6: First day

2 1 0
                                    

THIS is the day.

Sarado na ang nagiisang daan palabas—ang napaka laking gate ng Academy.

Bukas na ang simula ng klase at linggo ngayon. Inaayos ko ang mga gamit ko na dadalhin ko bukas pagpasok sa classroom. Naayos ko na din pati ang school uniform ko na isang longsleeve white blouse, trhee inch above the knee skirt na kulay black lining by color white,white socks and black shoes and last is the black blazer na abot hanggang skirt ko. Meron ding ribon na black ang colar ng uniform ko.

Ganun din daw ang kulay ng get up ng mga lalaki ayon kay Channel. Ganon daw kasi ang color code ng mga alpha at kami lang daw ang white and black ang kasuotan. Ayon din sa kaniya ay kahit na alpha kami wala kaming sariling classroom kaya makakasalamuha namin ang iba't ibang level na mga estudyante.

Room 1-A bulding 1 daw kami at walang lipatan ng classroom bawat subject dahil ang mga prof daw ang lilipat.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa malambot kong kama ng may kumatok. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting ai Channel.

"Kakain na!Si Ally ang nagluto dahil siya lang naman ang may alam sa pagluluto and I bet hindi ka marunong magluto but don't worry Ally save us! Tara na,kagutom. Grabe,bukas na pala ang pasukan. Ano na kaya mangyayari? Grr,baka makasalubong ko pa sina Elliza. Nako,subukan lang nila ikaw guluhin isusumbong ko talaga sila kay Dean.",sunod sunod niyang sabi habang naglalakad kami patungo sa dining area. Nailing nalang ako ng nakangiti, hay..ang kulit ni Channel, para talaga siyang bata.

Kung iisipin ko,try ko kayang magkaroon ng kaibigan habang nagaaral ako dito? Kahit na sina Channel at Ally nalang? Hindi naman siguro sila mapapahamak dahil nandito naman ako.

"Uh,tungkol dun sa alok mo tungkol sa pagkakaibigan. Well, wala naman akong kakilala dito kundi kayo...kung gusto niyo lang naman", pasimple kong sabi at nagkibi balikat.

Tila naman nagningning ang mga mata ni Channel at pumalakpak samantalang ngumiti naman si Allyson.

"Oo naman,sis.",nakunot ang noo ko sa sinabi ni Allyson. Nawala ang ngiti niya na tila may nasabing mali at saka umiling at ngumiti ulit.

"Uh,sis..kasi tanggap na kita hin-hindi lang bilang kaibigan kundi ka-kapatid din. Oo,ganon na nga.", Ngayon ko lang nakitang nagalinlangan si Allyson sa sinasabi niya pero pinagsawalang bahala ko nalang at ngumiti sa unang pagkakataon na kasama ko sila.

"Yey! Bestfriends na tayo, ang saya saya ko! Yieeeh. May bago na akong Bestfriend,hindi nalang si Ally kundi pati si kim." , Niyakap niya ako at hinila na paupo sa silya namin. Nagahanda na din si Ally ng mga kakainin at umupo na siya sa harapan ko at nagsimula na kaming kumain.

It's been a long time since I had a friends, now, kakalimutan ko muna ang mga problema ko at hahayaan ko munang sirain ang kaisa isang rule ko sa sarili—ang makipag- kaibigan.

Hindi ko naman sila pababayaan. Hindi ko din hahayaang madamay sila sa mga problema ko.

NAGISING ako na magisa nalang sa dorm. Wala na ang dalawang kasama ko at alam kong late na din ako. Late na late.

Seven a.m ang unang subject ko pero mag eeight na akong nakalabas ng building ng dorm at kahit na late na ako ay hindi ako tumakbo tutal ay late na ako,mapapagalitan at mapapagalitan pa rin ako ng profesor ko sa unang subject ko.

Bakit ba kasi hindi ako ginising nung dalawa e.

Gosh,wala ng katao tao sa hallway. Ako nalang yata talaga ang late. Humanda talaga sa akin ang dalawang iyon. Naliligaw pa ako sa lugar dahil ang lawak talaga ng academy. Hindi naman ako pwedeng magtanong sa kahit sino dito dahil wala na akong makitang iba pang taong pakalat kalat. Ang malas.

CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon