Gabriella POV
"So, that happened? You've been getting this note and you didn't even try to tell me? I can help you, Mika."
Hindi ko binigyan ng tingin si Rafael na nasa tabi ko lang.
"I want to catch the killer myself, Rafael. As soon as possible. I want to kill him so badly."
Seryoso kong anas at nanatiling nakatitig sa kawalan.
"Did something happen? Okay ka lang ba? Don't worry too much, hahanapin ko yang kaibigan mo."
Napa-titig ako sa mukha ni Rafael nang sinabi niya iyon.
Should I tell him? Napapa-kurap ako at mabilis na pinahid ang luhang kamuntik nang mahulog sa mata ko.
"Hey. Why are you crying?"Hinaplos nito ang pisngi ko pero hindi ko na sya muling tinitigan at bigla na lang syang niyakap, hindi naman naka lusot sa paningin ko ang apat na lalaking nakatingin sa gawi namin. Nandito pa din kami sa hospital clinic at malapit na din mag umaga. Pinatulog ko si Erica sa isang room dito kaya nandito lang kami sa first floor.
Nakita kong nakatitig sa akin ang mga ito pero hindi ko na sila tinignan pa at itinago ang mukha ko sa dibdib ni Rafael at ramdam ko namang niyakap ako ng mahigpit nito.
...
"WHERE'S SHE!"
Naalimpungatan ako ng makarinig ng sigaw at sigawan din ng ibang lalake. Nagtaka ako ng nasa mahabang sofa na ako nakahiga at mayroon pang kumot, diba dito naka-upo kagabe sina Haize at Isaac? Bat ako nandito?
Napapitlag ako ng may humila sa braso ko at nang mapag sino ko ito ay nagulat pa ako sa ekspresyon nya na hindi ako sanay.
"Lets go."
"Sandali nga, Nathaniel."
Pinigilan ko ito sa paghigit sa akin at napalingon sa ilang taong nandito.
"Anong nangyayari?" Kunot-noo kong tanong.
"Don't go with him, Mika."
Napalingon ako kay Rafael nang magsalita ito at hinigit ang braso ko. Matamlay akong tumango dito.
Ngumiti ito sa akin kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan din ang braso niya.
"No, come with me."
Napa-hiyaw na ako dahil muli akong hinigit ni Nathaniel.
"Hoy! Bitawan mo na nga siya, Scott. Sinasaktan mo eh!" narinig kong sigaw ni White.
Napalingon ako sa kanila. What's really happening? Bakit nandito ang mga ito dito?
"Nathaniel, don't be selfish!" singhal ni Rafael.
Nagtataka na talaga ako.
"F*cking coward! This is all your fault!"
Nagulat ako sa sigaw ni Shan na tila galit na galit.
"Tutal nandito na rin naman tayong lahat, why not let's just talk about it, ha?" Ian.Sandali, ano bang nangyayari? Napakislot ako nang mas humigpit yata ang kapit ni Nathaniel sa braso ko.
Nagulat ako nang biglang bumagsak si Nathaniel sa sahig dahil sa malakas na pagka-suntok ni Haize sa kanya.
Nanlalaki pa ang mga mata ko, mabilis akong umatras at hinayaang pagsusuntukin ni Haize si Nathaniel na nakahiga at pinatungan pa niya ito. Muli akong umatras dahil naka-bangon si Nathaniel sa pagkaka-dagan ni Haize at bumawi ng suntok dito.
Napapailing ako dahil sa kagaguhan nila.
"Don't hurt her!"
Napa-tigil ako sa singhal ni Haize at napa-titig dito na naka-tayo na at pumupunas pa ng dugo mula sa naputok nitong labi.
Did he punch Nathaniel because he saw me hurt from his grasp?Mabilis namang pinigilan sila ni Rafael at pumagitna bago pa sila muling mag-suntukan. Ginapos ni Ian si Nathaniel at si Simon naman kay Haize habang nagpipilit silang magpumiglas.
"JUST F*CKING STOP THIS SHIT! I'M OUT OF THIS HELL!"
Inis na sigaw ni Nathaniel at winaksi ng malakas ang braso ni Ian dahilan upang matalsik si Ian sa tabi.
"But, I'm taking her."
Tinuro ako nito kaya napa-atras ako.
"Ano ba, Nathaniel! Tumigil ka nga!"
Nagpumiglas ako sa hawak niya pero hindi niya pa din ako binibitawan. Nainis ako kaya mabilis ko siyang tinuhod sa sikmura at sinapak sa mukha kaya napa-higa ito sa sahig habang hawak ang panga at tiyan niya.
"Ano bang nangyayari? Can someone explain?!"
Inis kong baling kina Rafael. Pero lumihis lang ng tingin ang siyam at binalingan ng tingin si Nathaniel na napa-upo na sa sahig.
"It's his fault."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Simon.
"He's a coward and a jerk. Isama mo na ang mga ito, they are all bullshits!" galit namang sabi ni Shan."Tinuro pa nito ang mga lalaking nandito.
"Wag kang magsalita na parang wala ka ding ginawa, Shan! Baka nakalimutan mong nagtaksil ka din sa samahan!" White.
Nanatili akong tahimik at nakinig sa mga pagtatalo nila dahil may kutob ako. Sila ba?
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.