CHAPTER THIRTY ONE

1.3K 58 1
                                    

 Gabriella POV

Bitbit ang mga libro ay tinatahak ko ang pasilyo para sa susunod na klase, paiba-iba kase kong minsan ang mga classroom na ginagamit namin. Napapahikab pa ako habang naglalakad. 

Sa susunod hindi na ako lalabas, puyat nakukuha ko e. haha.

Tahimik lamang ako habang patuloy na naglalakad ng makarinig ako ng mga bulong-bulungan sa paligid. Yung mga babaeng walang ginawa kundi magchismis.

"Alam nyo ba na isa sa mga special 10 ang may gawa kung bakit umatake ang mga assassins kagabi?"

"Ano? Hala! Magkakagulo na naman ba ulit sila?"

"Girl, kailangan na nating maghanda. Baka anong susunod na gagawin ng mga yan. Noon nga, halos mabawasan ang kalahating bilang ng mga estudyante dito dahil sa ginawang laro ng isa sa special 10."

Na-pantig ang aking tenga at napa-tigil sa gitna ng pasilyo habang ang tatlong babaeng nag-uusap ay nasa gilid ko lang. Special 10? Tao sila? Akala ko bagay o ano. Well, I did think at first they were things. Then they sound like people.

Tatawagan ko nalang ang private investigator ko dahil alam kong may nakakalap na itong mga impormasyon tungkol sa special 10.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ngunit napa-tigil sa isang classroom na hindi na ginagamit, wala ding medyo mga estudyanteng dumadaan dito kaya nagtaka ako kasi may naririnig akong mumunting ingay sa loob ng classroom. Idinikit ko ang tenga upang makinig kung anong ingay ang meron sa loob.

"Kumikilos na sila, Rafael."

Nagulat ako sa boses ng isang babae at mas lalong nangunot ang noo ko dahil binigkas nito ang pangalan ni Raffy. Mas lalo akong dumikit sa pinto.

"I know, Violet. I'm not dumb enough to think that isang assassin attempt lang iyon. I know Nathaniel is behind all of this. To think that, dikit nang dikit pa siya kay Mika."

Mahina akong napa-singhap. Bakit nasali si Nathaniel sa usapan? I know Nathaniel is not just an ordinary student in this school. Nakita ko siya kasama si Estevan,

I've been looking for him kaninang umaga pero wala siya. Baka nandoon pa siya sa lugar ni Estevan? Kasama yung dalawa?

"Hindi lang si Nathaniel ang nasa likod ng pag-atake, almost 5% of students died that night. Wala na bang pag-asa ang special 10 na muling mabuo, Rafael? Mas kailangan n'yong magkaisa lalo na't nanganganib ang inyong pwesto sa underground dahil kinakalaban n'yo ang isa't isa."

Nanlaki ang mga mata ko. Sandali... si Rafael? Isang miyembro ng special 10?

"Ahh!"

Napasigaw ako nang biglang bumukas ang pinto na dinidikitan ko, sinalo naman ako ni Rafael bago pa ako bumagsak sa sahig. Gulat ang mukha nito, ganun din ako. Mabilis niya akong hinila paloob ng silid at pinaupo sa isang silya.

"Why are you eavesdropping? Hindi ko alam chismosa ka na pala ngayon, Mika."

Diin tanong ni Rafael kaya napapeace sign ako dito. Gusto kong mawala ang mabigat na tensyon mula sa kanila.

"I'm sorry dahil nakinig ako." Inayos ko muna ang tumabinging buhok sa mukha ko. "Isa ka ba talaga sa special 10, Rafael?"

Ilang minuto itong natahimik. 

Napabuga ako ng hangin at tumayo, pinasadahan ko din ng tingin ang babaeng kasama nito na tinawag niyang Violet. She's pretty and she also has some strands of violet hair on her black hair.

"Don't worry. Nakiki-chismis lang ako pero hindi ko chinichismis mga naririnig ko."

Napa-kamot ako ng batok at inayos ang mga dala-dala kong libro at tumingin sa wrist watch ko.

"I'm late!"

Nanlaki ang mga mata ko. Tinignan ko sila Raffy na seryoso ang mukha na nakatingin sa'ken. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Just go, Mika."

Sabi ni Raffy kaya umalis nalang ako doon. Ano pang gagawin ko doon? Hindi naman ako mapapa-tahimik ni Rafael dahil kilala niya ako. At ang unfair lang dahil ako kilalang-kilala na niya pero siya hindi ko pa gaanong kilala. Masyadong maraming nagbago ng umalis kami ni mama at pumunta ng Europe. Masyadong paimportante ang special 10 sa eskwelahan na ito.

Napabuga ako.

Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay napa-tigil ako. Mabilis kong tinipa ang number ng private investigator ko at mabilis na pumunta sa lugar kung saan walang katao-tao. Syempre sa likod ng school.

["Yes, ma'am?"]

Napa-lunok muna ako bago ito sinagot.

"I want to know what you've got about the special 10."

...

Tahimik lamang ako sa loob ng classroom habang nagdidiscuss ang prof sa harap. Nilalaro-laro ko pa ang lapis na hawak. I can't believe that Rafael is one of the powerful Specials. At ang mas nakakagulat ang malamang sila ang naghaharian sa eskwelahan na ito lalong-lalo na sa underground world. Sampu ang miyembro ng special 10 kaya nga 10 eh.

Ngunit sinabe din sa akin ng imbestigador na hindi basta-basta ang bawat miyembro, walang binigay na pangalan ang investigator kase sabi niya masyadong private ang mga iyon. Wala pang nakakakita ng mga mukha nila kaya walang picture itong maipapadala sa akin pero ang kinababahala ko lang ay sinabe nitong nasa loob ng academya ang sampu.

Napangiwi ako ng napatingin sa hawak kong lapis na nahati na sa gitna. Napapa-iling ako at tinabi nalang iyon sa desk at sumandal sa upuan ko.

"Ms. Lu? Are you listening?"

Nabaling ang atensyon ko sa guro sa harap. Naka-taas ang kilay nito at naka-pameywang pa sa harap habang nakatingin sa'ken. Ang terror teacher ng history.

"Yes, ma'am. I am."

Magalang kong sagot, tinaasan niya muli ako ng kilay at bumalik sa pagtuturo sa harap. Psh. Suplada.

TOK TOK

"Yes? How may i help you?"

Nakarinig ako ng katok sa pinto at pagsagot ng guro pero binalewala ko nalang iyon at nilaro ang lapis kong sira na. Wala pa naman ako extrang lapis sa dorm, hihingi nalang ako kay Erica saka dadalawin ko pa pala si Genivive sa Hospital clinic. Napa-hikab ako at pumungay ang mga mata.

Oo nga pala, wala akong tulog kagabi.

Humikab ako at dumukdok sa desk. Bahala na basta gusto kong matulog.

"Mikaella."

Mabilis akong nag-angat ng ulo at tila nawala ata ang puyat ko ng makitang nasa harap ko si Nathaniel at malawak na pagngisi ang nasa mukha. Napa-lunok ako at umupo ng tuwid sa upuan bago napatingin sa mga kaklase kong mga babae na ang sama ng tingin sa'ken.

What the f*ck did I do to get those deadly stares?

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now