Chapter 7

151 1 0
                                    

Update:
847 Community by JPB

Chapter 7

Iniikot nina Hamid ang buong komunidad. Di sila makapaniwala na nasa probinsya sila dahil para silang nasa isang parte ng Metro Manila. Habang naglalakad sila napapansin nila na pinagtitinginan sila ng mga taong nakatambay sa tabi ng kalsada. Ang iba'y nagbubulungan. Hindi sila kumikibo dire diretso lang sila sa paglalakad. Maya maya ay nakita nila ang isang KTV Bar. Maingay sa loob nito. Matao. Pumasok sila.
May pitong lamesa na naroon. Sa pitong lamesa na iyon lima ang may mga kostumer na nakaupo. May kumakanta sa videoke.
"Anong gagawin natin dito, Hamid?" Usisa ni Alexxandria kay Hamid. Tinitingnan nito ang buong paligid. Lasing na ang ilan sa mga kalalakihan na naroon. Hindi umimik si Hamid. Ginala lang nito ang paningin sa loob ng ktv bar. Saka tinawag ang waitress na nagsisilbi roon. Umorder ito ng alak. Niyayang umupo ang mga kasama.
"Makinig kayo sakin," pabulong na sabi ni Hamid sa mga kasama. "Kailangan nating mahanap si Cristine. Kaya tayo pumasok dito baka sakaling dito natin siya mahanap. O baka may mga tao dito na makakapagturo sa atin kung nasaan siya."
Ginala muli ni Hamid ang paningin sa buong paligid. Mga lasing na ang mga nag iinom. May nabasag ng bote ng red horse sa isang lamesa. Deadma lang sila pero nakikiramdam. Kailangan nilang maging alerto dahil baka biglang tumunog ng sirena ng Barangay.
"Hamid, paano yung sobreng hawak natin susundin ba natin ang nakalagay roon?" tanong ni Sanya.
Nagulat si Sanya ng biglang may humawak sa balikat niya. Sabay sabay silang napalingon. Isang lasing ng lalaki ang lumapit sa kanila. Type yata si Sanya.
"Sino ka? Wag mo ngang hawakan yung balikat ko." mataray na utos ni Sanya. Nagmamasid lang sina Hamid at Jeck pero naka ready ang mga ito para sa kung ano man ang gagawin ng lalaki kay Sanya. Kung babastusin ito ay babanatan ito ng dalawa.
"Makikipagkilala lang naman, Hihi." parang tangang sabi ng lalaki kay Sanya. Inilahad nito ang kanang kamay para makipaf shakehands. Hindi agad iyon tinanggap ni Sanya. Tumingin muna ito kina Hamid. Hindi umimik si Hamid. Tumango lang ito na tila sinasabi sige kamayan mo na.
Tinanggap ni Sanya ang kamay ng lalaki at nakipag shakehands. Laking gulat na lang ni Sanya nang bigla siyang yakapin ng lalaki. Doon na siya pumalag. Bigla niyang sinampal ng lalaki. Nagalit ito. Sasampalin sana nito si Sanya pero mabilis na napigilan ito ni Hamid. Binigwasan ito ni Hamid. Tumalsik ang lalaki sa kabilang lamesa. Natabig nito ang mga bote na naroon kung kaya nagtalsikan sa sahig at nagkabasag basag. Nagtayuan ang mga kalalakihan na naroon. Nagsimula ang gulo.
Mabilis na hinila nina Hamid at Jeck sina Sanya at Alexxandria para iiwas sa gulo. Lumusob kina Jeck ang grupo ng lalaking binigwasan ni Hamid. Nagkakagulo na. Hampasan ng bote. Suntukan. Balibagan ng upuan. Tumakbo sina Sanya at Alexxandria palabas ng ktv bar. Pero hinarang ito ng tatlong lalaki. Doon na nanlaban ang dalawang dalaga na may mga alam sa Martial Arts. Pinagtatadyakan ng dalawa ang mga lalaki. Talsik ang mga ito sa pintuan ng ktv bar.
"Sanya, Alex lumabas na kayo!" sigaw ni Hamid sa dalawang dalaga. Nakikipagbunuan ito sa mga kalalakihan. Ganoon din si Jeck. Nang magkaroon sila ng pagkakataon para makalabas ng ktv bar ay agad silang tumakbo palabas. Hinabol sila ng mga kalalakihan. Nagliliparan ang mga bote sa gitna ng kalye. Nagsitakbuhan ang mga taong naroon sa tabi ng kalsada.

