847 Community by Julius P. Bergado
Chapter 4
Nakatayong mag isa si Miggy sa gitna ng kalsada pagkatapos siyang iwanan ng mga opisyal ng 847 Community. Ang daming tumatakbo sa isip niya. Nasaan si Cristine? Kailangan niya ba talagang gawin ang sinasabi ni Mr. Magallanes na dapat niyang patayin ang kapwa niya Journalist na si Daniel? Paano kung hindi niya gagawin? Paano malalaman ng mga ito kung hindi niya ginawa ang nakasaad sa sobre?
Natigilan siya sa pag iisip nang makita niyang hila hila ng mga opisyales ang isang lalaki na nagmamakaawang umiiyak sa harapan ng mga ito.
"Parang awa nyo na, Punong Barangay. Wag nyo akong paslangin. Hindi ko kayang patayin ang asawa ko! Bakit iyon ang nakalagay sa sobreng natanggap ko? Hindi ko kaya! Maawa na kayo!"
Malinaw niyang naririnig ang mga sinasabi ng lalaki.
Hindi sumasagot ang mga opisyal. Inilabas ni Mr. Magallanes ang baril nito at itinutok sa ulo ng lalaki. Ilang saglit pa ay umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na putok ng baril. Bumulagta sa gitna ng kalye ang duguang lalaki. Patay.
Tumatakbo mula sa kung saan ang isang babae. Ang asawa ng lalaking pinatay ng mga opisyal. Niyakap nito ang bangkay ng asawa. Humahagulgol.
"Bakit nyo pinatay ang asawa ko?? Manuel!!!"
Parang binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan si Miggy. Sumakit ang ulo niya sa senaryong harap harapan niyang nakita kung paano bumulagta ang lalaki.
Tumingin sa kanya ang Punong Barangay. Tila kinakausap siya nito sa pamamagitan ng mata. Muling nag sync in sa isip niya ang mga sinabi nito.
"Mauubos na ang oras mo, kung gusto mong mabuhay. Kailangan mong patayin ang kasama mo."
Dahan dahan siyang umatras. Hindi niya na alam ang gagawin niya. Naguguluhan na siya. Para bang bine brainwash ang utak niya na kahit ayaw niyang gawin ang bagay na iyon against kay Daniel ay hindi mapigilan. Tila may nag uudyok sa kanya na patayin niya si Daniel. Tumingin siya sa kanyang pang brasong relo. 30 minutes to go, magtatatlong oras na mula nang tumunog ang sirena.
Tiningnan niya ng matalim ang Punong Barangay. Taas noo. Saka mabilis na umalis. Bahala na. Hahanapin niya si Daniel."Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?" mataray na tanong ng babae kay Daniel. Nakatayo si Daniel sa pintuan ng bahay ng babaeng tinutukoy sa sobreng nakuha niya. Hindi umiimik si Daniel. Dahan dahan itong pumasok sa loob ng bahay. Naabutan nito na sinasaktan ng babae ang dalawang anak nito na mga nasa edad lima at anim.
"Papatayin mo ba ako?!" nagagalit na tanong uli ng babae. Hindi muling umimik si Daniel. Hindi nito alam kung tama ba talaga yung gagawin niya. Kahit kailan ay hindi pa niya nagagawang pumatay ng tao sa tanang buhay niya.
Mabilis na lumapit si Daniel sa babae at hinawakan ito sa mga braso. Mahigpit.
"Hayup ka!" iyon ang tanging salita na lumabas sa bibig ni Daniel. Pagkatapos ay hinawakan sa leeg ang babae. Sinandal sa dingding ng bahay.
"Ahhh!" pilit na sumisigaw ang babae at lumalaban kay Daniel. Parang wala sa sarili si Daniel habang sinasakal ang babae. Sa takot ng mga bata habang pinapanood ang nangyayari ay nagsitakbuhan ang mga ito palabas ng bahay."Kuya! Kuya, tulungan mo po kami yung mama po namin sinasakal po nung lalaki!" umiiyak na sabi ng bunsong anak kay Miggy. Nakasalubong ni Miggy ang dalawang bata na nanggaling sa loob ng isang kahoy na bahay. Naririnig niya mula sa labas ang boses ng nanay sa loob ng bahay. Nagkakagulo sa loob ng bahay.
