Final Chapter

150 4 1
                                    

847 Community by Julius P. Bergado

FINAL CHAPTER

Sabay na naabot nina Hamid at Cristine ang rurok ng kaligayahan. Kapwa sila hinihingal habang magkayakap pa din sa isa't isa.
"Cristine, handa akong mamatay para sayo. Kung ano man ang pwedeng mangyari sa atin dito sa lugar na ito itataya ko ang buhay ko." wika ni Hamid. Pagkatapos ay muli nitong hinalikan si Cristine sa labi. Mas lalong yumakap ng mahigpit si Cristine kay Hamid.

Natigilan sila nang bigla silang makarinig ng mga yabag na pumapanhik patungo sa kwartong kinaroroonan nila.
"Hamid, nandyan na sila. Anong gagawin natin? Mahuhuli nila tayo."
"Magbihis kana. Dalian mo. Tatakas tayo."
Double time sila sa pagbibihis.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Tatlong malalaking lalaki ang nakatayo roon. Wala na sina Hamid at Cristine.
"Margarette! Nasaan ka?" tanong ng isang lalaki.
Wala itong narinig na sagot.
"Walanghiya! Naisahan tayo ng babaeng iyon. Iniligtas niya ang lalaki. I report nyo agad kay boss. Dalian nyo! Hanapin sila!" nanggagalaiting utos ng lalaki sa mga kasamahan nito.

"Hamid, kailangan puntahan muna natin ang kinaroroonan nina Sanya. Kailangan na muna natin silang iligtas bago tayo pumunta kina Daniel."
Kalulundag lang nila sa may kataasang pader ng gusaling iyon. Nakatakas sila. Magkahawak sila ng kamay.
"Sige, puntahan na natin."
Kumaripas na sila ng takbo.

"Sanya, kailangan nating makatakas dito. Baka kung ano ng nangyari sa mga kasama natin!" sabi ni Alexxandria habang pinipilit na matanggal ang lubid na nakatali sa mga braso nito.
"Paano tayo makakatakas sobrang higpit ng pagkakatali satin. Nanghihina na ko, Alex." naiiyak na sagot ni Sanya.
Bakas sa mukha ni Sanya na nawawalan na ito ng pag asa na makatakas sa bahay katayan na iyon.

Nakatayo ang apat na lalaki sa labas ng bahay katayan. Walang kamalay malay ang mga ito na may pumapanhik na sa likuran paakyat sa bintana. Sina Cristine at Hamid.

Nagulat sina Sanya nang bumukas ang bintana ng silid na kinaroroonan nila. Nakita nila sina Cristine at Hamid.
Mabilis sila nitong tinulungan na makawala sa mga lubid.
"Salamat, Cristine. Salamat, Hamid. Pero paano nyo nalaman na dito nyo kami matatagpuan?" tanong ni Sanya.
"Dahil sa akin. Ako yung babaeng naka hood. Pero saka na natin yan pag usapan. Kailangan na nating makatakas at puntahan sina Daniel sa kinaroroonan nila."
Dali dali silang lumusot sa bintana ng bahay katayan. Wala pa ding kamalay malay ang mga bantay sa tapat ng bahay na tumatakas na sila.

"Babalik pa ba si Hamid? Ano ng gagawin natin, Daniel?" nag aalalang tanong ni Jeck na panay ang lakad sa loob ng bahay na pinagtataguan nila.
Hindi umimik si Daniel. Balisa din ito. Tensyonado na sila. Hindi nila alam kung may nangyari na ba kay Hamid. Kina Sanya, Alexxandria at Cristine.
Susunod na katok ang nagpatigil sa kanila at narinig nila ang boses ni Hamid. Dali dali nila nila itong pinagbuksan ng pintuan. Kasama ni Hamid ang tatlong babae.
"Kailangan nating lumipat ng pwesto. Susundan nila tayo! Mag asikaso na kayo!"
"Nino?" tanong ni Jeck.
"Ng mga opisyal. Tumakas kami ni Cristine. Wag na nating pag usapan ito dahil nasasayang ang oras natin! Tara na!"
"Sandali lang!" pigil ni Daniel. "Paano ang mga bangkay ng mga batang ito?" sinulyapan ni Daniel ang dalawang bangkay na nababalot ng kumot.
"Babalikan natin sila. Tatapusin lang natin 'to. Tara na!" yaya ni Hamid.
Mabilis silang kumilos at lumabas ng bahay na iyon.

"Ano?! Nak ng putya! Paano nakatakas? Walanghiya, hayup na babaeng iyon naisahan tayo! Hanapin nyo sila! Patayin nyo na walang kayong hahayaang may mabuhay pa sa kanila!" galit na galit na utos ni Mr. Magallanes.
Tumayo ito malapit sa pindutan ng megaphone.
"Gusto nila ng mas malaking gulo. Sige. Hahayaan nating magpatayan na ang mga tao dito."
Pagkatapos ay pinindot nito ang button ng megaphone. Umalingawngaw sa buong communuty ang sirena.
Hindi iyon saglit lang kundi matagal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

847 Community by Julius P. Bergado (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon