Chapter 10

136 1 0
                                    

847 Community by Julius P. Bergado
Episode 10

Quarter to 10 na ng gabi. Gising na gising pa din sina Hamid, Jake at Daniel. Naroon pa din sila sa loob ng bahay ng dalawang batang namatay. Nakikiramdam sila sa buong paligid. Pero sobrang tahimik na. Hindi na nga siguro tutunog pang muli ang sirena ng 847.
"Lalabas na ako," biglang sabi ni Hamid.
"Maaga pa Hamid, baka may makakita sayo dyan sa labas. Baka mapahamak ka!" sambit ni Jeck.
"Hindi ko na mahintay ang alas dose ng gabi. Kailangan nating kumilos agad. Tumatakbo ang araw. Hindi natin alam kung anong mga susunod na mangyayari kapag umabot na ang sinasabi nilang isang buwan dito sa loob ng lugar na ito. Ang dami ng namatay." nagngingitngit na sagot ni Hamid. Nanggigigil na ito. Gustong gusto nang lumabas.
"Sige, Pare ikaw bahala. Pero mag iingat ka." sabat ni Daniel.
Tumango si Hamid. Nagpaalam na siya sa mga kaibigan. Lalabas na siya ng bahay at pupunta na sya sa tinutuluyan nila. Dalawang kanto ang layo nun mula sa bahay na kinaroroonan nila. Kailangan niyang mag ingat.

Sumilip muna sa pintuan si Hamid at tiningnan ang paligid. Wala ngang katao tao sa kalsada. Tuluyan na siyang lumabas.
Maingat siyang naglakakad. Sa gilid lamang siya ng kalsada dumaan para walang makakapansin sa kanya. Akala moy ghost town ang 847 nang oras na iyon. Nakakabingi ang katahimikan. Akala moy walang mga taong nakatira roon.
Ang mga poste ng ilaw hindi gaanong maliwanag, pabor iyon sa kanya para di sya mapansin ng kung sino mang maaaring makakita sa kanya.
Binilisan niya na ang paglalakad. Nasa bulsa niya ang kutsilyo. Naka ready sya. Kahit mabilis siya sa kanyang paglalakad. Nakapasok ang isang kamay niya sa kanyang bulsa para madali niyang mahuhugot ang kutsilyo sakaling may biglang sumugod sa kanya. Nasa bangin ng kamatay ang kalahating parte ng kanyang buhay. Anytime pwede siyang mamatay sa gabing iyon. Pero hindi sya papayag na mamamatay sya. Kailangan niyang magawa ang mission niya.

Malapit na siya sa unang kanto nang mapansin niyang may mga liwanag ng flashlight na gumuguhit malapit sa daraanan niya. May mga paparating. Dali dali siyang kumilos. Humanap siya agad ng mapagkukublihan niya. Nakakita siya ng isang drum na naroon sa tabi ng kalye. Nagtago siya roon. Hindi niya alam na basurahan pala iyon. Pero wala na siyang pakealam sa amoy ng basurahan. Kailangan niyang magtago!

Huminto malapit sa kinatataguan niya ang sampung tanod at dalawang Kagawad na may mga dalang flashlight.
Nag uusap ang mga iyon.
"Dumadami na ang mga namamatay dahil sa virus. Mas marami ang bilang ng mga namatay dahil sa virus kesa sa patayan na nangyayari dito sa 847." wika ng isang lalaki. Tanod iyon.
Mariing nakikinig si Hamid. Virus? Anong virus ang tinutukoy ng taong nagsasalita? Sa isip isip iyon ni Hamid. Muling siyang nakinig.
"Pick upin nyo na sa mga bahay bahay ang mga bangkay. Sunugin lahat doon sa dati pa ding bakanteng lote. Hindi na natin makokontrol ang pagkalat ng virus dahil matitigas ang ulo ng mga tao dito. Ngayon, dahil sa katigasan ng ulo nila nagbaba tuloy ng batas sa lugar na to ang may ari ng lupa dito. Hindi naman pwedeng palayain na lang ang lahat ng nandito dahil di natin alam kung sino sa kanila ang carrier ng virus. Ayan, dahil mga pasaway at matitigas ang ulo nila, magpatayan na lang sila kung gusto nilang makalabas. Patayin nila ang mga dapat nilang patayin. Malapit ng mag isang buwan. Malapit nang sumapit ang kinatatakutan nating lahat. Ang petsa atrenta."

Hindi makapaniwala si Hamid sa kanyang nga narinig. Medyo naguguluhan sya. May virus palang kumakalat sa loob ng 847? Bakit hindi iyon sinabi sa kanila ng Punong Barangay nung araw na pumasok sila sa lugar na iyon?
Ibig sabihin, after 30 days may mangyayari pa palang mas delikado sa loob ng comnunity. Ano iyon? Ano yung tinutukoy na petsa atrenta na tila nakakatakot?

Nakita ni Hamid na may mga bitbit ng mga bangkay ang mga tanod.  Nakabalot ang mga iyon sa trash bag. Isinasakay na ang mga iyon sa malaking truck. Papunta ang truck sa malaking bakanteng lote na matatagpuan din sa loob mismo ng 847. Sumakay na ang mga tanod sa track.
Mabilis na lumabas si Hamid. Dinukot nya sa kanyang bulsa ang panyo niya. Hinati nya iyon sa dalawa at ibinalot sa kanat kaliwang braso niya.  Kailangan niyang mapuntahan ang bakanteng lote na tinutukoy ng mga taong iyon! Dali dali siyang sumabit sa ilalim ng trac. Buong tapang siyang kumapit sa bakal nun sa ilalim. Naramdaman niyang umaandar na iyon.

847 Community by Julius P. Bergado (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon