CHAPTER THIRTY THREE

1.2K 59 4
                                    

    Gabriella POV

Naka-ngiting naglalakad palapit sa amin si Isaac kaya halos matahimik ang lahat na naririto sa cafeteria at nasa sa amin ang atensyon. Napa-lunok ako ng tumigil ito sa harapan namin. 

Inangat ko ang ulo dahil sa taas nito. Napapa-kurap pa ako kase nakakasilaw ang mga hikaw nitong tatlo ang bilang sa tenga nya. Nakakasilaw kase kulay silver saka nirereflect ng ilaw dito sa loob ng cafeteria.

"Hi."

Gulat akong napa-titig dito at natulala.

Okay? Bakit biglang gumwapo yata sa paningin ko ang lalaking to?

"H-ha? H-haha, hello?"

Awkward akong kumaway at akmang uupo ito sa isang bakanteng silya sa tabi ko ng biglang sumulpot sa kung saan si Nathaniel. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil kasama ng pag-sulpot nya ay ang pag-akbay nito sa'ken.

"HI, DARLING!"

Nanlalaki ang mga mata ko ng magnakaw ito ng halik sa pisngi ko.

Para akong natuod sa kinauupuan habang akbay ni Nathaniel. Hindi ako makapaniwala.

"The f*ck?"

"Oh? Isaac! Ikaw pala! Kamusta?"

Mapang-uyam na pagbati nito kay Isaac kaya nabalik ako sa reyalidad at pilit inaalis ang mabigat na braso ni Nathaniel sa balikat ko.

"Waah?! Anong nangyayari?!"

"Girl! Inakbayan sya ni Nathaniel tapos nilapitan at kinausap pa sya ni Isaac!"

"I really can't believe this! Nathaniel just kissed that bitch!"

"Nathaniel and Mika look good together!"

Napangiwi ako sa narinig na bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Peke akong ngumiti kay Nathaniel bago napatingin kay Isaac na nakakunot ang noo sa aming harapan.

"Bitaw."

Masama kong tinignan si Nathaniel pero nginisihan lang ako ng manyakis at lalo pa nitong hinigpitan ang pagkaka-akbay sa'ken at idinikit pa ako sa dibdib nya. I almost inhaled his scent. It's driving me crazy coz he smells so good.

Rinig ko namang tumikhim si Isaac kaya napa-lingon kami sakanya.

"So, are you two dating?"

Napanganga ako sa tanong nito.

"H-Hindi—"

"Yes! Actually, Mika is my girlfriend now."

Halos mapa-singhap ang lahat ng nakarinig sa malakas at sa malaking bunganga ni Nathaniel na pinalandakan na girlfriend niya ako. Napa-pikit ako ng mariin dahil sa inis.

Natakpan ko din ng dalawang palad ang mukha at doon nagtago. For Pete's sake, someone get me out of here. Let me vanish.

Tinanggap ko ang gusto niyang mangyari para tumahimik na siya. At wala akong clue kong bakit sa lahat ng dapat sabihin nito sa akin ay ito ang hinihingi niyang kapalit!

Alam kong nagulat din si Erica dahil natigilan siya at nanlaki pa ang mga mata. Maingat naman akong umangat ng tingin kay Isaac at nakitang madilim ang mukha nitong nakatingin kay Nathaniel at tila nagsusukat pa ng talim ng tingin sa bawat isa. Napa-lunok ako at siniko ng malakas si Nathaniel sa tiyan kaya napa-daing ito sa sakit at namimilipit na napahawak doon.

"Aww, darling! Alam kong sadista ka pero sa abs? Fuck, ansakit. Himasin mo bilis, kumikirot pa e."

Pilit akong ngumiti kay Isaac at binalingan ng tingin si Nathaniel at pinanlakihan siya ng mata. Aba, ang lalaking 'to? Mamaya ka sa'kin, hayop!

"Umayos ka ha."

Mahina kong usal dito at sinamaan siya ng tingin pero isang malawak na ngiti ang natanggap ko.

"Gosh! Sila na!?"

"Waaah!! Paano na si Niccolo?!"

"Break na sila, tanga."

