847 Community by Julius P. Bergado
Episode 12Umiikot ang paningin ni Hamid nang imulat niya ang kanyang mga mata. Nanghihina siya. Para siyang naubusan ng lakas habang nakahiga siya sa isang malaking lamesa. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang masakit sa tagiliran niya.
Muli niyang naalala ang nangyari sa kanya.
Sinaksak siya ni Cristine. Pero buhay pa siya!
"Gising ka na pala." sambit ng pamilyar na boses sa kanya. Si Cristine iyon. Hindi na ito naka hood. Nakasuot na ito ng sandong itim at black jeans. Naka heels. Mukha siyang action star sa isang malaking action movie.
Lumapit si Cristine kay Hamid.
"Hindi kita pinuruhan. Dahil magkakampi tayo." sabi ni Cristine. Tinulungan nitong makabangon si Hamid. Sila lang ang taong naroon sa loob ng isang bahay.
"A-anong ibig mong sabihin, Cristine?"
"Ginamit ko ang mga opisyal dito sa 847. Tinanggap ko ang offer na aanib ako sa kanila kapalit ng kalayaan ko na gumalaw dito sa loob ng community. Pinaniwala ko sila na kakampi nila ako. Pero ang totoo, strategy ko lamang iyon para malaman ko ang lahat ng anomalyang nangyayari dito sa loob ng 847. Patingin ako sa sugat mo. I'm sorry, Hamid. Ginawa ko lang iyan para ipakita sa kanila na kakampi nila ako."
di na gaanong dumudugo ang sugat ni Hamid sa kanyang tagiliran dahil nagamot agad iyon ni Cristine pagkatapos siyang dalhin ng mga ito sa kanyang kinaroroonan ngayon. Ginamot sya ni Cristine nang magkaroon ito ng pagkakataon na sila na lamang ang nasa loob ng kwarto.
Niyakap siya ni Cristine.
"Kailangan mong magpalakas agad, Hamid. Ililigtas natin ang mga tao dito. Ang mga kasamahan natin nasaan sila?"
Nag aalalang tanong ni Cristine. Hawak ni Cristine ang mga pisngi ni Hamid. Nakatitig ito sa mga mata ng binata. Dalawang dangkal ang layo ng kanilang mga mukha sa isat isa. Nagkakaamuyan na sila ng hininga.
"Patay na si Miggy. Magkasama ngayon sina Daniel at Jeck doon sa bahay na tinutuluyan nila. Nawawala sina Sanya at Alexxandria."
"Hindi nawawala sina Sanya at Alexxandria. Alam ko kung nasaan sila!"
"Paano mo nalaman? Nasaan sila?"
"Kaya mo na bang kumilos?" paniniguro ni Cristine. Naiiyak ito dahil sa ginawa niya kay Hamid. Muntik niya na itong mapatay nang tuluyan. My God!
"Kaya ko namang kumilos. Cristine, wag mo akong alalahanin. Nandito ka para iligtas ka. Iligtas din ang mga tao dito. Handa akong mamatay alanga alanga sa mga taong nandito sa 847. Handa akong mamatay para ...sayo."
Hindi nakaimik si Cristine. Pakiramdam niya ang nag iinit ang mga pisngi niya. Tila may kuryenteng dumaloy sa buong pagkatao niya. Kinilig siya sa mga narinig niya mula kay Hamid. Nakatitig lamang siya kay Hamid. Maya maya ay bigla itong sinunggaban ng halik. Bumawi si Hamid. Naghalikan na sila. Nung una ay para silang sabik na sabik hanggang sa naging passionate na ang halikan nila. Niyakap sya ni Hamid ng mariin. Sa mga sandaling iyon ay pinagsasaluhan nila ang ligaya.
Matagal iyon. Labi sa labi. Napakainit ng tagpo. Walang makakapigili sa kanila."Mahal kita, Cristine."
"Mahal din kita, Hamid. Matagal na kitang gusto noon pa. Parati mo akong inililigtas."Ang mga katagang iyon ay tila sumabog na. Nagpaubaya kay Hamid si Cristine.
ITUTULOY...
Walang bibitiw sa nalalapit na pagtatapos ng 847 Community
BINABASA MO ANG
847 Community by Julius P. Bergado (Completed)
Mystery / ThrillerSuspense - Action Thriller