CHAPTER THIRTY SEVEN

1.2K 64 0
                                    

   Gabriella POV

Nag-isang linya ang mga labi ko at tahimik na minamasdan sila.

"Why? Hindi naman ako magtataksil kung hindi din kayo nagtaksil! Bakit pa kayo nagmamalinis? We're all sinners here! We killed our own family just to strengthen our bond! Pero ano? Nagkawatak-watak din tayo!"

BOGSH!

Bumagsak si Shan sa sahig dahil sa suntok mula kay Jarred kaya napapikit ako.

"You're the one to say! Ikaw ang dahilan kung bakit lumusob kagabi ang mga 'yon! Hindi mo nilabas ang mga miyembro ng discipline committee at hinayaan mong mamatay ang maraming estudyante! Just because of that f*cking assassination, you f*cking dimwit!" sigaw ni Jarred dito na siyang ikinagulat ko.

Si Shan? Si Shan ang may gawa kung bakit lumusob ang mga outsiders na 'yon? Master Seventh? Siya ba 'yon? Isa si Shan sa Special 10? Na mas kilala bilang si Special Seven?

"Oh c'mon! Dito na ba tayo magpapatayan?" humalakhak si Ian pagkatapos sabihin iyon.

Sila ba? Umatras ako ng ilang beses. Masyadong mapaglaro ang tadhana, akalain mong ang sampung miyembro ng Special 10 ay nasa harap ko na ngayon. Pawang silang makakapangyarihan sa underground world. Sila ang tinaguriang malakas na grupo noon, ngunit noon iyon kung hindi lang sila biglang nawala. Iyon ang sinabi ng investigator ko. At alam kong hindi sila nagkakaunawaan.

"I've been waiting for this day, and I just want to say... F*CK YOU ALL! WALA KAYONG KWENTA!"

Nanlaki ang mata ko sa sigaw ni Simon. Ang kilala kong pinaka tahimik ay biglang sumabog.

"This is bullshit. Shan is right, masyado kayong nagmamalinis. Lahat tayo may kasalanan dito."

Napaangat ang tingin ko kay Niccolo ng sumabat ito, kanina pa ito tahimik at ngayon lang siya sumabat.

"At nagsalita ang putangina, remember? Ikaw ang unang nagtaksil sa samahan! Pinahamak mo kami sa isang gang, Niccolo! Kaya sa lahat dito ikaw ang may mas malaking kasalanan!"

Singhal ni Isaac at kinuyakuan ito. Napapailing ako dahil lahat sila galit na galit sa isa't isa. Napakalaki ng pagkamuhi nila sa bawat isa at ramdam ko iyon.

Kanina pa tahimik si Nathaniel kaya napalingon ako dito, he was still sitting on the floor habang nasa baba ang tingin. Nakita ko ang pagkahigpit ng pagkuyom ng kanyang dalawang kamao.

"Bakit ako? Hahaha! Baka nakakalimutan ni White na siya ang dahilan kung bakit ko nagawa 'yon," ngumisi ito kay Isaac at mapaglarong tumingin kay White na naka-tayo lang sa dulo.

"Wag mong ihagis sa akin ang ginawa mo, Niccolo. You did it because you wanted to prove something and that something, nakuha mo ba?" Tumawa ito ng mapang-uyam kay Niccolo.

That's it.

Punong-puno na ako ng impormasyon mula sa kanila. Napalingon ako sa bagong kakarating, naninindig ang balahibo ko ng muling makita si Lucas. Ilang linggo din siyang hindi nakita.

Lucas Thompson, isa din ba siya sa Special 10? Pero sobra na sila sa sampu.

"Stop this! Hindi na tayo nagkaka-sundo! This academy is ours and this is our only chance to unite again. Nanganganib na ang pwesto natin. The Special 10 will vanish in thin air if we continue to be like this."

Lahat kami ay lumingon kay Rafael ng magsalita ito. He was so serious at this point at hindi ko na makilala ang pinsan ko sa sobrang seryoso ng mukha niya.

"Let them, Rafael. Hayaan mo silang magdesisyon sa gusto nila." Lucas.

Nakita kong biglang nagalit ang mukha ni Rafael sa sinabi nito.

"F*ck you, Thompson! Where were you these past few weeks, ha? Hindi mo ginampanan ang pagiging specialist mo sa amin! Wala kang alam kung anong pinanggagawa ng mga 'to!"

