Gabriella POV
Hindi ko mapigilang matulala at iniisip ang mga nangyari kanina. Pagkatapos ng mga iyon ay nagsi-alisan na sila at hindi pinansin ang isa't isa. I also left and went to Erica's room. Inaayos na din ang buong academy dahil sa nangyari kagabi na kagagawan pala ng Shan na iyon. He's the head of the discipline committee, dapat siya pa ang nagpoprotekta sa mga estudyante dito. But what did he do? tsk.
"Mika?"
Hinawakan ko ang kamay ni Erica ng makitang gising na siya. I smiled at her.
"Are you okay?"
Mahina kong winika na tinanguan lang niya ngunit bigla siyang umiyak sa harap ko. Mapait akong ngumiti at niyakap siya kahit nakahiga."We will find her, Erica. We can find her."
I uttered and tapped her head at pilit siyang pinapatahan....
Naglalakad ako sa hallway ng school nang mamataan ko sa malayo si Shan. Hindi ko na sana siya papansinin ng bigla itong tumingin-tiningin sa paligid at mabilis na tumakbo sa kung saan.
Tahimik kong sinusundan si Shan at pilit tinatago ang sarili ko para hindi niya makita. Gabi na at saka naka-itim naman na ako, itim yung school uniform namin eh.
Hindi niya ako basta-bastang makikita.
Masyado ring madilim sa parteng ito dahil hindi abot ng ilaw ng school, pero maliwanag na naman ng kaunti dahil sa tulong ng buwan.
I heard Shan talking on the phone, kaya sinundan ko siya. May nararamdaman kasi akong dapat ko siyang sundan.
"Don't give me that shit, Estevan. Kung gusto mong pumasok sa akademya, I don't care. Just don't meddle with my plans if you don't want to die."Sumalpok ang kilay ko ng mabanggit niya si Estevan. They knew each other?
"May acquaintance party na magaganap sa susunod na araw, let's plan for that."
Nagulat ako sa sinabi niya. Balita ko nga may acquaintance party sa susunod na araw, anong gagawin nila?
"Don't you dare. Kung gusto mo lang pumunta dito dahil sa kanya then go. I don't care. Just lend me some men, that's all I need."
Mabilis akong sumandal sa pader na pinagtataguan ng lumingon sa gawi ko si Shan.
Pinakiramdaman ko ito, hindi na siya nagsasalita. Nakita niya ba ako?
Nilibot ko ang paningin sa kinalalagyan. Wala na akong mapagtataguan, aish. Maingat muli akong sumilip kay Shan at nakitang wala na ito sa kinalalagyan.
Napahinga ako nang maluwag.
"Pikaboo."
Nanlaki ang mga mata ko nang nasa harap ko na ito. Paano siya napunta dito? Paano niya nalaman na nandito ako?!"S-Shan! Haha, ikaw pala."
Pa-kamot-kamot ako sa batok at awkward na tumawa sa harap niya. Pero nginisihan niya lamang ako at nag-cross arms sa harap ko.
"Why are you tailing me? Alam kong may narinig ka."
Matalim niya akong tinitigan ngunit biglang nagbago ang ekspresyon nito.
"But, don't worry. I can't just kill you right here, baka anong gawin sa akin ng ibang nandito." tumawa ito na siyang ikinapagtaka ko.
"Oh come on, lumabas na nga kayo."
My temple creased.
"You got me." White
"You have sharp eyes, Shan." Isaac
What are they doing here? Kanina pa ba sila diyan?
Lumapit silang dalawa sa direksyon ko at hinarap si Shan.
"I heard what you just said on the phone, seventh. You really meant it?" Isaac spoke
So, kanina pa pala sila diyan? Nagmamatyag din sila kanina pa?
Narinig kong tumawa si Shan.
"Of course, I do! Don't worry, sisiraan ko lang si Nathaniel. Walang patayan na magaganap okay? Hahaha!" Shan
Napa-buga ako ng hangin at bumaling ang tingin sa iba. They're insane.
"At sa akala mo, basta-basta nalang hahayaan ni Nathaniel mangyari yang binabalak mo? You know Nathaniel so well, kahit ganyan ang pinapakita niyang pakikitungo mas malala siya mag-isip kaysa sa atin. Walang plano niya ang naging palpak. Kaya kung ako sa iyo, mag-isip-isip ka muna."
Napantig ang tenga ko sa tinuran ni White.
"Yeah right." Inis na sagot ni Shan.
Naalarma naman ako ng bumaling ang mga tingin nila sa akin kaya napa-atras ako ng ilang beses.
"What?"
Kahit kinakabahan ay sumagot ako dahil sa kakaibang tingin nila.
"Why didn't I think of this? You are Nathaniel's girlfriend!" Mabilis hinawakan ni Shan ang isang braso ko. "I can use you against him!"
My lips parted. What the heck?
"No way!"Inis kong bulalas at inalis ang kamay niyang hawak ang braso ko.
"Just accept it, I will help you find that geniv—"
"What are you three doing here with her?"
Mabilis kaming napatinging apat sa kakarating lang na si Nathaniel.Nagulat pa ako ng mabilis itong lumapit at kinabig ang bewang ko palapit sa kanya. Lihim akong napa-inda dahil may sugat ako doon galing sa daplis ng bala noong nakaraang araw.
Dinuro niya pa ang tatlo ng isa niyang kamay at tila nagtitimpi.
"Anong ginagawa n'yo sa girlfriend ko? Ha?"
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.