"Jeck, nasaan sina Sanya?!" tanong ni Hamid. Wala doon sa kalsada ang dalawang dalaga. Di nila alam kung saan tumakbo ang mga iyon. Hinahanap nila sa buong paligid ang mga iyon pero di nila makita.
Napansin ni Hamid na palapit na sa kanila ang mga lalaki. Hinarap nila ni Jeck ang mga iyon. Suntukan sa kalye ang nagaganap. Hampasan ng mga bagay na nadadampot nila, bigwasan, balibagan. Rambulan!
Biglang tumunog ang sirena ng Barangay. Hudyat na naman na malaya na naman ang patayan sa buong komunidad.
Bigla silang iniwan ng mga lalaki sa gitna ng kalsada. Nagulat na lamang sila nang magsaksakan ang mga iyon. Sila sila na ang naglalaban. Patayan!
"Shit!" nasambit na lamang ni Jeck. Di siya makapaniwala na ang mga kasuntukan nila kanina ay ito ito din ang magpapatayan.
"Hamid...bakit ganito? Di ko ma gets bakit ganito!" naguguluhan na sabi ni Jeck. Dinukot nito ang sobre na nasa bulsa. Muling binuksan at binasa. "Isang babae ang papatay sayo. Unahan mo na siya bago ka niya maunahan. Wag kang magtitiwala sa kanya." iyon ang nakalagay sa sobreng nakuha niya.
Di alam ni Jeck kung sino sa mga babae ang tinutukoy ng sobre. Maaaring si Sanya. Maaari ding si Alexxandria. Maaari din namang isa sa mga babae sa komunidad na iyon ang tinutukoy sa sobre. Sino? Sino ang posibleng papatay kay Jeck?
Nagkalat ang mga dugo sa kalye. Tatlong lalaki ang nakabulagta. Patay na ang mga ito.
Natulala lang sina Hamid at Jeck sa nasaksihan. Anong klaseng lugar ang napasok nila? Bakit ganoon ang mga nangyayari sa loob ng Community na iyon? Bakit nagpapatayan ang mga tao? Sino ang may pasimuno? Ano ang dahilan ng taong iyon para ipag utos sa ganong patakaran sa loob ng community. Sino ang Mastermind sa likod ng Punong Barangay?
Ang daming tanong na naglalaro sa isip nila Jeck at Hamid.
Saan na napunta sina Sanya at Alexxandria?
Ano na ang susunod na gagawin ni Daniel pagkatapos niyang malaman na patay na si Miggy?
Nasaan na si Cristine? Pinatay na ba si Cristine?
Sino si Margaret bilang bagong karakter?

Hindi alam nila Hamid at Jeck kung saan hahanapin sina Sanya at Alexxandria. Hindi pa natatapos ang tatlong oras na time period para sa patakaran ng Community. Nagkakagulo pa din ang lahat. May mga nagsisigawan. Nagtatakbuhan. Ang bawat isa ay inililigtas ang mga sarili nila. Nagkalat na sa kalye ang mga bangkay ng mga napatay.
"Hamid, ano ng sunod nating gagawin? Nagpapatayan na ang mga tao. Paano tayo?" naguguluhan at nag aalalang tanong ni Jeck.
"Wala tayong choice, Jeck. Kung anong nasa laman ng sobre mo gawin mo na lang. Kailangan ding maging wais tayo dahil baka tayo mapaslang kapag hindi tayo lumaban."
Hindi nakaimik si Jeck. Paano niya malalaman kung sinong papatayin niya? Ang nakalagay sa sobre ay may babaeng tatraydor sa kanya. Sino sa mga babae sa loob ng community ang tinutukoy ng sobre?

