CHAPTER THIRTY FIVE

1.2K 58 0
                                    


Gabriella POV

"HAIZE?!"

Mabilis kong tinulak si Haize na nasa ibabaw ko at umupo. Bigla niya kasi akong itinulak pahiga para umiwas sa bala. Napahawak ako sa aking dibdib dahil tumatambol iyon ng sobrang bilis at sobrang ingay. Natakot siguro ako.

"Tss."

Tumayo ito at pinaputukan ng baril na hawak niya ang lalaking nagpaputok sa akin bago muling bumaling ito sa akin. Napaangat ang tingin ko dito dahil naka-upo pa din ako sa sahig at hawak ang dibdib na tumatambol. Napalunok ako habang titig ang kanyang abong mga mata.

"Get up."

Hinigit nito ang braso ko kaya bahagya akong napangiwi dahil masakit ang pagkaka-higit niya. Napaka-gentleman no? Sana malaman ninyong sarcastic iyon.

"Aray! Ano ba?"

Winaksi ko ang brasong hawak niya dahil hinila niya ako sa loob ng CR nitong unang floor ng hospital clinic.

"You."

Bumaling naman ako sakanya dahil nagsalita itong muli.

"Ano?!"

"Stay here."

Napatulala ako ng sandali, W-wait.

"Hoy! HAYOP!"

BLAGG!

Mabilis nitong sinara ang pinto ng CR kaya napahawak ako sa ilong kong tumama. Shit! Bwisit talagang lalaki 'yan oo! Sobrang gentleman niya, grabe!

Inis kong hinampas ang pinto ng CR at pilit binubuksan ang pinto. Gusto kong magmura sa inis! Bwisit na lalaking 'yan! May araw din sa akin 'yan!

"Argh!!"

"Tumalikod ako at hinarap ang loob ng CR at halos lumuwa ang mata ko at napamura dahil, CR ito ng mga lalake!

"Are you okay, Mika?"

Hinagod ni Rafael ng tingin ang kabuuan ko kaya tamad ko siyang binalingan.

"I'm fine."

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang papatay."

Binatukan ko si Rafael dahil tumawa pa ito.

"Tumahimik ka nga! Bwisit na Haize 'yan, kinulong ba naman ako sa loob ng CR? At bwisit! Sa panlalaking CR pa!"

Inis kong pinadyak ang isang paa. Rinig ko ang halakhak ni Rafael kaya inis akong umirap dito kaya nabaling ang tingin ko sa gawi nila Haize at Isaac sa kalayuan.

They were both serious while sitting on the sofa of the waiting area dito sa hospital clinic. Mataman ko silang tinignan ngunit mabilis na bumaling sa iba ang tingin ko ng napatingin dito sa gawi namin si Isaac.

Napabuga ako ng hangin.

"San ka pupunta?"

"Sa 3rd floor, pupuntahan ko sina Erica."

Tumango si Rafael sa sinabi ko kaya umalis na lang ako.

Nakaabot ako sa 3rd floor kaya mabilis kong pinihit ang door knob ngunit agad ding napata-gilid ng may bumulusok na isang dagger sa gawi ko. Mabilis akong pumasok at tanging hampas na lamang ng hangin ang naabutan ko mula sa naka-bukas na malaking bintana na nililipad pa ng hangin ang puting kurtina nito.

Nanlaki ang mata ko nang namataan ko si Erica.

"Erica!"

Mabilis akong napa-upo dahil nakahandusay sa sahig si Erica at walang malay. Mabilis na umangat ang tingin ko sa hospital bed at halos nagulantang dahil wala doon si Genivive.

Niyugyog ko ang mga braso ni Erica upang magising.

"Erica! Wake up! Aishh!"

Mabilis akong tumayo at napatakbo sa naka-bukas na bintana at tumanaw sa ibaba. May ilang mga naka-itim na tao sa ibaba at alam kong pilit silang pumapasok. Pero nasa baba sila Rafael, paano sila naka-pasok dito sa loob? Sino ang kumuha kay Genivive?! Argh! Naguguluhan ako!

"M-mika?"

Mabilis akong bumalik kay Erica at pina-upo ito galing sa pagkakahiga. May pasa ito sa labi.

"Erica, what happened? Nasaan si Genivive?"

Sinapo ko ang mukha nito. Nanghihina ito kaya nag-aalala na ako.

"T-they took her... they took g-genivive!"

Pinakalma ko ito.

"Sino? Sino ang kumuha sakanya, Erica?"

Umiling ito na siyang ikina-pagkunot ng noo ko.

"There's a note."

Inangat nito ang kamay at may tinuro na sinundan ko. Iniwan ko muna si Erica at tumungo sa hospital bed na hinihigaan ni Genivive. Mabilis kong dinampot ang papel na nakalukot doon.

Bumilis ang pag-hinga ko matapos basahin ang nasa sulat. Talagang pinaglalaruan ako ng taong iyon, pero bakit kailangan niyang kunin si Genivive? Anong gagawin niya dito?

"Mika?"

Dahan-dahang lumapit sa akin si Erica kaya mabilis ko siyang inalalayan. Kinuha niya sa kamay ko ang hawak kong papel at binasa iyon.

"I'll be taking your friend. It won't be a problem for you, right? Ano 'to, Mika? Para sa iyo ba ang sulat na ito?"

Nag-iba ako ng tingin.

KRINGG! KRING! KRING! KRING---

Mabilis kong hinablot ang cellphone sa bulsa at nakitang unknown number ang tumawag sa akin. Pina-upo ko muna si Erica sa kama bago lumabas.

"Stay. Okay?"

Tumango ito sa akin kaya lumabas ako ng kwarto.

"Hello?"

["Ella? Ella, it's you."]

Napakagat ako sa pang-ibabang labi. Si Papa...

"P-papa?"

utal kong tanong dahil hindi ako makapaniwala.

["It's been months. Salamat sa diyos at nakuha ko din ang number mo, Ella. Ella, please... Come back home, balik ka na kay Papa Ella. Please. Nanganganib ang buhay mo diyan, Ella."]

Umiling ako kahit naman hindi niya iyon makikita. I miss Papa. I miss his voice, pero kailangan kong magmatigas.

"Take care of yourself Papa. Huwag mo na akong alalahanin, I love you."

Mabilis kong binaba ang tawag at napa-sandal sa pinto sa likod ko. Tumulo ang ilang butil ng luha mula sa aking mga mata at biglang sumakit ang dibdib ko dahil sa pagpipigil ng hininga.

I've been at my worst when I was still a mafia queen. Pero hindi ko lubos maisip na ganito ang mararanasan kong sakit. I've been bearing this hatred and I don't know how to release it.

Kailan pa ba ako mananatiling ganito? How am I supposed to get my revenge? I'm making a fool of myself, chasing shadows, desperately trying to catch that killer so I can finally breathe. Pero parang malaki ang atraso ko sa tadhana. Five months. That's all I have left in this cruel, unfair world.

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now