"Ayieee!! Bagay nga sila!"

"Bitch!"

Napailing ako sa sigaw ng ilang mga babae dito sa loob.

"Tsk!"

Napa-lingon ako kay Isaac na padabog na umalis sa harap namin at bumalik sa lamesa nila ni Haize.

Dumapo naman ang tingin ko kay Haize at naabutang nakatitig din ito sa akin ngunit mabilis siyang nag-iba ng tingin. I think I just saw disappointment in his looks.

Nagulat ako sa inasta nito pero mabilis na nawala ang atensyon ko sa kanya ng maramdaman ang malapad at magaspang na palad ni Nathan sa beywang ko. 

Putaena din ang lalaking to e no?

Masama ko siyang binalingan pero bigla niya lang akong hinalikan ng mabilis sa pisngi kaya bahagyang umawang ang labi ko at napahawak sa pisngi ko na hinalikan niya.

...

"Kamusta na daw siya?"

Tanong ko kay Erica na nakaupo sa isang silya sa tabi ni Genivive na coma pa din. Nandito kami sa hospital clinic ng school at saka vacant time namin ngayong araw ni Erica kaya pinagpasya naming bisitahin ito.

"Wala pa ding sign na magigising siya, Mika. Nag-aalala na ako sa kalagayan niya."

Natahimik akong napa-upo sa kabilang silya malayo-layo sa kanila at napapaisip. Napa-tingin ako sa wrist watch ko at nakitang mag-lalunch na. Nainis pa ako ng maalala ang mga nangyari kagabi sa loob ng cafeteria. Nakaka-inis talagang Nathaniel yan oo.

"I'm going to have lunch, sama ka?"

Pagtatanong ko kay Erica pero umiling lang ito.

"Mauna ka na, babantayan ko muna si Genivive. Mamaya na ako mag-lunch."

Ngumiti ako.

"Dalhan nalang kita ng pagkain pagkatapos ko."

Nakangiti itong tumango sa suhestyon ko kaya binitbit ko ang bag ko at lumabas na sa silid na iyon.

"Hey."

Napaangat ang tingin ko sa isang lalaking humarang sa harapan ko at halos matuod ako ng makitang si White iyon na naka-lab gown na puti. Hilig sa puti e no? Puti din kasi ang buhok pati relo, ganun din. Pati ata sapatos, pero infairness ang ganda ng sapatos niya.

"Hoy!"

Napaangat ang tingin ko sakanya at pilit na ngumiti. Pinasadahan ko pala siya ng tingin, nagmumukha tuloy akong manyakis tulad ni Nathaniel.

"Ah, bakit?"

Inayos ko pa ang pagkaka-sukbit ng bag ko at tinitigan siya ng nagtataka.

Wait--- hindi kaya? Alam niyang ako ang naghiram ng motor niya? Hala ka po! Nabalitaan ko pa namang nagwala daw ito dahil nakita niyang nawala ang motor niya sa garahe ng school at mas lalong nagwala ito ng makitang nasa ibang pwesto na ito sa garahe pagkabukas, nabakasan pa daw na may gumamit kaya halos magwala siya at sinira pa ang ilang kotseng nandoroon.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at inabangan ang sasabihin niya.

"Totoo bang girlfriend ka daw ni Scott?"

Napa-hinga ako ng maluwag ngunit agad na umangat muli ng tingin sakanya.

"H-ha?"

Nakita ko naman itong nainis sa reaksyon ko.

"Sabi ko, kayo ba ni Nathaniel?"

"Ah--eh... o-oo."

Pilit kong sagot. Dahil sabi pa naman ni Nathaniel kapag may nagtanong daw kung kaano-ano ko siya, sasagutin kong girlfriend niya ako. Ang galing diba? Bwisit na Nathaniel yan.

"Hmp!"

Gulat akong pagkatapos akong irapan ng White na iyon ay mabilis na umalis ito at nag-walk out ng naka-cross arms pa sa harap ko. Ano nangyari doon? Napapailing ako at ipinagpatuloy ang paglalakad, gutom na ako e.

[A/n: Try reading my new story INTOXICATED! Tenkyuuu💜]

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now