"Pakawalan nyo kami dito!!"
Sigaw ni Sanya habang kapwa nakatali sila ni Alexxandria sa isang lamesa. Nasa loob sila ng isang bahay katayan.

* Habang tumatakbo sina Sanya at Alexxandria ay mabilis na sumulpot sa kanilang likuran ang limang kalalakihan. Pagkatapos ay nilagyan sila ng sako sa ulo at pilit binitbit para dalhin sa bahay katayan. *

Sa loob ng bahay katayan.
Pumasok sa kwarto na kinaroroonan nila ang isang magandang babae na nakasuot ng pulang damit. Naka hood ito at di nila gaanong nakikita ang itsura. Matangkad ito. Balingkinitan ang katawan.
Lumapit iyon sa kanila. Kasunod nito ang limang lalaki na dumukot sa kanila.
"Kayo ang mga pakialamerong nag lakas loob pumasok sa aming komunidad, di ba? Tama ba ako? Bakit nyo naisipang pasukin ang lugar na ito? Hindi ba kayo natakot na maaaring hindi na kayo makalabas?" tanong ng magandang babae.
"Sino ka? Ipakita mo 'yang mukha mo sa amin kung matapang ka! Mga hayup kayo! Dinedemonyo ninyo ang mga tao dito sa community na to! Anong gusto ninyong mangyari?! Bakit nyo ito ginagawa?!" galit na galit na tanong ni Sanya. Tagaktak na ang pawis nito sa mukha dahil sa sobrang init sa loob ng bahay katayan.
Tumawa ang magandang babae.
"Gusto nyo bang malaman ang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa lugar na ito?"
Mas lalo pang lumapit ang magandang babae kay Sanya.
"Infected ng nakamamatay na virus ang lugar na ito. Hindi nyo ba napansin na isolated tingnan ang lugar? Over population ang community na ito. Ang lugar na ito ay pag aari ng pinakasikat at pinakamayamang negosyante na si Mr. Lucio Sy, ang may ari ng sikat na TV Network ngayon. Nakiusap sa kanya ang Gobyerno na dito na ilipat ang informal settlers na naninirahan sa Manila. Tinanggap iyon ni Mr. Sy pero hindi niya alam na may isang pamilya pala ang may virus na dinadala kung kaya nagkahawa hawa na ang mga tao. Ang virus na tinutukoy ko ay isang virus na nakamamatay. Nakukuha ito sa mga gamit na nahahawakan ng tao dito sa loob ng community."
Hindi nakaimik sina Sanya. Tahimik silang nakikinig.
"Nagmamakaawa na ang mga tao dito na makalabas na sila sa community na ito. Pero mga matitigas ang ulo. Hindi sila sumusunod sa mga protocol at mga pagbabawal ng pinuno sa lugar na ito. Hanggang sa nagbaba ng batas si Mr. Sy kay Mr. Magallanes. Ipinatawag nila ang lahat ng naninirahan dito na kung hindi sila susunod sa ipinagbabawal na lumabas ng mga tahanan sa loob ng isang buwan, ipapatupad nila ang batas kung saan lahat ng tao ay malayang gawin ang gusto nila. Pero may batas na kailangang sundin. Ito ay ang pagtunog ng sirena na maghuhudyat na patayin ang dapat nilang patayin. Ang lahat ng susunod ay makakalabas sa lugar na ito pagkatapos ng isang buwan."
Iyon pala. Unti unti ng nalilinawan sina Sanya. Alam na nila ngayon ang dahilan. Kaya pala nauudyok ang mga tao na magpatayan dahil ang kapalit nun ay ang kalayaan nila sa mala impyernong lugar na iyon. Magpapatayan nga talaga ang mga tao para makaalis na sila sa lugar na iyon. Kaya pala!

847 Community by Julius P. Bergado (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon