Chapter 1

142 2 2
                                    

847 Community by Julius Bergado
Chapter 1

Matulin ang takbo ng SUV na kinasasakyan ng tatlong Journalists na sina Daniel, Miggy at Cristine. Silang tatlo ang natoka na pumunta sa lugar ng 847 Community. Kailangan nilang gumawa ng isang full length documentary para sa special tv show na ieere ng kanilang pinagsisilbihang network.
Wala silang ideya kung anong klaseng lugar ang pupuntahan nila. Basta ang sabi lamang sa kanila ng kanilang Program Manager, magandang lugar daw ang 847. Marami daw ibat ibang kwento ang makukuha nila mula sa mga residenteng naninirahan doon.
Mula sa Manila ay halos pitong oras nilang byinahe ang lugar na iyon. Dulong dulo na iyon ng Batangas.
"Malayo pa ba tayo?" usisa ni Cristine na nag iisang nakapwesto sa likurang parte ng SUV.
"Malayo pa po yata tayo, Mam Cristine." sagot ng may edad na driver na si Dado.
"Ihinto mo dyan sa may tindahan. Magtatanong tayo saglit. Baka kasi naliligaw na tayo." utos ni Daniel kay Mang Dado. Inihinto ni Mang Dado ang SUV sa tabi ng kalsada. Bumaba ang tatlong Journalists at pumunta sa maliit na tindahan na naroon lamang sa tabi ng Highway.
"Sigurado ba kayong pupunta kayo sa lugar na iyon?" nagtatakang tanong ng matandang babae na kinakausap nilang tatlo. Pinagmamasdan sila nito ng maigi. Tinitingnan sila nito mula ulo hanggang paa.
"Opo nanay. Mga Journalists po kami. Kailangan po naming sadyain ang lugar na iyon para ho sa gagawin naming Documentary. Mga ilang oras pa po ba ang ibabyahe namin para makarating doon?" sagot ni Miggy. Habang hawak hawak ang DSLR Camera.
Matagal bago sumagot ang matandang babae. Humugot muna ito ng malalim na buntong hininga.
"Mga kalahating oras na lang ang lalakbayin nyo. Pagkarating nyo sa tulay, nandoon na sa ibaba iyon. Sa kaliwa. Pero mga anak...sana ay wag na kayo tumuloy. Masyadong mapanganib ang lugar na iyon. Iba ang patakaran doon. Baka hindi ninyo kayanin." makahulugang sabi ng matandang babae.
Nagkatanginan ang tatlong Journalists. Pero si Cristine na ang nagsalita.
"Handa po kami Nanay kung ano man po ang maaari naming makaharap sa lugar na iyon. Parte po ito ng trabaho namin. Maraming po salamat, Nanay."
Umiling iling ang matandang babae. Pero muli itong nagsalita.
"Kayo ang bahala. Basta mag iingat kayo. Maging alerto kayo kapag naroon na kayo sa loob ng lugar na iyon. Delikado ang lugar na iyon."
Napangiti lang si Cristine. Pagkatapon non ay nagpaalam na ito sa matandang babae. Sumakay na muli silang tatlo sa SUV at nilisan na ang maliit na tindahan.

After more than 30 minutes.
Huminto ang SUV sa harap ng napakalaking gate. May isang malaking signboard ang nakapaskil doon. 847 Community.
Kakaiba ang pangalan ng lugar na iyon. Hindi tipikal na tawag sa mga lugar sa probinsya tulad ng pook o barrio.
"Mang Dado, balikan mo na lamang kami dito sa katapusan nitong buwan. Kailangan naming magtagal dito sa lugar na ito para magawa namin ng maganda ang documentary na kailangan naming gawin." sabi ni Daniel sa matandang lalaki habang katulong nito si Miggy sa pagbaba ng mga gamit nilang dala.
Bumaba na si Cristine. Isa isa nitong kinukunan ng larawan ang itsura ng lugar na iyon. Hindi naman nakakatakot. Pero ang tahimik. O baka dahil wala pa sila sa loob.
"O sge, Sir Daniel. Tawagan nyo na lamang po ako sa cellphone ko kapag magpapasundo na po kayo."
"Sige ho. Mag iingat po kayo sa byahe." sagot ni Daniel.
Muling sumakay sa SUV si Mang Dado at iniwanan na nito ang tatlong Journalist na nakatayo sa harapan ng malaking gate.

WELCOME TO 847 COMMUNITY
Ito ang nakalagay sa bungad ng gate.
Lumapit na sila roon. Hindi alam ni Cristine kung matatawa siya dahil may guard sa mismong gate ng lugar na iyon.
Nakipag usap sila. Nagpakilala. May tinawagan ang guard at ilang sandali pa ay pinapasok na sila nito sa loob.
Parang lugar lang sa Metro Manila ang 847. Matao. Maraming mga bahay. Maihahalintulad ito sa lugar ng Baseco Tondo.
"Para tayong nasa Manila. Kakaiba itong lugar na to ah. Interesting nga talagang puntahan at gawan ng documentary." sabi ni Miggy habang pinagmamasdan ang mga tao na nakakasalubong nila sa paglalakad.
Maya maya ay may papalapit sa kanila. Walong tanod. Pitong Kagawad at Punong Barangay.
"Kumusta kayo. Halika kayo tuloy kayo sa aking nasasakupan."

Naroon na sila sa loob ng Brgy Hall. Kinakausap sila ng Punong Barangay. Maraming mga tao ang nakikiusyoso sa labas ng bintana. Tinitingnan sila. Naiilang naman si Cristine. Si Miggy naman ay panay ang kuha ng mga litrato. Si Daniel ang nakikipag usap sa Punong Barangay.

"Malaya kayong gawin ang lahat ng gusto ninyo para sa inyong documentary. Kayong bahala kung sinu sino sa mga residente dito ang gusto ninyong interviewhin. Pero nais ko lamang ipaalam sa inyo na mayroong ilang patakaran dito sa 847. Kapag nandito na kayo, kailangan ay matapos ninyo ang paglalagi ninyo dito sa loob ng 30 days. Tumutunog ang ating megaphone para sa isang hudyat. Hudyat kung saan malaya ang mga residente na pumatay. Walang eksaktong oras kung anong oras o kelan tutunog ang megaphone. Tuwing umaga ay makakatanggap kayo ng puting sobre sa labas ng bahay ninyo. Doon nakasulat kung ano ang description ng taong papatayin ng bawat isa dito sa loob ng compound. Dalawang oras lamang ang pagkakataon ninyo para magawa ninyo ang patakaran na iyon. At kung di ninyo magawa iyon, malalagay sa panganib ang buhay ninyo."
Hindi makapagsalita sina Daniel, Miggy at Cristine. Nabigla sila. Nagtataka. Naguguluhan. Nagkatinginan sila sa isat isa.
"Ano pong sinasabi nyo? Hindi namin maintindihan." usisa ni Cristine.
"Malalaman nyo sa mga susunod na araw. Basta tatandaan nyo lamang, simula bukas kailangan maging alerto kayo, mag ingat, wag magtitiwala sa inyong mga nakakaharap. Mamamatay ang taong takot at hindi palaban."
Hindi na nakapagsalita ang tatlong Journalists. Para silang nanlamig. Hindi nila lubusang maintindihan kung anong meron sa lugar na iyon. Kinabahan na sila.

847 Community by Julius P. Bergado (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon