Chapter 5

144 1 0
                                    

847 Community
By Julius P. Bergado

Chapter 5

Dalawang putok ng baril ang magkasunod na umalingawngaw sa buong paligid. Bumulagta pareho sa sahig ng bahay sina Miggy at Daniel. Wala silang malay. Hindi natin alam kung buhay pa ba sila o patay na.

"Pakawalan nyo ko! Pakawalan nyo ko!"
Nagwawala at pilit na kumakawala mula sa pagkakatali sa lubid si Cristine. Nakaupo siya sa silya. Nakalagay ang kanyang mga braso sa likuran niya.
Nang mga oras na iyon ay nanghihina na siya. Dalawang araw na siyang ganon. Nasa loob siya ng isang malaking bodega na pag mamay ari ng Punong Barangay na si Magallanes.
Nasa harapan niya nang mga oras na iyon ang mga opisyal.
"Kahit pakawalan ka namin, hindi muna din makikita ang mga kasamahan mo. Patay na sila." sabi ni Magallanes.
Nakatingin lamang sa kanya ang mga kagawad nito.
"Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ninyo! Hindi sila pwedeng mamatay!" naiiyak na sagot ni Cristine.
Tumawa na parang demonyo si Magallanes. Saka lumapit kay Cristine. Itinutok nito ang baril sa muka ng Journalist.
"Ito, itong baril na ito ang pumatay sa mga kasamahan mo. At kung hindi ka tatahimik diyan sa kinauupuan mo, papatayin ka din ng baril na ito."
Hindi nagsalita si Cristine. Napapapikit na lang siya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Sa isip isip niya: "Miggy, Daniel, hindi kayo maaaring mamatay. Iligtas nyo ako. Kung nasan kayo sana buhay pa kayo ngayon." habang nagsasalita siya sa kanyang isip ay kusang umaagos sa mga mata niya ang luha. Naiiyak na siya. Hindi niya na alam ang gagawin niya. Patay na ba sina Miggy at Daniel? Kung patay na ang dalawang journalist paano na siya?
Sino ang magliligtas sa kanya?

Biglang nagring ang cellphone ni Magallanes na nasa bulsa ng suot nitong pantalon. Tinalikuran siya nito. Kakausapin nito ang tumatawag sa cellphone nito.
"Sige, papasukin mo sila." iyon lang ang tanging narinig ni Cristine buhat kay Magallanes. May mga bagong bisita ang 847 Community. Sino sila?

"Welcome to 847 Community.Nawa ay masiyahan kayo sa aking lugar." nakangiting sabi ni Magallanes sa apat na taong dumating sa lugar na iyon. Sila ay sina Jeck, Alexandria, Hamid at Sanya.
Ang mga ito ay mga secret agent pero hindi nila ipinaalam kay Magallanes kung ano sila kundi sinabi nila sa Punong Barangay
na mga Journalists sila.
Pagkatapos ng ilang oras na pakikipag usap kay Magallanes ay nagpunta na sila sa bahay na ibinigay nito sa kanila.

"Mga brad, kelangan nating mag ingat sa bawat galaw natin. Hindi dapat tayo mabuko ng mga opisyal dito na mga secret agent tayo at kinontak tayo ni Cristine. Kailangan nating iligtas si Cristine pati ang mga kasamahan niya." wika ni Hamid. Habang nasa loob na sila ng bahay at nag aayos ng kanilang mga gamit.

*** Tahimik na ang gabi. Di makatulog si Cristine sa kamang kinahihigaan niya kung kaya bumalikwas siya ng bangon.
Mabilis niyang inilabas ang dslr camera niya at kanyang cellphone. Lalabas siya ng bahay. Kailangan niyang kumuha ng footage para sa documentary na ipapalabas nila sa kanilang TV Network. Bago siyang lumabas ng bahay ay hinanap niya sa contacts niya ang pangalan ni Hamid Topacio. Ang kaibigan niyang Secret Agent na nagtatrabaho sa Camp Crame. Si Hamid Topacio ang isa sa mga pinakamahusay na Secret Agent ng Crame. Marami na itong naayos na kaso. Kung kaya humingi na siya ng tulong dito para iligtas sila ng mga kasamahan niya sa loob ng 847 Community. Pagktapos niyang itext si si Hamid ay saka na siya lumabas ng bahay at naglakad na sa kalye na maingat na maingat. ***

"Paano natin malalaman kung nasaan sila ngayon?" tanong ni Alexxandria kay Hamid.
Hindi agad sumagot si Hamid. Pinagmamasdan lamang nito ang mga kasamahan at tila nag iisip ito ng malalim.
"Ganito ang gagawin natin...kailangan natin mag isip ng mga strategy kung paano tayo gagalaw ng hindi tayo mahahalata ng mga opisyal. Sila ang kalaban natin. Yung sobre na sinasabi ng Magallanes kanina ay wag na wag nyong paniniwalaan. Hindi iyon totoo. Ginagawa niya iyon para udyukin lamang ang tao na pumatay. Para baliwin ang mga tao. At yung sinasabi niyang kapag hindi nagawa ang nakasulat sa sobre ay iyon mismo ang mamamatay, maaaring papatayin niya ang tao at ipapakita niya sa mga tao dito kung anong pwedeng mangyari sa taong hindi nagawa ang task niya. Naniniwala ako mga brad na may sabwatan na nagagaganap dito sa loob ng 847 Community. May conspiracy na bumabalot dito sa lugar na ito. At iyon ang dapat nating tuklasin at kung sino ang pinaka pinuno ng mga opisyal dito. Hindi ako kumbinsido na si Magallanes ang may utak nito. Meron pang ibang tao ang siyang mismo ang kumokontrol sa mga opisyal dito. Kaya aalamin natin. Kailangan nating mag ingat. Maging alerto sa lahat ng oras."
Wika ni Hamid.
Sunod sunod na tumango sina Alexxandria, Jeck at Sanya.
Kitang kita sa mga mata ng apat na secret agent ang determinasyon na iligtas ang mga kaibigan lalo na si Cristine.

Isang mahusay na stratergy ang gagawin nilang apat. Strategy na bubulabog sa buong komunidad at wawasak sa kademonyohan ng mga opisyal ng 847. Wawakasan na nila ang mala impyernong pamamalakad ng taong nagtatago sa likod ng mga opisyal.

847 Community by Julius P. Bergado (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon