Chapter 8

136 1 0
                                    

847 Community by Julius Bergado

Nakatulala lamang sina Sanya at Alexxandria pagkatapos marining ang mga sinabi ng babaeng naka hood. Tumalikod na ito at iniwanan na sila sa loob ng kwarto ng Bahay Katayan.
Kailangan nilang iligtas ang mga taong naroroon. Kailangan nilang mapigilan ang patayan sa lalong madaling panahon dahil mahigit dalawang linggo na lamang ay mag iisang buwan na. Malapit na ang kalayaan ng mga residenteng naninirahan dun. Pero paano sila makakatakas, gayong nakagapos sila. Paano sila makakalabas sa bahay na iyon?

30 Minutes na lamang ay matatapos na ang time period ng patayan sa loob ng 847 Community. Nakatayo pa din sina Hamid at Jeck sa gitna ng kalsada. Patuloy pa din ang patayan sa buong lugar.
Hindi nila alam kung paano nila gagawin o hahanapin ang taong tinutukoy ng mga sobreng nakuha nila.
Nakatayo lang sila. Nag iisip.
Maya maya ay nakita nila ang isang binata na tumatakbo sa gitna ng kalsada. Hawak nun ang isang braso na may sariwang sugat sanhi ng bala ng baril.
"Daniel?" sambit ni Hamid nang makilala ang binata. Tinakbo niya iyon. Nilapitan.
"Hamid?"
"Oo ako nga to. Anong nangyari sayo, Daniel? Bakit ka may tama ng bala sa braso?" tanong ni Hamid. Sumunod sa kanya si Jeck. Magkakasama na silang tatlo.
"Tinangka akong patayin ng mga opisyal dito sa community na ito. Mabuti na lamang ay nakaligtas ako," sandaling natigilan si Daniel nang maalala nito ang kasamahang si Miggy.
"Patay na si Miggy." dugton nito.
Nagulat sina Hamid at Jeck sa sinabi ni Daniel, Kilala din nila si Miggy. Mga kasamahan niya sina Daniel at Miggy sa isang organization na sinalihan nila noon sa UP Diliman.
"Anong nangyari kay Miggy?" tanong ni Jeck.
"Inambush kami ng mga officials, si Miggy ang napuruhan ng mga bala. Nakaligtas ako." sagot ni Daniel. Napapangiwi pa ito dahil hanggang ngayon ay kumikirot pa din ang sugat nito.
"Nasaan si Cristine? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong uli ni Hamid.
Sunod sunod na umiling si Daniel.
"Anong ibig mong sabihin? Nasaan si Cristine? Anong nangyari sa kanya?" Nag aalalang tanong ni Hamid. Hinihintay nitong sumagot agad si Daniel. Hindi nila namamalayan na matatapos na ang time period ng patayan. Sasagot na sana si Daniel nang mapatingin ito sa grupo ng mga officials na paparating patungo sa kinatatayuan nila.
"Takbo!" Yaya nito at daling tumakbo. Napalingon sina Hamid at Jeck. Nakita nila ang mga opisyales na may mga dalang baril. PInapatukan sila ng mga iyon pero mabilis silang nakailag. Tumakbo sila. Parang isang malaking eksena sa action movie ang nagaganap sa loob ng community nang oras na iyon. Papatayin ng mga opisyales sina Hamid.
"Sumunod kayo sa akin!" utos ni Daniel. Patuloy pa din sila sa pagtakbo. Nagpapaputok pa din ng mga baril ang mga opisyal at hinahabol pa din sila.
Nagtakbuhan naman ang mga tao. Kanya kanya ng ligtas sa mga sarili nila. Pero may mga ilang bumulagta sa kalsada. Duguan. Mga patay na.

** Sa loob ng Bahay Katayan, dinig na dinig nina Sanya at Alexxandria ang sunod sunod na putok ng baril. Kinabahan sila. HIndi nila alam kung ano nang nangyayari sa labas. Gusto nilang makawala.
"Pakawalan nyo kami dito!!" Sigaw ni Sanya. Pero walang nakakarinig sa kanila.**

Patuloy sa pagtakbo sina Daniel. Lumusot sila sa isang eskinita. Papunta sila sa bahay ng dalawang batang babae na tumulong sa kanya.
Nang makita ni Daniel ang bahay na iyon ay agad silang pumasok doon. Hinahabol pa din sila ng mga armadong kalalakihan na may mga dalang baril.
"Dumapa kayo!" utos ni Hamid sa mga kasama nang makapasok sila sa loob ng bahay.
Sunod sunod na malalakas na putok ang umaalingawngaw sa loob ng bahay. Pinapaulanan sila ng bala. Mala ambush na ang ginagawa sa kanila. Walang pakialam ang mga opisyales kung sino sa kanila ang matatamaan ng mga bala.
Nagtatalsikan sa loob ng bahay ang mga baso, pinggan at kung anu anong mga bagay na natatamaan ng bala. Umuulan ng bala. Halos mawasak ang dingding ng bahay na iyon dahil sa mga bala ng baril.
Ilang sandali pa ay biglang tumahimik ang paligid. Walang umiimik sa kanilang lahat sa loob ng bahay. Lahat nakadapa. Walang reaksyon. Walang gumagalaw.

Mayroon kayang tinamaan ng bala sa kanila? Sino?

847 Community by Julius P. Bergado (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon