabi niya lang sa akin na cute ako. Itatangi niya pa ah.

"Kunyari naniniwala ako!"sigaw ko pa sa kaniya.

Narinig ko nalang siya na nagmura ng malutong kaya mas tinawanan ko siya. Nangiinis lang ako. Ang cute niya mainis.

Pailing-iling nalang akong naglakad papunta sa dorm. Haynako. Madaming tanong na nga ang bubungad sa akin.

Nang malapit na ako sa pinto ay bigla iyong bumukas.

CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon