7:Cowards

0 0 0
                                    

LUNCH break na kaya unahan na sa paglabas ang mga kaklase kong inaantok. Ang last subject kasi namin ay history kaya naman talagang nakakaantok pero dahil wala akong pakielam sa paligid ay natulog ako buong class hours at salamat naman at walang nanggulo sa akin.

Hindi na sana ako maglulunch pa at matutulog na lang sana pero hinila ako ni Channel at kinukumbinsi naman ako ni Allyson na sumabay ako sa kanilang maglunch. Ililibre na lang daw nila ako dahil sa pangiiwan nila sa akin kanina pero nagdahilan na din sila na pinatawag kasi sila ng Dean ng maaga kaya naman hindi na nila ako nagising. Sabi ko naman ay okay lang pero para daw sa kanila ay hindi okay iyon. Napailing nalang ako ng nakangiti at hinayaang hilahin ng dalawa.

Nagiging clingy na din at madaldal si Allyson lalo na kapag walang librong hawak,pero ganon daw talaga siya. Mahiyain na walang hiya.

Natawa ako doon pero ningitian nalang nila ako.

Pumwesto kami sa gitna kung saan ang mesa at upuan ay kulay itim at puti.

Channel said that the chair and table are exclusively for alpha's only. Nakaayon sa kulay ng kasuotan namin ang mga kulay ng uupuan kahit sa cafeteria.

Napailing nalang ako sa kaartihan ng academy'ng ito.

"Ako nalang ang oorder. Wait me here.", tinanungan namin ni Ally si Channel at bumalik na muli ang atensyon niya sa binabasa niya samantalang ako ay inilibot ang paningin ng mapansin kong papunta dito ang siansabi nilang 'Queens'.

Ano na naman ba ang problema ng mga ito sa akin?

Ang pinaka leader nila— si Elliza. Ang unang nakilala ko dito sa unang pagapak ko sa Academy'ng ito.

"Look who's here. The weakling who is now in an Alpha level. What a cheater,loser",inirapan niya ako at naghalukipkip at umapak ang paa sa table.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante na nandito sa cafeteria,may mga kumukuha ng video at may mga nagbubulungan kung gaano ako kahina.

"What do you want?" Tinatamad kong tanong sa kaniya at inilabas ang Cellphone ko na nasa bag ko. Nagmessage kasi ang mga kapatid ko sa Group chat namin.

KathrineTot:Mamsh.Magkikita kita na tayo I am so excited hihi

Susi:Anong black ang kulay green?

KathrineTot:Ahm,hihe,ano?

Susi:Ede blackbord Hahaha

KathrineTot:Hahaha isa pa ate keey!

Susi:wala na akong maisip na joke

Kathelyn:So noisy. Korni naman.

Susi:pake mo ba.Hmph,kill joy ka talaga Lyn.

Kitkat:
Anong magkikita @Kath
rintot?

Pupunta kayo sa acad?

KathrineTot:secret,bunso bye naaa

Kitkat:
@Susi?

Susi:hehe,secret,bye na din.

Kitkat:
@Kathelyn baka naman pwede mo akong sagutin?

Kathelyn:Sorry,di pwede,bye.

Argh. Ang gagara talaga ng mga baliw na yon. Ano na naman ba ang balak ng mga iyon?

CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon