847 Community by Julius P. Bergado
Episode 11Nakasabit sa ilalim ng truck si Hamid habang umaandar iyon. Mga 20 minutes ang lumipas nang marating nila ang bakanteng lote. Walang kamalay malay ang mga tanod at ilang opisyal na naroon siya sa ilalim. Huminto na ang track. Dahan dahan siyang bumitaw mula sa pagkakakapit sa bakal. Nandun lang siya. Hindi siya gumagalaw. Pinapakiramdaman niya ang paligid. Naririnig niya ang mga boses ng mga taong iyon. Nakikita niyang isa isa nang hinahagis sa semento ang mga bangkay na nakabalot sa trash bag. Gabundok na ang mga iyon. Kinikilabutan sya sa nakikita niya. Ganon na karami ang mga patay sa lugar na iyon, sa araw lang na iyon!
Nang maramdaman ni Hamid na busy sa pag aasikaso ang lahat, mabilis siyang gumapang palabas sa ilalim ng truck. Dali dali siyang nagtago sa puno ng akasya na naroon. Sumandal sya. Nagkubli pero pasimpleng siyang nagmamasid.
Nakikita niyang hinuhulog sa malawak na bakanteng lote na may malalim na hukay ang mga bangkay. Shit! Susunugin ang mga iyon. Hindi kaya mas magiging delikado sa mga tao ang ginagawa ng mga taong ito dahil maaaring sumama sa hangin ang virus?
Hindi niya magawang lumabas. Patatapusin nya muna ang mga taong iyon sa kanilang ginagawa. Pasimple siyang lumapit sa likod ng isang tanod na malapit sa kinaroroonan niya. Hinila niya iyon, brinaso sa leeg at sinaksak sa dibdib. Mabilis na kinuha niya ang baril nito na nakasukbit sa bewang nito. Dumapa sya at nagkubli muli. Nakikita njyang nagbubuhos na ng gas ang mga tanod doon sa malalim na hukay sa bakanteng lote. Doon nya nang hindi napigilang lumabas mula sa pinagkukublihan. Nagulat ang mga taong iyon. Huminto sila sa ginagawa.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong agad ng isang Kagawad.
Mabilis niyang nilabas ang baril at itinutok iyon sa mga iyon. Tang ina, patayan na kung patayan! Lakas loob na siya!
"Bakit nyo ginagawa ito sa mga bangkay ng mga tao dito? Narinig ko ang mga pinag uusapan nyo kanina, ano yung virus na sinasabi nyo? Police agent ako sumagot kayo!" matapang na matapang na sabi ni Hamid sa mga iyon.
Papapaputukan na sana siya ng mga tanod pero biglang may nagsalita sa di kalayuan. Ang babaeng naka hood.
"Wag nyo siyang babarilin!" utos ng babae. Hindi nakikita ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng hood. Para itong si red riding hood sa suot nito, itim nga lang ang kulay. May mga kasama itong mga kalalakihan na armado ng baril.
Tang ina, lakas maka Cardo Dalisay ni Hamid sa mga oras na iyon. Ang lakas ng loob niyang harapin ang mga taong iyon.
"Sasagutin ko yang tanong mo, Mr. Hamid." sabi ng babaeng naka hood. Natigilan si Hamid sa kinatatayuan niya. Iniisip niyang parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon.
"Cristine?" usal niya.
"Ako nga, Hamid." pagkatapos ay ibinaba nito ang hood at nakita na kay Hamid ang itsura nito. Si Cristine nga. Ang babaeng ililigtas niya. Di siya makapaniwala! Pero bakit ganoon ang suot ni Cristine? Bakit kasama nito ang mga masasamang tao sa lugar ng 847?
"Bakit kasama mo sila? Ano to, Cristine anong ibig sabihin nito?"
Lumapit si Cristine kay Hamid. Isang dipa ang pagitan nila sa isat isa. Tinititigan siya ni Cristine.
"Contaminated ng nakamamatay na virus ang buong lugar na ito. Lahat ng tao dito possible na infected ng virus. Sa loob ng isang buwan kakalat na ang virus, after 30 days ang lahat ng tao dito ay mawawala na sa sarili nila. Magmimistula na silang mga zombie. Ang lahat ng bangkay dito ay sinusunog at itinatapon." sagot ni Cristine.
"Kung ganong may virus bakit may patayan na nangyayari? Bakit may patakaran dito na patayan?" tanong ni Hamid. Hawak niyang mabuti ang baril. Naalala niya ang sobreng nakuha niya. Isang babae ang papatay sa kanya. Si Cristine yata ang tinutukoy ng sobre! Hindi maaari! Pero hindi siya pwedeng maging kampante dahil sa mga oras na iyon magkaharap sila ni Cristine. Hindi siya nakakasiguro kung si Cristine ba ang tinutukoy ng sobre na papatay sa kanya. O may iba pa. Kaya alerto sya. Baka traydorin siya ni Cristine.
"Iyon ang batas dito ngayon. Ang batas na iyan ay umiral dahil sa kanilang katigasan ng ulo. Ngayon malaya ang lahat na gawin nila ang lahat nf gusto nila. Pero sa isang kondisyon, kailangan nilang pumatay kung gusto nilang makaligtas dito sa loob ng community."
"Hindi ko maintindihan. Kung ganon, bakit ang mga taong nakagawa na sa kondisyon na iyon ay hindi pa din nakakalabas lugar na ito? Bakit hanggang ngayon nandito pa din sila?"
"Dahil hindi pa tapos ang time period ng batas."
"Cristine, alam mo bang sinasabi mo? Look, kung kinukulong pa din ang mga tao dito na nakagawa na sa kondisyon na yon, mahahawa sila sa mga taong infected na!"
"Survival. Yan ang umiiral ngayon dito sa 847 Community, Hamid. Mamamatay ang mga taong duwag. Sundin ang batas kung gusto ng kalayaan. Pumatay kung kailangang pumatay. Ubusan kung ubusan. Ikaw, kailangan mong iligtas ang sarili mo. Balikan mo ngayon sa isip mo kung ano yung mga bagay na nahawakan mo dito sa loob ng community, ang lahat ng iyon ay contaminated ng virus. Hindi mo alam, carrier ka na. Ano pang gagawin mo kundi ililigtas mo agad ang sarili mo. Paano?
Patayin mo ang mga dapat mong patayin."Hindi makagalaw si Hamid sa kanyang kinatatayuan.
Para siyang na hipnotis sa mga sinabi ni Cristine.
Naramdaman na lamang niyang may tumusok sa tagiliran niya. Napanganga sya sa sakit. Nakangiti sa kanya si Cristine. Ngiting sarcastic. Parang hindi si Cristine ang kaharap niya nang mga oras na iyon.
Naramdaman niya muling bumaon ang matulis na bagay sa tagiliran niya. Nararamdaman niyang may likido nang umaagos sa tagiliran niya. Dahan dahan siyang napaluhod. Nanghihina. Unti unting nagdidilim ang paningin niya. Ang huling image na nakita niya ay ang mukha ni Cristine. Nakangisi sa kanya.ITUTULOY...
malapit na ang pagtatapos! Walang bibitiw!
BINABASA MO ANG
847 Community by Julius P. Bergado (Completed)
Mystery / ThrillerSuspense - Action Thriller