Rafael uttered with demised anger. Hindi siya pinansin ng Lucas na ito at naupo sa sofa habang may ngiti pa sa labi at pinapanood ang sampu.

"We can't go back for what we used to be. I am staying as the master fifth of the Special 10, pero ayoko nang makasama pa kayo." wika ni White.

He's the master fifth? By number sila?

"Fifth was right, I as the seventh will also part ways from the members of Special 10 but will still be part of the Special 10. Ayoko ding makasama ang mga tulad n'yo." Shan spoke and hissed.

"I as the master fourth, will also do the same." Napaangat ang tingin ko kay Isaac when he spoke that.

His eyes were blank and his tone was dull. At halos lahat sila, nakakatakot silang tignan but still, I want to know more.

"I, as the master tenth of the Special 10, refuses to be with you people. Ang sasagwa n'yo kasama!" Ian growled.

Napapailing ako sa kanila.

"As the master sixth, I even promised something back then but now nagsisisi ako na pinagkatiwalaan ko kayo. I had enough of this." Jarred irritatedly spoke.

Napayuko ako, I'm actually being the witness of this oath right here.

"I, as the master third also acknowledge all your oaths. Wala na din akong paki alam sa inyo. Let's part ways." Niccolo uttered with a simple expression and even laid his back at the sofa where he was sitting beside Lucas.

"Stop this! Wag kayo maging makasarili! Ako lang ba? Ako lang ba ang umaasang maging buo din tayo? Ha?!"

Nalungkot ako sa winika ni Rafael sa lahat.

"I, as the master second of the Special 10, accepted your oaths. Whatever happened to each one of you, I won't give a shit."

I look at Haize when he said those words without an expression. His eyes were filled with a glimmer of darkness, and his voice was as cold as ice. Is this the end of the deadly Special 10? Tanga lang gab? Hindi mawawatak ang Special 10 dahil nangako sila na magiging parte sila nito, pero hindi sila makikisama sa isa't isa.

They loathed each other, and they have reasons.

"This is shit! Pati ba naman ikaw, Haize?! What's going on with all of you?! Parang wala tayong pinagsamahan!" Rafael

Hindi siya pinansin ng mga ito kaya halos nilukmos nito ang mukha in frustration.

"Enough, Rafael. Just accept it. And as the specialist of the Special 10, I will accept their oaths. I'll still guide each one of you no matter what. Lahat din kayo nagtaksil sa akin but I am not the kind of person who patronizes such things." Lucas.

So, Lucas is not one of the Special 10, but like what he said, he's a specialist. Anong ibig niyang sabihin? Anong ginagawa ng isang specialist?

"I..."

Napatingin ako kay Nathaniel nang magsalita ito at alam kong ang iba ay naka-tingin din sa nakayukong si Nathaniel. Nakaangat at nakabukaka ang dalawa nitong binti habang nakapatong ang magkabilang braso sa mga binti nito at nakaupo lang sa sahig. Nakakuyom lang ang kamao niya at tila nagtitimpi.

"...I..."

He added but stopped.

Rinig ko siyang tumawa ng mahina ngunit hindi ko ramdam doon ang saya sa naging tawa niya. That laugh was full of emotions, and I can't tell exactly what it is.

"I, as the former commander of the Special 10... your leader right?" Umangat ang tingin nito sa amin at tinanong pa iyon sa kanila. "I was the special one, the master first of the Special 10. Your commander, the head. Ano pa ba? Oh! I was your brain, I give the command and the rest will just slay. Am right?" tumawa ito.

Gulat ako sa nalaman, Nathaniel was the leader?

"Okay! I accept your every humiliation, Shan. And I accept your extreme anger, Simon. I don't care. I'm a coward, a jerk. Whatever! It doesn't matter. YES! I was behind the assassin's attack, dahil pinadalhan n'yo ako ng device, that's why I did that! Y'all fucking scumbags! FUCKING ASSHOLES AND JERKS!"

Nagulat ako sa sinabi ni Nathaniel, device? I happened to hear it in the garden before. 'Yun din ang dahilan kung bakit nilooban pa ako ni Jarred at pinagbantaan.

It all started with that? Anong meron sa device na iyon? Why is it such a big deal para sa kanila?

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now