Sa isip ni Miggy, kailangan niyang iligtas ang nanay ng mga batang kaharap niya. Pero kailangan niyang hanapin si Daniel.
Kailangan niyang patayin si Daniel. Nadedemonyo na siya.
Mabilis niyang pinuntahan ang bahay na tinutukoy ng dalawang bata. Pagkapasok niya ang nadatnan niyang sinasakal ng lalaking nakatalikod ang nanay ng mga bata. Hindi niya agad napansin na si Daniel iyon. Kinuha niya ang isang kahoy na nakalagay sa ilalim ng lamesa at ipinalo iyon sa likod ng lalaki.
Bumagsak ang lalaki sa sahig. Dun lang nakita ni Miggy na si Daniel pala ang lalaking sumasakal sa babae. Ubo ng ubo ang babae habang sapo ng mga kamay ang leeg.
Duon lang natauhan si Miggy nang makita niyang bumabangon si Daniel at hinila nito ang isang paa babae.
Walang kamalay malay si Miggy na ang nakalagay sa sobre na natanggap ng babae ay ang nagdedescribe sa kanya. Ang babae naman ang papatay sa kanya!
Nagkakagulo na sa loob ng bahay. Magkakapatayan na!
Pinagtatadyakan ng babae si Daniel. Nakawala ito. Mabilis nitong hinanap sa loob ng bahay ang sobre. At nang makita ay muli iyon binasa. Pagkatapos ay tumingin ito kay Miggy. Mabilis nitong binuhat ang kabayo ng plantsa at ibinigwas iyon kay Miggy. Bumaligtas sa sahig si Miggy. Nawalan ng malay.
Tumakbo naman palabas ng bahay ang babae pero mabilis itong napigilan ni Daniel.
Nasa pintuan na sila. Dahan dahang gumigising at bumabangon si Miggy. Nakikita niya na muling sinasakal ni Daniel ang babae. Bumangon siya.
Hindi niya na alam kung nasa sariling pag iisip pa siya pero para talagang may nag uudyok sa kanya na patayin si Daniel.
Hahampasin niya na sana si Daniel ng kahoy nang biglang tumunog ang sirena hudyat iyon na tapos na oras ng patayan.
Kumaripas ng takbo ang babae palabas ng bahay.
Nakatingin lang si Miggy kay Daniel. Tulala si Daniel. Hindi nito lubos maisip na muntik na siyang pumatay.
"Daniel..." sambit ni Miggy.
Humarap kay Miggy si Daniel. Questionable ang tingin nito.
"Papatayin mo ko?" tanong ni Daniel kay Miggy.
Hindi nakapagsalita si Miggy. Napaupo na lang ito sa silya at humawak sa ulo.
"Daniel, sorry hindi ko gusto ang nangyayari! Shit! Anong nangyayari satin?" napahagulgol na si Miggy.
Nakatayo lang si Daniel.
Kasunod nun ay umalingawngaw sa labas ang malakas na putok ng baril.
Sabay na napalingon sina Miggy at Daniel. Pagsilip nila sa labas ay duguang nakabulagta sa kalye ang babaeng nakatira sa bahay na iyon. Kitang kita nilang nagtakbuhan ang mga anak nito. Yakap yakap ng mga bata ang kanilang ina na wala ng buhay. Hindi napatay ni Daniel ang babae. Kung kaya namatay ito. Pinatay ito.
Muling nagtinginan sa isat isa sina Daniel at Miggy. Kasunod nun ay may umalingawngaw muli na putok ng baril. Dalawang putok. Parehong bumulagta sa sahig ng bahay sina Daniel at Miggy.
BINABASA MO ANG
847 Community by Julius P. Bergado (Completed)
Mystery / ThrillerSuspense - Action Thriller